A Travellerspoint blog

Coffeelicious...

sunny

ca.jpg

Love ko na talaga ang wifi ng Coffee Bean sa may Convergys, right across our building.

I like their drinks and food, plus naiinspire akong mag-sulat ng madalas kasi maganda ang view nila, people walking the sidewalks of Ayala.

Dito na ako talaga tatambay forever. Daanan niyo naman ako. Madalas hapon ako andito. Tambay tayo.

Anyway, the other day, may pumasok na hottie dito.

Muntik na malaglag ang brief ko na WaGar ang tatak (Walang Garter).

I oh-so-discreetly took a pic. Siya yung nakatayong naka-white.

c2

c2

Shet, naupo siya sa likuran ko. All alone. Just begging to be eaten, ahekhekhek.

Nung nakaupo siya sa likod ko, di ako matahimik. Parang nilagyan ng siling labuyo ang pwet ko.

Parang gusto kong lumingon patalikod sa kaniya at kantahan siya ng "Pyramid" ni Charice.

Parang gusto kong lumuhod sa harap niya at bigyang pugay ang kaniyang mapuputi at mapupulang mga... siko.

Pero, siyempre, di ko ginawa. Tsura ko lang noh.

Mamaya pa, dumating ang kaniyang hinihintay. Babae. Shets lang.

Lumipat sila ng puwesto, sa may harap ko.

Kinunan ko uli ng pic. Patago siyempre.

c3.jpg

Pinagmasdan ko siya ng mas mabuti. Ang tangkad. Ang puti. Ang guwapo. Nakakawala ng urbanidad ang looks niya.

Kinunan ko uli ng pic:

7c4.jpg

Pagkababa ko ng camera phone, nakatingin siya sa akin.

Patay-malisya ako pero pinagpawisan na ang singit ko.

Tumingin ako uli sa kaniya, kausap na niya ang hitad na kaharap niya, pero nakangiti naman siya ng mabait.

EeeEEeeeeEEEEEeeee! Ang sarap-sarap talaga mag-kape!

Posted by callboi 02:59 Archived in Philippines

Email this entryFacebookStumbleUpon

Table of contents

Comments

cuticle nga!
ΓΌ
xoxo

by e_sasha

nagkita cla ng girl sa coffee shop. look at the pic, serious sya, nakikipag break! ayaw na raw nya sa girl, boy kc tlaga gus2 nya! hahaha :P

by soltero

@soltero: I wish! I wish! If he were, i-rereto ko siya sayo, so you can blog about him. Hahaha! Love ko talaga blog mo.

by callboi

i love the nakakawala ng urbanidad line! hahahahahaha!!!!

by chekwa28

Hi Buquir..i'm a great fan too.. actually your blog site is included to my favorites.. so everytime i'm free i see to it i check your blog... ive read most of your blogs... nakakainspire.. btw, sa guadalupe area din ako... baka pag nakita kita di ko mapigilan mag pa autograph sau... sa JP Morgan namn ako work...

by Reindz

hubba-hubba-hubba-hubba.. he's cute.
oy, ate bookie! kumikiri ka na naman.. ahahaha..

by aubreybaby

kinilig akong nakangisi habang binabasa ko ang post na ito..this made my week!...salamat books! i can imagine you secretly giggling after you took his pic...kalaglag panty at brip nga.. :D

by hobbit

Baka may flash ang cam ng cel mo kaya cia tumingin...hehehe Magkakape ako dyan Buqui, kahit magpalpitate ako kung ganyan nman ang view..pwede!

by Haliparot

hahaha! I was literally rolling on the floor laughing after the "Pyramid Part" I love your blog!

by Polo Enriquez

This blog requires you to be a logged in member of Travellerspoint to place comments.

Enter your Travellerspoint login details below

( What's this? )

If you aren't a member of Travellerspoint yet, you can join for free.

Join Travellerspoint