A Travellerspoint blog

Sugarfree Part 1...

sunny

Sorry again, Constant Reader, for the blog-absence.

Ganito kasi, about a week ago, pumutok ang appendix ko.

As in kaboom.

Kaka-checkout ko lang now ng hospital.

Are you sitting comfortably? Let me tell you what happened.

Last March 13, Saturday, nagkita kami ni Mabentang Renz ng 6am sa may lobby ng PeopleSupport.

5renz.jpg

Inaya ko siyang mag-breakfast sa Salcedo Market. Go naman siya.

On the way there, in the cab, nabanggit ko kay Mabentang Renz na masakit ang tiyan ko.

"Parang may kabag ako," ang sabi ko sa kaniya. And totoo, parang gusto kong mautot na hindi.

Pag-dating sa Salcedo Market, panandalian kong nakalimutan ang sakit ng tiyan ko.

I love love love this place.

flowergirl.jpg
8plants.jpg

Gustung-gusto ko na napapaligiran ng malalaking puno and plants ang park na to.

And the meat! Ang sarap ng karne dito.

I mean, look at this one:

guy.jpg

Besides having lotsa man-candy, meron din namang edible food na delish ever.

Like these:

food1.jpg
4food2.jpg
3food3.jpg
food4.jpg
5food5.jpg
5food6.jpg
3food7.jpg
3food9.jpg
9food10.jpg

Favorite ko diyan ang torta at ang Sinigang sa Miso. That's one of my mother's best dishes.

cinema.jpg

Habang namimili kami ng food, sabi ko kay Mabentang Renz, "Parang lumalala lalo ang kabag ko." Pero di ko naman siya ma-i-utot. Hindi dahil sa demure ako, pero dahil ayaw ng tiyang kong "fumart".

After stuffing ourselves silly sa park, we went to the cinemas to watch Alice in Wonderland in 3d.

The movie was just okay for me. Not as good as Tim Burton's early works.

While waiting for the movie to start, sinubukan ko ang less than P20 massage chair which lasts for about ten minutes, I think.

massage1.jpg

Ang nasa isip ko kasi, baka naman pag-nagpamasahe ako, makalog yung utot sa tiyan ko at lumabas na.

massage2.jpg

Obviously, base sa mukha ko sa pic na ito, sarap na sarap lang ako, but alas, still no utot.

At this point, I was already praying to God to make me fart, as it was starting to become really uncomfortable and intermittently painful.

"Magpacheckup ka na kaya?" ang tanong ni Mabentang Renz habang inuubos ang popcorn namin.

"Kabag lang to," sagot ko, "kelangan ko lang siguro dumapa sa kama at umamoy ng White Flower."

Stupid stupid me. Itinulog ko na lang ang sakit.

The next day, pumunta kami sa Bonifacio High, as I was craving for something sweet.

So we dropped by Sonja's Cupcakes.

sonja1.jpg

sonja2.jpg

The second you enter this little shop, feeling mo nasa langit ka na dahil sa bango ng cupcakes nila.

cup1.jpg
cup2.jpg
cup3.jpg
cup4.jpg

order.jpg

I ordered the Elvis cupcake, which has banana cake with peanut butter frosting, and chocolate syrup, and is topped with chunks of Reese's Peanut Butter cupcakes. Mabentang Renz ordered something named berry-berry yata.

Another reason I love eating in Sonja's is because it's so close to my so-far favorite place on Earth, Bonifacio High's Fully Booked store. Do you know that I'm a bookworm? Nauubos ko ang sweldo ko sa mga libro, promise.

FB.jpg

Imagine it, four floors jampacked with books, books, and more books. Plus, there's a Starbucks on the 3rd floor where you can read your latest purchase.

Bawal mag-take ng pics sa loob pero na-i-singit ko ito:

FB2.jpg

After buying a couple of books, we headed out into the night into an Internet Cafe to surf the night away.

Pag-dating ng madaling araw ng Monday, namumutla na ako.

Bumili na ako ng Dulcolax, Motilium, at Imodium at sabay-sabay silang ininom. No joke. I was determined to fart and shit the pain away. Kaso, no deal. Walang nangyari.

Lalo lang sumakit.

At around 330AM,we got into a taxi, and headed to the closest Maxicare-accredited hospital: St. Clare's Hospital diyan sa may Dian.

Pumasok ako sa emergency room at naupo sa may nurse's station, sabay abot sa kanila ng isang papel kung saan nakasulat ang aking maxicare number.

In-explain ko na meron akong malalang case ng kabag. At sobrang sakit na ng tiyan ko.

Tumingin sa akin ang male nurse at hiningan ako ng Maxicare Card.

"Hindi ba pwede yung number lang? Di ko dala yung card eh," sabi ko, namimilipit na.

"Protocol po namin yun eh," sabi ni male nurse.

Hinablot ko ang papel at lumabas agad sabay para ng taxi.

"Sa may Manila Sanitarium," sabi ko, naka-upo sa harap, si Mabentang Renz, sa likod. Hindi ko alam kung saan ang ospital na ito kaya medyo alangan ako. Pero ang alam ko, covered din ng Maxicare yun.

"Yung Adventist Hospital?" ang tanong ni Manong Driver.

Hay, salamat, alam niya, ang isip ko, "Opo, yun nga po."

So umandar na nga ang taxi sa Buendia, si Manong Driver naman, may tanong pa uli, "Di ba yun yung ospital na puro vegetarian ang pagkain?"

"Balita ko nga po," ang sagot ko ng mahina, at this point kasi, masakit na talaga. Parang manganganak na ako ng baboy ramo.

Tahimik si Manong Driver.

Nasa may LRT Buendia na kami ng inamin niya ang totoo, "Boss, di ko alam kung saan yun eh."

Gusto ko ng maiyak.

"Idiretso niyo na po sa Manila Doctors," ang sabi ko. Ayaw ko sana dun kasi ang balita ko, pangit ang service tapos anlayo-layo pa. I was wrong on the first part, as it turns out.

Pagdating sa Manila Doctors, ER na agad ako, at kinuwento ko sa kanila ang deadly kabag ko.

They tried everything to make me fart and poop. Suppository, enema, laxative, all to no effect.

Four hours later in the ER, may lumapit sa akin doctor na babae.

"Masakit ba pag pinindot ko ito?" tanong niya, sabay pindot sa may tagiliran ko.

"OUCH," ang sagot ko.

"I-angat mo nga itong isang hita mo papunta sa tiyan," utos niya.

I tried kaso masakit sa tiyan.

"This is not kabag," ang sagot niya.

Two x-rays later, saka ko nalaman na dalawang araw na pala ang nakakalipas since pumutok ang appendix ko.

Another four hours later, nasa operating room na ako.

Two hours later, nasa private room ko na.

A couple more hours later, I woke up to a cute young doctor standing by my bed, holding my hand.

Ang pogi, ang isip ko, hilo pa sa anesthesia. So what did I do?

Hinawakan ko rin ang kamay niya. Saka ko lang na-realize na kinukuhanan niya pala ako ng pulso.

Shet.

"Hi!" ang masayang bati ni Cute Young Doctor.

"HelloOoooOOoo!" ang malanding sabog kong sagot.

"Umutot ka na ba?" ang kasunod niyang tanong.

Whatthe?

Turn-off naman ang tanong ni Doc, isip ko.

As it turns out, lahat ng doctor na lumapit sa akin in the following days (and there were lots of them, believe me), asked me that question repeatedly.

"Umutot ka na ba?"

Nahihiya man ako, pero sinabi ko ang totoo, "Hindi pa po."

Yun pala, kelangang maka-utot ako para malaman nila na gumagana na uli ang bituka ko. Asus. Yun lang pala.

The doctor who operated on me, Dr. Ang, dropped by the next day.

"You are possibly the only patient whose appendectomy lasted for more than 30 minutes in this hospital. Two hours ang operation mo," sabi niya, "Plus, ang haba ng cut na kinailangan kong gawin sa tiyan mo."

Sinilip ko ang sinasabi niya.

Shet, parang nagpa-caesarian ako, tabingi nga lang.

"What happened was, nag-rupture yung appendix mo and na-infect na siya in the past couple of days. The good thing was, dahil sa taba ng tiyan mo, na-contain ang lason sa maliit na area lang. Pero I had to stitch a part of your intestines."

Tahimik ako.

"Pero don't worry, everything should be fine from now on."

Tahimik pa rin ako. Kinakabahan, for some reason.

"You cannot eat or drink anything for the next three days, okay? Baka di makayanan ng bituka mo."

OH GOD.

Posted by callboi 03:25 Archived in Philippines Tagged gay_travel

Email this entryFacebookStumbleUpon

Table of contents

Comments

taray.

yung c-section ko naman, maliit lang pero tatlo. hahaha! I remember the day they operated me. Tinanong pa nila ako what I ate, tapos nung sinagot ko, ang sabi nila, alam mo na ngang bawal kinain mo pa. Napa-WOW nalang ako. Che!

Get well, Buquirah!

by Paris

WOW!!! me bagong blog c bukie!!! am soooo HAPPY!!! YEY! mebabasahin nmn ako sa office.. BIG SMILE!! :D

by toasted17

Oh GOd! grabe buti n lng naoperahan ka na bukie.. pero i hope ur fine na.. naku get well soon.. at wag na matigas ang ulo. listen to what the doctor told u.. i'll include u to my prayers for your fast recovery.. i really hope that you will get soon..ü SMILE ulet.. :D

by toasted17

Wow.. buti nalang naagapan nila.. :)

xx
Dhon

by Dhon

hi bookie, hope you get well soon. and we really miss reading your blogs. :-)

by alisha09

First time to comment here, good thing you're getting better. God bless on your recovery!

by vondraye

I'm glad you're fine Bookie! I so miss your blogging escapades! :)

by guyrony

well, at least.. You're back! regular blogging na ulet.. we miss it!

get well soon!:)

by wave13

Steady ka lang! Hindi ka mamatay ng hindi kumakain ng tatlong araw, uminom ka lang ng tubig!

Malay mo after 3 days kasing sexy mo na si kim chu :P

by jolas

pagaling ka. subukan mong buksan ang tahi at ipasok ang iyong daliri sa butas. kung masakit, itigil mo. kung hindi, ipasok mo buong kamay.

bakit?

wala lang

by mandayamoore

Wow bookie, biruin mo may benefit pala pag medyo malaki tayo. Tsaka salamat at ok ka na, madami na dedo sa ganyang appendectomy kasi too late na... thanks to your cute doctors at least kahit nakahiga sa bed may holding hands pa din hehe =) glad your back with a vengeance! sana makapunta din ako ng salcedo... layo kasi samen eh =/

by kumagcow

Yeah. We really missed your blogs bookie!

Sobrang natawa ako dun sa scene nyo ni cutie doctor! Hahaha!

Hoping for your speedy recovery!

by Lorenz

Hi Bookie!

Im soo happy that you're doin ok again! At first I was happy na pumunta ka sa Market! Market! at Bonifacio High Street, those are my local stomping grounds, and i love Fully Booked, i tend to spend a couple of my weekend afternoons reading up there, maybe we'll see each other next time.

But anyway glad you are doing fine after your surgery, i laughed a little when you wrote about your doctor, you should have blogged during your time at the hospital then we would have sent you flowers to wish you well...hehe...anyway, glad you're back, keep the posts coming, cuz we missed you like crazy...btw have you seen it yet?

by LoudObserver

I know the feeling...ako din na operahan dahil muntik pumutok appendicitis ko... so you will be resting for a month?like I do....and kapag naubos mo na iyong leave credits you can file sa sss para sa benefit mo,,,get well soon bookie...I am praying for your speedy recovery....☺

by qtcon

magpagaling ka friend....guilty rin ako of the same thing na binabalewala lang pagdating sa nararamdaman....thank you for sharing your experience with us.

by Ruz

Kaya pala I wasn't able to see you around the office lately.. =(

The "Bed scene" with the doctor was a good one. LOL =p

Bilib ako kay Renz. Always at your side. =)
Bihira makahanap ng ganyang friend.

Get well soon!!

by rumorboy

basta sumunod sa doctor ha wag pasaway, ako nag didiet na din, at least sabay na tayo, mangingitim nga lang ako dahil sa pag bibisikleta, ok lang basta sa ikagaganda ng body natin, hahaha!!!

P.S. punta kayo nila clang sa bahay by april gawa na siguro bahay namin, sa bday ko na kaya kayo mismo punta?!?!, dalhin natin sila sa buffet saka sa gabaldon or dingalan. . .

by Boy Castro

Glad to hear that you are now fine Bookie...Pakilala mo naman ako kay Renz when I visit APS Manila again...:)

by James

Bookie! akala ko ang sabi mo constantino reader...acheche adik ako bow

glad your ok na. naka-medical leave ka pa din ba? i'm planning to send some dark chocolate love to you and mamsie this april

by amethyst

ahh,..thats why.tagal kong nghintay ng blog mo.
hnhanap nga kita sa office kaya pla knina or khapon lng ata kita ulit nkita..hehe.. get well soon. ingatz!

by rhyeness

Bookie! Pagaling ka! Ang cute pa rin talaga ni Renz!!!

by NYBadette

Oi, Bookie, pagaling ka ha. Ingat ka rin sa health mo.

by ccslave

Umutot ka na ba?

haha! :p

by PaLaBoi

hi... i just want to say i enjoy reading your blog. they're funny, entertaining and very intelligent. anyway - hope you get well soon.

by rhoy

Hi Buqiur! welcome back :p kakaloka ung eksena hehehehee what matters the most eh naka recover ka na and tuloy na nmn ang ligaya sa blog na ito hihihii :p

by missindia

ayus ingat lage buquir! nanay mo ga si mam buquir na taga dun sa may brgy A? haha

by ikotoki

so ito pala ang alamat ng caesarian section na status mo sa fb. naaliw ako, kc after reading your blog nakatayo ako at nag iisip ng comment ng dumaan ka. (napaka reachable tlga ng cybercelebrity d2 sa PS. love it!)

mukhang d ka galing sa hospital.your looking well. so be well!

by human_isaw

first time poster here .. hope you're doing fine .. get well soon ha, at magpakabait ka na :)

am not from people support but I am an avid reader of your blog. god bless

by janie

@Everyone: Thanks,guys! I am sincerely touched. :-)

by callboi

:)

by Ruz

get well soon bookie.. miss you so much..

by EchuseRa

good to know u are back, bookie!
pagaling ka nang bonggang-bongga dahil marami talaga ang nakamiss saýo in and out of the blogging world. feeling close na naman akey. hahaha!
anyways, hope you can have a post about books since you are a confessed bookworm. medyo mahilig din ako sa books so i would like you to post about books you currently read, fave books of all time perhaps and the like, to give your readers like me some idea on good reads. Yun lang!

Welcome back!

by chekwa28

Hi. I'm a reader of your blog matagal na pero ngayon lang ako magcocomment. :)

Anyway, the exact same thing happened to me in 2006, at kaka-start ko pa lang mag-work sa PS noon, ni hindi pa nga ako nareregular, ng pumutok ang appendix ko. I was in pain for a week kasi sabi ng doctor na unang tumingin sa kin eh UTI lang daw. When I went back, 3 days na palang ruptured si appendix. I stayed in the hospital for 10 days, and I was on medical leave for 2 months! Haha! Bakasyon talaga. I had other complications pa kasi. At eto, para din akong na-C section. The good part is I lost a lot of weight din. But, unfortunately, I gained it all back again months after the operation. Hay.

I hope you're doing good na. :)

by J

This blog requires you to be a logged in member of Travellerspoint to place comments.

Enter your Travellerspoint login details below

( What's this? )

If you aren't a member of Travellerspoint yet, you can join for free.

Join Travellerspoint