A Travellerspoint blog

McMurder...

sunny

mc.jpg

Kasama ko kanina ang friend kong si Chili, kumakain ng almusal sa Mcdo.

Umiiyak si Chili habang nakatingin sa malungkot niyang Hamdesal Meal.

Ako naman, tahimik na ninanamnam ang Sausage McMuffin with Hash Brown ko. Lovelovelove it.

Si Chili, after five minutes, umiiyak pa rin. Haaay. Sayang ang food. Sayang din ang friend ko. Kay gandang babae, nahumaling sa pangit na lalaki.

"Kakainin mo pa ba yang Hamdesal mo?" tanong ko.

Tahimik niyang inaabot sa akin ang sandwich niya.

Nakatingin ako sa kaniya, "So, ano na naman ang ginawa ng pangit mong dyowa?"

Suminok-sinok pa muna si Chili bago sumagot, "Nakipag-break na siya sa akin."

Napataas ang isang kilay ko at napabulong ako, "Tanginang hayop na yun at siya pa ang may ganang makipaghiwalay."

Umubo ako, "So hurt ka?"

Tumango lang siya.

"Honestly, dapat nga magsisigaw ka sa tuwa eh, sa wakas naka-alpas ka na diyan sa kabaliwang relasyon mo eh," sabi ko.

Wag kayong magtaka kung bakit napaka-harsh ko kay Chili. Ganito na lang, matagal na siyang inaalila, nilalapastangan, at niloloko ng dyowa niya. Lahat kaming magkakaibigan araw-araw siyang pinipilit na magising na sa katotohanan.

"Pero mahal ko siya eh," ang lagi niyang sagot.

OK, fine.

"Bakit naman daw siya nakipag-break sayo?" tanong ko.

"Kelangan daw niyang magfocus sa trabaho niya eh," hikbi ni Chili, "Alam mo naman, bagong promote siya na supervisor OIC."

Tumango ako. Napansin ko ngang naka-black lanyard na ang lolo mo. Hmp. Mukha pa rin siyang dagang kanal.

"Pero, kasi, ang masakit..." dagdag pa ni Chili, "May tsismis na dyowa daw niya yung newbie na agent niya ngayon. May nangyari na nga raw sa kanila eh."

"Alin? Yung bihis pokpok sa Makati Ave?" tanong ko.

Tumango siya.

Nakuuuu, sarap talagang giitan ng lintik na yun.

Tumingin ako sa paligid, siniguradong walang nakakarinig.

"Gusto mong gumanti?" tanong ko kay Chili, mahina ang boses ko at seryoso.

Inaangat niya ang ulo niya, tumigil sa pag-iyak, inabot ang hamdesal, kumagat, at nag-tanong ng mahina, "Paano?"

Kinuha ko ang plastic knife mula sa pancake ko, at inabot kay Chili, "Eto, putulin mo yung kaniya."

Napatingin si Chili sa plastic knife, kinuha ito, at pinahid sa tissue.

"Hindi ba masyadong mapurol ito?" tanong niya.

"Mas maganda yun, para mas masakit," sagot ko, "Tapos, pagkaputol, buhusan mo ng suka."

"Di ko alam kung kaya ko", sabi niya.

"Kayanin mo," sagot ko, nakahawak sa kamay niya, "Alalahanin mo lahat ng kagaguhan niyang ginawa sa iyo."

Tumango siya, tahimik.

Tapos tinanong niya ako, "Pwede mo ba akong ibili ng longganisa meal?"

"Bakit?"

Ngumiti siya, "Gusto kong mag-practice."

Rinig na rinig sa buong Mcdo ang tawa namin pareho, tawang-kontrabida.

Posted by callboi 21:18 Archived in Philippines Tagged gay_travel

Email this entryFacebookStumbleUpon

Table of contents

Comments

This made my day. =) Love your post today, callboi. I miss my call center days tuloy. Happy Easter! Ingat lagi.

by mei

galing niyo po talagang maglahad ng kwento sa buhay buhay niyo...araw araw kong binibisita blogs mo at talagang soothing at relaxing after kong mabasa mga kwento mo hehehe... shanejosh po ito ng Riyadh, Kingdom of Saudi Arabia!

by shanejosh

thanks mei and shanejosh! happy easter din!

by callboi

hi buqui,

it must be nice to have a friend like you.
kakainggit naman sa mga kaibigan mo.
happy easter nga pala.

by mow_mow

Happy egg hunt bookie! =) LOL

by kumagcow

typical. naalala mo nung mean girls pa tayo? yung isa sa atin, parang ganito din yung nangyari. jowa niya, tapos nalink sa iba? pareho ko pang friend yun. yung babaeng na-link at yung ka-mean girls naten.

by Paris

Ambaet mu naman te. Hahaha. =))

by reimikazuki

hay nku gnyan tlga...been there done that! hayup tlga yang mga lalaking yan sila na nanloko sila pa may ganang bliktarin na parang ikaw pa may mali... harshness... goodluck sa fiend mo bookie she needs all the help she can get...:)

by p*kemosquare

hahahaha...i loveLOVElove this post...at nakakatuwa na nag react ung friend mo na si Paris..sya ba talaga un, i remember your post about them before, btw can you take a picture of Pasha or at least ang itsura nya bodywise ngayon...kse parang i know who he is...just wondering lang, hope you had a great easter bookie! keep the posts coming!

by LoudObserver

Buquir nakaka intriga ung sup oic na ito hahahahaaha how i wish nde sa LOB nmin kc kung sa LOB nmin xa mejo may idea ako kung cnu xa hihihiiii :p

by missindia

parang may kapareho si Chili...pero matagal na nangyari yun eh...pero up to now gusto ko pa din dukutin mata nung pangit na ex na yun ng friend natin!

by amethyst

@missindia: friend, feeling ko tama ka, ahahaha!

by callboi

hilarious!
ano kayang LOB si boylet. andami kasing newly promoted OICs sa amin.

by chekwa28

@Buquir: wahahahahaha feeling lng hihiii kc kung sa LOB nmin xa eh isa lng ung malapit sa description mo na OIC d2 eh hehehehehee

by missindia

"Gusto ko mag-practice."

That line literally made me laugh out loud! XD

Mahanap nga yang Supe OIC... Hmm..

by rumorboy

oh hell Chili...you go gurl!!!

by hobbit

ahahahaha.... this is so funny!!!! i love chili.... nicenicenice!!!! :))

i just got this link today and i cant stop reading your blogs.... lovelovelove it!!! :)

by mykel

This blog requires you to be a logged in member of Travellerspoint to place comments.

Enter your Travellerspoint login details below

( What's this? )

If you aren't a member of Travellerspoint yet, you can join for free.

Join Travellerspoint