A Travellerspoint blog

How To Deal With Insomnia...

Or How I Spent Valentine's...

sunny

Nasa Cabanatuan na naman ako, kina Renz. It's five minutes till midnight, and I can't sleep.

Maaga din kasi akong nagising. Kanina kasing umaga, nasa loob pala ng kuwarto namin si Lola Castro.

Nagtutupi siya ng damit ni Renz or something. Tapos, bago siya lumabas, hinampas ba naman ako sa binti tapos sinabing, "Kaputi ng binti eh!" I am not kidding. She really did that. And that was only the second time we've met.

So anyway, eto nga, di pa rin ako makatulog. Bata pa lang ako, I suffered na from insomnia. Siguro kaya rin ako nahilig sa pagbabasa kasi andami kong oras sa mga kamay ko.

Si Renz, mukhang walang problema sa pagtulog:

renz.jpg

In this pic, he looks like the gayest suman ever. Checkout his powerpuff pillow. Gusto ko siyang hampasin kanina pa para magising. Bored na kasi ako.

Anyway, I decided to write an extra-long entry para naman may magawa ako, at para na rin makabawi kasi antagal rin natigang ng blog ko.

I-kwento ko na lang kung anung ginawa ko nung Valentine's Day.

Super busy ang Valentine's Day ko. Nope, not with my lovelife (what lovelife? hahaha! tumatawa ako pero umiiyak ako deep inside hehe)

First off, nagpunta kami nung umaga sa Chinatown, kasi nga Chinese New Year din noon.

renz_gracie_marl.jpg

Ang kasama ko noon ay si Dancer Gracer, si Mabentang Renz, at si Trainer Marlon.

Masaya ang atmosphere.

Andaming dragons dancing around.

gracer_dragon.jpg

Tapos nagkalat pa yung mga ganito:

dragons1.jpg
dragons2.jpg

which aaminin ko, is kinda scary for me. Parang mumu eh.

fried_siopao.jpg

Sa wakas, natikman ko rin ang Fried Siopao! Sarap! Although sabi ni Trainer Marlon madumi daw yung kuko nung cute chinito na nagbebenta nito. Sabi ko, "Paki ko sa kuko niya, di naman yun ang kakainin ko eh."

Kumain rin kami sa Wai Ying, which for me has the best (and cheapest) chinese food anywhere. Di na nga namin nagawang kunan ng pics eh dahil nisinghot na lang namin lahat ng food pagkalapag ng waiter. We were very hungry.

After Chinatown, humiwalay na sa amin si Dancer Gracer at itong dalawa na lang ang kasama ko sa Greenbelt Five:

marl_and_renz.jpg

Curious ako, sino para sa inyo, dear readers, ang mas cute sa pic na ito? Paki-comment na lang sa comments section please. If you're for Renz, pakisulat "Team Renz!", for Marlon, eh di siyempre "Team Marlon!" Kung yung babaeng nakaputing damit sa likod, then type "Team-Babaeng-Nakaputing-Damit-Sa-Likod" then send to 2333 for Globe subscribers. Che!

Please? Thanks! Please be advised that anything offensive posted will not be approved and/or deleted.

Anyway, nilibot namin ang buong Greenbelt 5 para lang maghanap ng artista or kahit na sinong celebrity para makapag-pa-picture kami. BTW, ugali naming maghanap ng sikat para makapag-pa-photo-ops kami. Jologs noh?

After a few hours, and some frozen yogurt at Red Mango, iniwan na kami ni Trainer Marlon.

Kami naman ni Mabentang Renz, we had to meet a couple of friends for dinner sa Greenbelt 3.

recipes.jpg

We had dinner sa Recipes.

Have you eaten there? Only a few dishes are good, but they're good enough for us to keep coming back.

crispy_tilapia.jpg

Their Crispy Tilapia is their bestseller and truly delish.

lechon_macau.jpg

Eto naman ang Lechon Macau nila with uber-chewy kangkong. Chewy not in a good way ha.

general_chan_s_pork.jpg

Eto naman ang Something-Something Pork. Can't remember eh.

tokwa.jpg

At ang forgettable tokwa.

Pero promise, the Crispy Tilapia makes up for everything. Plus, mura pa dun at maganda naman ang ambience.

  • *********************

INTERLUDE:

While I was typing this entry, dumaan sa likod ko yung mom ni Renz.

"Oh Ryan, gising ka pa?" ask niya sa akin.

"Opo Tita, insomniac po kasi ako eh," sagot ko in my straight-ako-dahil-deep-ang-voice-ko tone, habang pinipilit kong itago ang black pouch ko, kasi baka magtaka si Tita Castro kung bakit eto ang gamit ko:

pouch.jpg

Don't judge. Regalo sa akin yan ni Ianne and I love it.

Anyway, nagulat si Tita Castro nung malamang insomniac ako.

"Ah ganun ba? Naku, pag tumatanda talaga ganyan ang nangyayari," sabi ni Tita Castro.

Ouch, isip ko.

"Eh ilang taon ka na ba?" ask niya.

"Twenty-nine po, mag-thirty na po ako this December."

Tumaas ang mga kilay niya, "Ah talaga?"

I don't think she believes me. Dinalhan niya kami ni Renz ng pizza and pastries para kainin. Sweet!

Kaso tulog pa si Renz. Ubusin ko na lang kaya yung pizza? Wag na, baka umiyak yung bata.

BALIK SA ISTORYA!

  • *********************

Eto nga pala ang mga ka-dinner namin:

matchan_and_renz.jpg

Ang aking beautiful benefactor (na lagi akong dinadalhan ng pagkain), si Matchan.

Naalala niyo ba siya? Na-post ko na siya dito before.

Eto oh:

undas4.jpg

I know, I know, what a difference a few months makes. Iba talaga pag-na-regular ka sa trabaho mo, gumaganda ka.

At ang aming sponsor for the evening's events:

me_and_simon.jpg

Si Simon a.k.a. Porter. Thanks Simon! Sa uulitin!

nakpil.jpg

After dinner, we headed out to Malate, were we met up with another character...

nikki.jpg

On the far right, si Sexy Nikki! Na na-link kay... secreeet!

dragondancemalate.jpg

Akala namin tapos na ang Chinese New Year events, yun pala meron din sa Malate.

And then we saw them setting up something near our table:

judas_belt.jpg

Judas Belt! Kami naman, kalmado lang. Siguro medyo lasing na kami.

Pero nawala yung tama namin nung magsimulang pumutok na, at tumalsik yung ibang paputok sa table namin!

boom1.jpg

What a day, what a night.

At least this year, my Valentine's ended up with fireworks:

boom2.jpg

Kayo? Nakapagpaputok ba kayo ngayong Valentine's? :-)

Haaay. Di pa rin ako inaantok.

Don't forget to vote sa comments section!

Posted by callboi 08:45 Archived in Philippines Tagged gay_travel

Email this entryFacebookStumbleUpon

Table of contents

Comments

Nice nice nice entry Buquir!!! In fairness, kahit inaantok ka your still funny!

and btw, Team Marlon!

by john_lloyd

First! Team Renz! Team Marlon! Hindi, Team Renz ako! Pareho silang cute eh! Pero sige Team Renz!

by lady_gaga

CHUBBYNESS IS NEXT TO GODLINESS!

TEAM RENZ!

by chubbyness_is_next_to_godliness

♥♥♥♥♥♥♥Team Marlon! Team Marlon! Team Marlon!♥♥♥♥♥♥♥

by wapaks

Team Marlon of course! Woooot! Love those arms and those eyes!

by callgirl

IMHO, mukhang mas mamahalin ako ni Renz, mukha siyang mabait eh. Si Marlon, sasaktan lang niya ako.

Team Renz!

by madrastang_shawie

Team Renz!

by gaybearstare

Team Marlon!

BTW, ndi ata samting pork yung isang pic. Parang Generals Chicken ata.

by cryingfreeman

Team Renz! I won't get tired of saying that he's cute in a teddy bear kinda way, you just wanna cuddle with all day. O, di ba? Rhyming? hahaha!

Si Marl kasi forever ko na yang love. Always have, always will. Hahahah!

by chekwa28

TEAM RENZ FOREVER!!!!

by NYBadette

Team Renz!!! Team Renz!!!

by fulibooked

@cryingfreeman: Ayuuun! Sabi na nga ba chicken yun eh. Thanks! Team General's Chicken! :-)

by callboi

@Everyone: Thank you for voting! You may have noticed, magulo ang chronology ngayon ng pagpost ng comments dito sa blog ko. Dehins in-order ng posting ang arrangement. Ewan kung bakit. Basta, life moves on.

by callboi

ive always had a cruch on marlon....

GO TEAM MARLON!!!!!

by gio

Team Marlenz! :D Team Bookie na lang para hindi ako maguluhan!

by amethyst

and if i may add bookie, ampanalo din ng fierce purse mo! Ayan. Gawin mong tongue-twister. Hahaha!

by chekwa28

Buqs, I go for TEAM RENZ!cz he's your BRO...cute si Marl at mabango kahit si Renz medyo hindi ganun pero TEAM RENZ pa rin ako..balik na kayo dito..=)

GO TEAM RENZ GO GO GO!!!!

by mmatchan

TEAM MARLON AKO!! super HOT kay ni marl bango bango pa ;)!!!!

by AyakaMori

Kakaloka may vote vote pang drama hehehee... mas close ako kay Marl kaya magiging bias ako pero cge para fair TEAM CALLBOI ako heheheee

by missindia

team MARLON!!

by wave

Team Nikki!! I xoxo love her beauty! Daming may crush sa kanya dito sa amin.. hehe

Like the black pouch rin. Fetching. =)

by rumorboy

team renz!!!!

by caroline

Talaga? Mabango si Marlon?
Gusto ko din amuyin!!!ü
Pero Team Renz aku.. Cute ng smile eh... Mukhang Middle Eastern pa... May sipa ang looks!!!
ü
xoxo

by e_sasha

Team WAI YING!

Sarap dun eh LOL

ganda nga nung babae na kasama mo sa malate... hmmm sama mo sya sa hottie list mo...btw kelan ba lalabas yun? heheh

by kumagcow

TEAM RENZ ME! Syempre bait bait pa ni kuya renz!

by post office

I've been reading your blog like forever... pero ngayong lang ako magcocomment... crush ko yung renz! go for team renz!

by Syme

Team Renz me..gusto ko kc may nakukurot! aw! hehehe

by haliparot

Bookie I am a huge fan of your blog. I check it everyday to see if you have something new written. I hope you could check out my blog and see if its ok. I will highly appreciate your opinion.

www.showbizjoker.tumblr.com

by ShowbizJoker

team simon a.k.a Porter :)

by jmba82

ahahaha! tawa ko ng tawa sa pix ni matchan..before and after tlga..kagalang-galang na ichura nya ngayon unlike before na parang lion..ahahaha! labiu matchan..hehehe!

kelangan ko din bang mag-vote buqs? o cge..TEAM MARLON ako..si renz umalis eh..ahaha!

by Ragga

I'm one of your super masugid reader, nagsimula lang last year. Past time sa office habang walang sup calls, then napansin ko nalang natapos ko na pala lahat. Araw araw nag vi-visit ako sa blog mo to check if me bago kang post. Your stories always makes my day, sinabihan ko din mga agents na mag basa nito, and lahat sila addict na, nag ca-calls habang nag babasa ng blog mo. Anyway, TEAM RENZ ako. I find him cute sana ma meet ko sya one of these days. Thanks and Ingats always! Bookie your beautiful in and out.

by Miguel

pwede gang both? http://chichirya.wordpress.com

by ikotoki

o cge na cute na si renz!pero HOTNESS award goes to MARL!!! hnd cute c marl kc gwapo sya! hahahhaha ;)

by Nikki M

marlon ako...hehehe

by julia69

TEAM MARLON AKO!!!!!!! yipee...

RENZ keri lang yan,,

by Ichang

Bukee,,, ano premyo kung sino manalo dito ha? Ikaw ha, hmmm hehe,,, i smell something, and hindi ang hininga mo kasi i would tell you if meron right? our deal? LOL!
Ako, Team Bukee ako!

by Q_Amidala

@Q_Amidala: Anung prize? True love! hahaha!

At ang deal natin ha, if it smells, tell!

by callboi

TEAM RENZ!!! TEAM MARLON!!! Hirap magdecide...

by n_dlreyes

Miss you guys!, basta bibisita ako pag trip ko, kahit isang beses sa isang linggo, hehehe!, goodluck sakin! Books sa 14 ha, gusto ko mag concert, kakantahan ko kayong lahat. Love yah!

by Nasa Tabi Mo Nakikinig

hahay d ko na maalala ang log in ko d2... kakainis... nweiz, ill go for Team Marlon...

and comment lng dun sa nalilink kay nikki... parang alam ko kung kanino... hhhhhhmmmmmm...

by t_vixen

hahay d ko na maalala ang username ko d2... binago ko pa kc eh... kakainis... nweiz, ill go for team marlon...

and comment regarding sa nalilink kay nikki... parang kilala ko kung sino... hhhhhmmmm...

by t_vixen

Marl is summer hot, I partially blame him for the El Niño phenomenon. Hweh!

by troythefire

well ill go for team Marlon...

sa nalilink kay nikki... parang alam ko kung kanino ah... hhhhmmmmm...

by brownvixen

sarap tlga sa waiying! HEHEHE

by jc46

is marlon from davao?

by scarlett

This blog requires you to be a logged in member of Travellerspoint to place comments.

Enter your Travellerspoint login details below

( What's this? )

If you aren't a member of Travellerspoint yet, you can join for free.

Join Travellerspoint