A Travellerspoint blog

Speak No Evil...

Sugarfree Part 2...

sunny

zipmouth.jpg

The other day, while enjoying frozen yogurt sa Red Mango sa Greenbelt 3, tinanong ako ni Ina Magenta kung bakit hindi na raw ako masyadong nag-susulat tungkol sa office chismis.

"Takot ka na ba?" ang tanong niya sa akin habang malanding dinidilaan ang yogurt sa spoon niya.

Actually, natanong ko na sa sarili ko iyan.

You see, the last time na nagsulat ako ng tsismis, it was about these two girls and a bald manager. Click here para maka-relate kayo.

There was such a brouhaha about that entry. People said it wasn't true, others said it was, and then a week later , besides getting nasty looks from him sa pantry, nakasalubong ko sa Ops floor yung kalbong manager guy na involved tapos binunggo niya ako ng malakas on purpose. Medyo masakit. I didn't mind, though. He had every right to do that, like he had every right to play around with those girls, kahit isa pa sa kanila eh sing-liit ng kuto according sa karamihan ng mga tao (hindi ako ang nagsabi ha) at yung isa naman ay beauty queen ang dating. Buti na lang magandang shock absorber ang mga bilbil ko.

When I wrote that entry, ambilis ng mga comments! In less than a day, umabot na agad ng 50 comments from readers who were either a) na-eskandalo b) nakiliti c) natuwa or d) all of the above.

And then, napansin ko, may mga ilang comments na sumingit na medyo... well, kakaiba.

At dahil namomoderate ko na ang comments ng mga non-account holders sa website na ito, may karapatan akong di i-approve ang mga iyon.

Ilang sa mga comments na di ko in-approve ay yung mga ganito:

1) "Mukha kang baboy at di ka dapat nagsusulat ng ganito."

2) "Mag-ingat ka bakla paglabas mo ng opisina"

3) "Homewrecker kang tabachoy ka mamatay ka na"

And recently, may nagcomment ng ganito:

"Sa susunod di na appendix mo ang puputok pati mukha mo at ang mga umaalog mong bilbil magingat ka bakla"

Wow. Kung maarte lang ako, iisipin kong sikat na talaga ako kasi may mga death threats na ganito na akong nakukuha.

Actually, natatawa na lang ako, kasi naman, ano ba naman ito, kuya? Ako? Death threats? Umaalog kong bilbil?

Hindi yata bagay sa akin. Or sa blog na ito. Although aaminin ko, I checked sa mirror sa CR kung umaalog ba talaga ang mga bilbil ko. Sabi ni Trainer Marlon oo daw. Shet lang.

The thing is, kung sino man ito, or sino man silang mga nagcocomment ng ganito, ayoko namang isipin nila na kaya bihira na akong magsulat ng chismis dito sa blog ay dahil effective ang pananakot nila.

The reason behind the lack of juicy chismis ay... well... dahil sa totoo lang, bihira na ang juicy chismis.

Promise. It's either di na ako sinasabihan ng mga tao ng chismis dahil ayaw nilang ma-blog, or talagang medyo tahimik na ang buhay dito sa curry-flavored Peoplesupport.

Isa pang dahilan, medyo dumadami na ang mga kaibigan ko sa floor. And yung mga chismis na nasasagap ko, ay mostly tungkol sa kanila. I could never do that to my friends, well, at least not without their permission. :)

Meron namang mga tao sa floor na feeling ko medyo atat na malagay sila sa blog ko. Kasi pansin ko, papansin sila. Katulad nitong isang Sales supervisor na straight daw pero mahilig naman manligaw ng mga lalaking trainers, male supervisors from the 4th floor, at eto ka, may girlfriend sa labas! Kamusta naman. Busy si lola mo. Sana conversion na lang ang asikasuhin.

Pero, don't worry, di ko naman sinasabing di na ako magsusulat ng mga blind items. At di ko rin sinasabing wala nang chismis sa floor. Far from the truth.

Kung feeling nung mga nagcocomment na takot ako sa kanila, well, sorry mga bakla. Ang kinatatakutan ko lang ay ang makasama sa iisang kuwarto si Kris Aquino at Ruffa Gutierrez ng sabay. Talo nila ang kaartehan ko eh.

Baka matanong nila, ano ba ang karapatan ko na i-blog ang pribadong buhay ng ibang tao? Absolutely nothing. Wala talaga, di ba?

Wala akong karapatan. However, this is my blog. Why are you reading it?

Posted by callboi 18:58 Archived in Philippines Tagged gay_travel

Email this entryFacebookStumbleUpon

Table of contents

Comments

naku ingat ka lagi baka kasi totohanin yung mga threats na yan, dami pa nman for hire ngayon, basta ingat lang..............

by avaya_boy

i hate to think that there are people who's taking this blog seriously to the point na totohanin yung mga threats mo unless they are the one's really affected...sa totoo lng when i started here wala akong idea about any issues sa floor na may mga ganun pala around me, so salamat sa blog mo coz it opened up many things to those innocent people here in the floor...so for me I'm your fan so just continue blogging kc jan ka sumisikat and sabi ko nga someday i wanna read your own juicy book okay!!! i will miss u bookie, and ung mickey bag ingatn mo yan ha..mwah mwah...dont be threaten sa mga nananakot thats part of life girl alam mo yan sikat ka kc eh!!!

by sexy

simple lang yan eh...
bato bato sa langit tamaan...may bukol... =D

by poptart

Hey Bookie! Don't let them hinder you on what you really love doing.

Gossips will only feel factual if they react negatively through them.

So, it's not your problem anymore.

This blog is your domain. Don't be intimidated by such comments.

Aren't we such beatches. Hahahaha!

by guyrony

bookie ito lang yun, pag may masamang nangyari sa iyo ang iisipin ng lahat ng readers mo,lalo na ung mga nasa PS pa, eh yung OM na yan ang may kasalanan. kung ako sa iyo for fun lang, pagawa ka ng affidavit at ipa-notario mo, tapos ipatago mo sa at least 3 tao na hindi magkakakilala, at nakasaad dun na pag may masamang nangyari sa iyo number 1 suspek eh si OM :D

by amethyst

uy ha! di ko sinabi siya yung nagcomment ng ganun! hahaha!

by callboi

naku bookie.. kea ganyan ang mga comments nila sau kasi guilty sila sa mga ginawa nila, kasi totoo un kea ganon ang mga reactions nila.. kea tama din po si poptart..

by toasted_17

Wala akong karapatan. However, this is my blog. Why are you reading it?

-----gusto ko ung line na to... astig!!

by fifi

Kung ayaw nilang matsismis, was silang gumawa ng eskandalo. E ano naman kung matsismis sila? Pampadagdag pa ng pagkasikat un diba?

Isa pa, hindi ba ang sarap makinig sa tsismis? much more magbasa nito?

Sa kumpanya natin ngayon na puros na lang bad news (tulad ng impending na pagbawas na ng dugo mo, pati sweldo mo babawasan din), yang mga kwento mo Bookie ang nagpapabuhay sa amin.

Gow Gow Gow!

by fulibooked

kaya nga for fun lang eh! haha..pero sa panahon ngayon madali nang matrace kung sinu-sino yang mga nagcomment na yan, and it will hold in a court of law, because logic dictates you have 3 main suspects :D (wow may silbi din pala ang mga law subjects at philo class ko)

by amethyst

About Office Gossip..

You know the saying "If there's smoke, there's someone grilling barbecues.." Hahaha

Aun. Wala lang. =)

by rumorboy

i soooooo miss your blog, bookie!

curry-flavored PeopleSupport? So true!

at tungkol naman sa post na ito, ika nga sa gossip girl: you're nobody until you're talked about. or something to that effect! hahahah!

by chekwa28

Bu-queer! I love this entry. Na-miss tuloy kita. Slight lang. Slight.

by Ces

@Ces: Miss you, too, bitch. Kausap ko si Rhoda Delmo-Bektas kanina. Let's do lunch daw.

by callboi

Yeah, let's do lunch! I keep bumping into Rhoda often. Pakalat-kalat around the metro. ;-)

Send me a message na lang kung kailan ang lunch na ito. :-D

by Ces

hahaha. buqui, i so like you na talaga.
i wish i have your wit and style in writing. sana makita kita in person. mabait ka ba in person?

by mowmow

@mowmow: Pag tinanong mo ibang ka-teammates ko, sasabihin nila evil ako. Pero in a cute way.

by callboi

Buquir: Hindi ko kilala si Sales Supervisor promise wahahahahaaa :p

by Missindia

Yung mga nagthreaten sayo bookie walang mukhang ihaharap yang mga yan kaya matapang... APECtado sila ibig sabihin totoo... and unfortunately for them, the TRUTH HURTS....

ayaw machismis pero sa opisina gumagawa ng mga kahayupan ay sus!

by kumagcow

hehe..
yan n bookie., lumalabas n ung mga guilty at takaw trip..
nweys/more power po, d k naman bad(ata) kaya love k p rin ni god>>

anwey,naun ko lng nabasa un, juicy nga.
haha

by shallet

i wud just like to tell you.. na ingat ka...tsaka di naman nila malalaman ung chismis if they are not reading it eh..its fun..kaya sulat.. the juicier chismis the better..jejejejeje
in fairness.. ive been reading ur blog for about a year na...
naghahanap nga ako for your top ten men this year... dito sa ps cebu...pede ba?

by cebu_girl

"this is my blog. Why are you reading it?" wahahaha!! panalo to bookie!!

by kulot

This blog requires you to be a logged in member of Travellerspoint to place comments.

Enter your Travellerspoint login details below

( What's this? )

If you aren't a member of Travellerspoint yet, you can join for free.

Join Travellerspoint