A Travellerspoint blog

Something to that effect...

rain

3potch.jpg

Dati, kapag gusto kong asarin ang kaibigan kong si Potchi, tutuksuhin ko lang siya na tumataba yata siya.

He would look at me seriously, and then say, "That is possibly the harshest thing anyone's ever said to me, bitch."

A pause, and then sabay kaming tatawa ng malakas sa ka-OA-yan niya.

"Ohmygeeed, I am so maarte or something to that effect," ang itatawa niya.

Another time, sabi niya sa akin, maglalagay daw siya ng makabagbag-damdaming testimonial sa friendster page ko. Sobrang maiiyak daw ako pag nabasa ko na. Isang linggo daw ang kekelanganin ko para lang maka-get over sa drama ng testimonial niya.

It took him thirty minutes to type it, and then he asked me to edit it before posting it online.

"Beks, ako ang mag-e-edit ng testimonial mo para sa akin? Eh di wala nang surprise or suspense?" tanong ko sa kaniya.

Hinampas niya ako sa braso, "Eeeee, sige na, baka may maling grammar or spelling ako eh. Nakakahiya sa mga supermodel friends ko. I have a reputation to keep, y'know, or something to that effect."

A few years ago, nag-away kami ni Potchi and we didn't talk for the longest time. I was a supervisor back then, and so was he. Around December, nagbunutan ang mga supervisors sa floor para sa Kris Kringle.

Parang nanadya ang tadhana, si Potchi ang nabunot ko. Walang gustong makipagpalit sa akin kasi gusto ng mga supervisors na magka-ayos kami. Fine, sabi ko sa sarili ko. I'll buy his gift and I still won't talk to him, ang naisip ko.

Five hundred pesos ang budget para sa gift. Nung tinignan ko kung ano ang nasa wishlist ni Potchi, nairita ako sa nakalagay.

"Jumprope."

Jumprope? As in lubid na tatalunan mo lang? Anung kaartehan meron ang isang jumprope para umabot ng P500???

Pag tingin ko ulit sa wishlist, nakita ko sa ilalim ng word na jumprope, may P.S. na nilagay si Potchi.

"Please make sure you buy it from Nike Park."

Ah yun naman pala. May mamahaling brand. May chance nga na 500pesos ang presyo kung galing sa Nike.

Pagdating ko kinabukasan sa Nike, nawindang ako sa presyo ng jumprope nila: P800.

Binili ko ang jumprope, at sa inis ko, pinabalot ko sa black na papel. At the last minute, nilagyan ko ng makulay na ribbon ang wrapping.

Nung oras na ng exchange gift, lumapit ako sa station ni Potchi, inabot ang regalo, at sinabi sa kaniyang "Merry Christmas."

Sabay talikod at alis na bago pa siya maka-react.

Later that day, lumapit siya sa akin, bumeso, yumakap at sinabing, "Beks, merry christmas. Salamat sa gift. Ang sushal ng motif ng giftwrap mo. It's so minimalist. Or something to that effect."

"Binagay ko lang ang kulay sa budhi mo," sabi ko.

A pause, and then natawa kami pareho. At ganun lang, ayos na kami uli.

Beks, I can't believe you're gone.

I wasn't much of a bestfriend in your last few days, and I'm really sorry about that.

You know I love you and ikaw lang talaga ang nakakakilala sa akin, totoo yan. Ikaw rin lang ang nakasama ko sa jacuzzi ng hubad.

I will truly truly miss you, Beks. Or something to that effect.

Love you.

Posted by callboi 11:22 Archived in Philippines Tagged gay_travel

Email this entryFacebookStumbleUpon

Table of contents

Comments

So beautiful and sad, bookie. Condolence.

by lady_gaga

Naiyak ako and natawa. So sorry about this books.

by chris_tian

Naiyak ako... at para akong tanga, kasi umiiyak ako ng naka-ngiti... naka-ngiti ako, 'cause only after reading this ko nalaman na nagkaayos kayo.... i love you both.... and i love the relationship you had, or should i say will always have... even before, i knew that you fab gays would realize na umaarte lang kayong dalawa at namimiss niyo ang isa't isa.... i miss you Potch, we all do... and to you, callboi, you are a very good friend... and this piece is wonderful.

by Phen

Is he dead?

by ...

Awwwww... Kaka-touch, Mr. Buquir! I remember both of your cheers and jeers in our HR programs. Potchi will always be remembered.

by Erik Pedido

....wat a way to start my day......sad bookie....condolence

by quake

i will miss you Potchi!!

by Jaybee

we will miss him.....

by agentnipotchi

Yikes. what happened (to your Beks)?

by altered

nakakamiss:(

by ross

nakaka mis potchi

by kulit mo

hi buqui, i heard about it this morning from Ken, then Ross shared this link. So sad to hear about this :( condolences to everyone close to Potchi. He will be missed.

by Mimay

naalala ko nung bnisita kita sa hospital tas after xa nmn ung pinuntahan namen, ngflying kiss pa xa sken. hes in a better place now.for sure.

by batibot

i hate goodbyes!
ΓΌ
yung totoo...
nakakalungkot...
ganun lang kabilis...
God Bless His soul...

by e_sasha

potchi was such a great person...thank u for the laughter and happy moments potchi!:(

by Roxie

bless the soul of Pochi. I received the text message from Pam and Don Delago. Kakalungkot. honga, kayong dalawa ang makukulit noon sa floor pero super mababait. si pochi, may pagkabitch pero if you need help from him eh di siya naghehesitate na tumulong. many people will miss him surely.

by ccslave

i don't know you both personally but i can feel the sadness..
condolence..
May he rest in peace.. :'(

by davaofan

i don't know both of you personally but i can feel the sadness..
condolence..
May he rest in peace.. :'(

by davaofan

hi buqui..i'm a great follower..i've read all your blogs here..i dunno wat happened to pochi, may he rest in peace now. i can't help it but cry..di nyo man ako nakilala nasubaybayan ko ang friendship nyo through this blog. and I envy you for having such a wonderful friend like him... i'm looking forward to see more controversial, exciting, happy and sad blogs in the coming days..... have a great day ahead...

by Reindz

thank you, guys.

by callboi

May he rest in peace.

by jhing

bookie, i know how sad you are right now for losing a very good friend. condolence.

by alisha

I will miss Potcholo. :c

by Ish

there should be a tribute to potchi. rest in peace.

by p

we'll miss potchie talaga...gandang memories ang iniwan nya sa tin...

by sheila

My deepest condolences. I hope he's in a better place now. He can jump rope all he wants now. :)

by guyrony

My condolences... (-_-)"

by kumagcow

condolences bookie... i never realized you and potch had a rift at one time..i read your post and am glad that before time ran out, you kissed and made up..thats what matters most naman right?..potchi will be missed..thanks for sharing :D

by hobbit

bookie, i can't believe that he's gone. I'm not a close friend to him, but let me put it this way, i can't bear to think that from what i have known from him the time i was still in PS, someone so full of life has to go. I'm praying for his family and friends, and i do know he is in a better place.
I hope you're okay too. I stayed in PS under the same account, and I have sort of witness both your happiest and your sad times as friends.
I can say I'm pretty affected because if he really was nice to me, what more then to his friends?
My condolences.

by fridaygirl

Anu kinamatay nya if I may ask? :(

by Rhon

We will truly miss him...Kakulitan sa floor...pagsend ng AHT ng Team nya, pag mataas AHT mo super red na laki ng font...ang pagtataray nya na me sense at nakataas pa ang kilay...parang baby pag- me hinihiling sa mga friends nya...ang pagiging volleyball player nya sa Team Bruins...naghehello at ngingiti kapag nakasalubong ka...pagiging totoong tao nya...He's not my supervisor or even a friend but i know na mabait syang tao...Let's just pray for him and he's happy now coz he's with HIM...

We will truly miss him...

by bookiefan

So sad.. =(
Our condolences to his family and friends..

by rumorboy

Potchina-- we all loved him. Lets just celebrate his life. Bux let me know the details of the mass ok?

by Bianx

hi Sir Bookie,

sorry if i had to ask, what happened to him?

by observer

i wanted to befriend him...

sad...

condolences bookie.

by chekwa28

nakikiramay

by mandayamoore

Kakaloka ang post na ito..kakaiyak na nakakatawa :p i will miss potchi sobra :(

by missindia

Booo-kwai...

It dawned on me just some nano-seconds ago that Potchi is really no longer with us...surreal.

He was loved and will forever be so...

and you...you ARE loved.

hugs
Brittany Brittany

by Brittany Brittany

hi bookie, condolence.may he rest in peace. from the elite family here in cebu ps

by bratty_mommy

potchi will really be missed in Expedia floor...

he is with the Lord now....

by kelly clarkson

condolences bookie..

by _lOuie_

condolences

nakilala ko sya dahil sa blog mo

masakit mamatayan

by vernilicious

I am just an acquaintace with Potchi, but I have a very high respect for this person. Until now I can't imagine that you already left the people who loved you but it is inevitable. May he rest in peace.

by akosidiosa

nakikiramay po...

by mowmow

Buquir...sowee. I guess nawala ang comment ko. Anyway, I wanted to share my so-called Potchi story.

One night nag-team dinner kaming agents niya. I brought creamy dory fish fillet, and gave some to Potchi when he asked.

Hala, he got hooked! He virtually forced me (he he) to bring lots of it for another team dinner...and I did.

Di ko matandaan kung kasama ka namin, but we had another team dinner where he brought pasta...others brought this...I brought almost two kilos of fish fillet creamy dory. Sure enough, kain sya ng kain.

Nagkataon kasama rin si Alvin Lax. Hala, pati sya na-addik dyan.

Di ako sure, but I think we did it siguro two more times. The last one, I saved some exclusively for Potchi. :)

Potchi, I'll miss our creamy dory days. Vaya con Dios, at maraming salamat.

by David Z

waaah... nagutom ako sa idea ng creamy dory! dalhan mo ako, mr. z!!!

by callboi

Condolence Bookie, I know nasa piling na sya ng CREATOR nating lahat. I know the feeling when I lost my MOM several years ago :( I'll pray for his soul...

by Clarkwayne

WHAT HAPPENED TO HIM???

by uzzi

Hi Buquir..

Love ko blog mo!..
I even send a link sa mga friends ko para mabasa nila.
Sana may katulad ka sa Office namin. Yung ganyan lang ang Drama sayo.

Btw, Sa PHUB ako work.. call center agent for 2 years and 9 mos and now JRPA na ako ng company..

Lahat ng Blogs mo naaaliw ako..
Promise..

Pero ito, Naiyak ako!..
lalo na wala na pala Beks mo.

Beks din ang tawagan namin ng mga friend ko.

Haba naman ng comment ko..nway, more power sayo..Hintayin ko din ang time na mag labas ka na rin ng books mo!

=) God Bless

by Greyssie

@Greyssie: Salamat sa comment mo. Alam mo ba, may mga moments na bigla na lang ako matitigil sa ginagawa ko, habang nagcacalls, kumakain, or nagbabasa, tapos maaalala ko na wala na siya, and I jsut feel like crying all over again. I really miss him.

by callboi

oo.. nakakalungkot talaga sya..
Ironic.. malungkot ka, pero napaka dami mo namang napapasaya..

Pero don't worry, wherever he is, alam ko naman na masayang masaya sayo yun.. sa mga inaani mong tagumpay!..
wala ka mang awards o plaque, girl sa blog mong ito..
pero umaani ka naman ng prayers..

oo prayers..

ako, pray ko para sayo;

- good health para madami ka pa masulat
- good relationship sa family mo at sana mawala na lahat ng samaan ng loob nio pakonti konti.
- good friends around you, wag ka malulungkot kung lilipat na ng company yung mga friends mo.. pag may nawala, may dadating..
- and sana wag ka mainlove sa maling tao.. alam mo yan girl.. nakakasira ng pag katao mainlove ng bongga..

basta lahat ng best and good para sayo ang wish ko..

more blogs more fun!!..
masira man laptop ko, titiyakin ko na sa mga susunod kong laptop, nasa bookmark ko blog mo!

MORE POWER!!
(tagal ng books mo, inip na me, ahahay!!)

by Greyssie

ano ba yan, simple lang naman yung story pero naiiyak ako.. ano ba yan... heavy sa lungs.. parang ako ay nasa shoes mo...

by Xobile

This blog requires you to be a logged in member of Travellerspoint to place comments.

Enter your Travellerspoint login details below

( What's this? )

If you aren't a member of Travellerspoint yet, you can join for free.

Join Travellerspoint