A Travellerspoint blog

Sa Totoo Lang...

sunny

I was kinda hesitant to write this entry.

Baka kasi sabihin niyo yumayabang na ako at lumalaki na ang ulo. (some of my close friends would argue na matagal na akong mayabang at malaki ang ulo.)

Ganito kasi, medyo napapadalas na ang mga instances na nakikilala ako sa loob at labas ng Peoplesupport.

In short, may mga readers ng blog ko ang nakakasalubong ko at nakakausap. I'm getting recognized.

I will not call them "fans" because that might drive Gian crazy, hehehe.

The first time I got recognized was more than a year ago. Nakapila ako sa isang atm sa RCBC, dun sa may smoking area nila.

A group of girls were standing a few feet from me, and one of them called out to me, "Callboi!"

At first, I thought they were calling someone else, pero sobrang obvious naman na sa akin sila nakatingin.

So I smiled hesitantly and waved.

They giggled and waved back. Nagmadali akong nagwithdraw at umalis agad. Na-dyahe ako eh.

At sa isip-isip ko, "Shet! Bakit wala akong kasamang kaibigan para may witness?! Nobody's gonna believe me!"

It was so unreal to be recognized.

Another incident was this guy whom I met while going to Mcdo sa groundfloor natin.

Before I was able to enter Mcdo, this guy approached me and asked, "Are you Buquir?"

Kalmado lang ako, pero sa isip ko, "Sheeet! Eto na naman!" Super babaw lang ng ligaya ko ano?

I said simply, "Yes?"

"I'm Arvin (I think), and I love your blog," sabi niya, nakangiti.

I smiled, girlishly, and answered, "Cheynk yu."

I've seen this guy twice ever since. Nung nakasalubong ko siya the first time, may witness na ako. Si Supervisor Moya, na nakatayo sa may labas ng Mcdo.

Paglayo nung Arvin, lumapit sa akin si Supervisor Moya, na matagal ko nang kakilala at friend, tapos tinanong ako innocently, "Are you Buquir?"

Sabi ko, "Che!"

Marami pang eksenang ganun: I've been approached sa CR ng PS, sa mall, but funnily enough, never sa Malate. You'd think nandun ang karamihan sa mga readers ko. Puro mga callboy lang pumapansin sa akin dun eh.

The other week, something funny happened while Trainer Marlon and I were falling in line sa cashier sa Mercury Drug.

May nakita akong isang guy na nakatayo sa labas ng store. Parang familiar. Napansin ko, nakatingin din siya sa akin, at parang iniisip kung san ba niya ako nakita.

And then, naalala ko na kung san ko siya nakita.

Binulungan ko agad si Trainer Marlon.

"Shetshetshet Marl, wag kang titingin ha, pero I think that guy is a reader of mine. I've seen his blog na rin," bulong ko. Although hindi ko alam kung bakit ako bumubulong kasi di naman niya kami rinig. I guess kinakabahan ako.

Totoo yan. Everytime I get recognized, or someone tells me that they read my blog, natatameme ako. Shyness lang.

Kaya ko nakilala yung face nung guy kasi may blog siya where he uploaded some of his pics. He's left comments na rin sa blog ko.

Whenever a reader inputs their blog URL sa blog ko, I always make it a point to follow them.

Anyway, mabalik tayo sa Mercury.

"Sigurado ka?" tanong ni Trainer Marlon.

Tinignan ko siya uli, at napansin kong panaka-nakang tumitingin din siya sa akin.

"Oo," sabi ko.

"Batiin mo," sabi niya.

"Nahihiya ako, baka isipin niya assuming ako at feelingero," sabi ko.

"Pag di mo binati, baka sabihin naman niya suplado ka pala," sabi niya.

Oo nga no.

Huminga ako ng malalim bago kami lumabas.

Tumingin uli sa akin yung guy. Tapos yumuko ang ulo.

Pagtapat sa kaniya, kinawayan ko siya, and binati ng "Hello Anton!"

Nagulat siya and he smiled hesitantly and waved back.

Dire-diretso lang kami ni Trainer Marlon sa paglalakad.

Nung makalayo ng kaunti, sinabihan ko si Trainer Marlon, "Shetshetshet, parang hesitant yung pagbati niya sa akin. Nakakahiya! Ang assuming ko kasi eh!"

Pag-akyat namin, may message akong natanggap sa Facebook ko. Ka-friend ko pala siya dun. At obviously, naka-wifi ang lolo mo.

From Anton:

"Hey, you recognized me! Awesome!"

Sa totoo lang, tuwang-tuwa ako sa message na iyon. Naiintindihan niyo naman siguro.

I really don't want to come off as arrogant in this entry, pero gusto ko lang sana i-share sa inyo.

Nakakataba (lalo) ng puso.

Anyway, believe it or not, never pa akong nakipag-EB sa mga readers ko na nag-request na makipagkita sa akin (and there have been lots). Mahiyain po ako talaga.

Feeling ko kasi, pag sinamahan ko kayo, you'd expect me to make you laugh all the time.

The truth is, I really really really don't know how to react when meeting my readers. Usually, when they greet me, I just smile, say thank you, and scurry away. Di ko alam ang sasabihin ko eh.

Ayoko namang sabihin na "Salamat po sa pagtangkilik sa aking blog." That's so not me.

Anyway, going against all my hesitations, nakipagkita ako kay Anton that same day, after we exchanged a few messges online.

Pagbaba ko ng opisina, may mga kaibigan pa akong nakasalubong.

Sa kaba ko, dahil first time akong makikipag-meet sa isang reader, nabanggit ko sa kanila kung sino ang kikitain ko.

Kinilig ang mga loka. Akala siguro date ang mangyayari.

So, anyways, ayun ako, nakatayo sa labas ng lobby, nang dumating si Anton.

Di ko na ikukuwento kung ano pinagusapan namin. Basta masaya siyang kausap. At english-spokening to the max ang lolo Anton niyo. Ganda ng accent. Talo ang akin. Pang-call centah talaga. Makalaglag panty ang boses.

Plus, he's really cute.

Sayang... straight siya.

Nung napadaan kami sa may harap ng PS, nakita ako ng mga luka-luka kong ka-opis.

Kinakantiyawan nila ako ng sigaw. Ako naman, nagbibingi-bingihan. Di naman yata napansin ni Anton.

Dear readers, wag niyo pong lalagyan ng malisya ang pagkikita namin, please.

He is as straight and smart as they come.

And girls, he's single.

anton.jpg

Hay nakuuu, Charm!! Straight siya, leche! Hahaha, joke lang Anton.

:-)

Posted by callboi 09:15 Archived in Philippines

Email this entryFacebookStumbleUpon

Table of contents

Comments

Cuteness!!! Sayang straight siya. Pero cuteness talaga!!!

by lady_gaga

Books, sana makipagkita ka rin sa akin. :-)

by chris_tian

Not bad, Bookie, he's not bad at all. :)

Another funny entry, btw.

by iheartbookie

Sayang staright cya! hehehe.. gusto ko sana ipakilala cya sa previous TM ko sa PS CEBU. :)

http://dhonpal.blogspot.com

by Dhon

wow.cute nga, sana nag gaGrindr sya para maiblog ko bwaahhaa:p

btw.sa akin ba makikipag EB ka? bwahahaa :P

by sooltero

@soltero: Hay nakuuuu, wag mo nga ako paasahin! Hahaha, joke lang!

by callboi

i saw you na din before.. or i think that was you.. nag aantay ng ride papuntang makati sa may kalayaan. i kept on looking at you and i really wanted to say hi. pero mukha kang natakot. i think napansin mo na tinitingnan kita.. hahah next time i will say hi to you na!! :)

by missamberfox

I love anton, love his smile. Makes me so gay Hahaha

by jolas

gusto mo bang ipost q din ung pic nyo together nung nakita ko kayo para makita ng lahat kung gano ka kalandi non??! bwahahahaha!

baket sayang?! walang sayang!! akin na lang!!

Anton: kung nasan ka man, straight din ako, i think, bagay tayo. wiiiiiii!!!!!!!!!!!!

by batibot

first time to comment. great blog here. anton fabico from baguio, right? mabuti pa siya nameet k n nya. hehehe... sana makita din kita buquir pagdating ng araw, hehe..

by Alir

Hi Buquir..i'm a great fan too.. actually your blog site is included to my favorites.. so everytime i'm free i see to it i check your blog... ive read most of your blogs... nakakainspire.. btw, sa guadalupe area din ako... baka pag nakita kita di ko mapigilan mag pa autograph sau... sa JP Morgan namn ako work...

by Reindz

@batibot: Isang malaking CHE! Hahahaha! Send mo sa akosicallboi@gmail.com yung pic! hahaha

by callboi

@alir: Yup, he's from Baguio. Knows mo siya?

@Reindz: Saan ba ang JP Morgan? Ok ba suweldo diyan? I-refer mo naman ako!

by callboi

yes. student siya sa university kung saan ako nagwowork.

by Alir

ahmm.. ganun lang pala para makita kong tameme ka..
sabihin ko lang "Hi! Are you Buquir?"..
i'll have you Punk'd next time. ;o) ahihihi..

by aubreybaby

hay...
kaloka sya..
napapangiti nya ko with his smile..
--, cuteness...

mas gusto ko sya kesa kay hottie.
no wonder natameme si bookie..

by amnion

hay...
kaloka sya..
napapangiti nya ko with his smile..
--, cuteness...

mas gusto ko sya kesa kay coffee bean hottie.
no wonder natameme si bookie..

by amnion

Sige bookie pag nakita kita I'd say hi hehe

kaso baka matakot ka din hehe

KUMAGCOW
http://www.kumagcow.com

by kumagcow

You can call me a fan!!
A bonggang-bonggang fan that is! hihi =)

Enge link sa blog ni Anton.. =)

by rumorboy

hi buquir! miss u friend! kaw na maging Ms.Popular hahahahaa :p

by missindia

damn! chills are running down my spine!
looking at the picture sends shiver down my spine!!
joke3!!! heheheheee
joke lang tlga un ha?!!

come a few weeks from now and there comes me u nver expect to see...

Anyway, Ryan Buquir im also an avid reader & wants to see u in person too...
im working in a callcenter in Eastwood City, Libis...
i been readng ur blog for more than a year now,
i just dont lyk to leave a comment until now...

kung mpdaan ka d2 sna malaman q ha?!...

...im very shy in person too so i hope we dont falter...

◀▬▬▬◊ LyndonPaulo ◀▬▬▬◊

by LyndonPaulo

Thank you for the mention Bookie. Like what I told you before, whenever I read this, it still makes me laugh. Its weird reading about yourself. Hahaha.

by Anton

envious!!!
ü

by e_sasha

anong blog ni Anton?

by Chuck

I am not working in a call center, i am a nursing student and i really like to read your blog. it gives me smiles and tears (Something to that effect post) after reading your blog. MORE POWER and i'll buy lots of your book and distribute them to my friends. PROMISE.

by MisterBaks

@misterbaks: Shet, na-touch naman ako. Thanks!

by callboi

are you buiquir? Hahaha... natawa din ako nung nawitnees ko yun.

by Supervisor Moya

His site is here guys... google is your friend

http://adamsplanet.blogspot.com/

by kumagcow

Bookie, in fairness, cute si Anton... baka naman may kapatid siya... hehehehehe... Joke lang Anton... Bookie, i miss you! Ang galing mo naman, may kaibigan na akong celebrity status... Huwag mo akong kakalimutan ha... Hehehehehehehe!

by NYBadette

anton is cute :)

by cherish24

This blog requires you to be a logged in member of Travellerspoint to place comments.

Enter your Travellerspoint login details below

( What's this? )

If you aren't a member of Travellerspoint yet, you can join for free.

Join Travellerspoint