A Travellerspoint blog

Si Lola Castro at ang aking Ocean of Fury...

sunny

Nasa Cabanatuan na naman ako.

Medyo naguguluhan na ako sa office eh.

Naranasan niyo na ba yung feeling na parang ayaw niyo makita lahat ng mga kakilala niyo kaya aalis na lang kayo for a few days? Yung lalayo kayo ng sobrang layo para lang matahimik na ang utak niyo?

Yun ang nararamdaman ko for the past few weeks eh. Lagi na lang mainitin ang ulo ko. I feel like I have an "ocean of fury", katulad nung meron si Catherine Zeta Jones sa "The Rebound".

Kaya ayan, sumama muna ako kay Mabentang Renz para makapag-soul searching kuno sa probinsiya.

SPM_A1449.jpg

Okay dito sa probinsiya, tahimik, presko, alang traffic, at ang sarap matulog.

Wala nga kaming ginawa kundi matulog, kumain, manood ng dvd, mag-surf, matulog, at kumain ulit.

Dinaig ako ni Mabentang Renz sa pagtulog.

SPM_A1450.jpg

Kung matulog siya, halos ten hours straight. Pag gising niya, magang-maga ang mukha niya, parang bibingka.

For three days, ganyan lang ang ginagawa namin. Para akong nalow-batt sa opisina at ngayon lang uli nakapag-charge.

SPM_A1451.jpg

May kubo sa likod ng bahay nila kaso natatakot akong pasukin. Baka magiba sa bigat ko. Remember naman yung nangyari sa monobloc chair ni Baler, di ba?

Ang madalas kong katambay at kahuntahan dito eh si Lola Castro.

Cool siya.

lola.jpg

Eto kasing si Mabentang Renz, since laging tulog, nakakalimutang pakainin ang bisita niya.

Kaya si Lola Castro ang nag-aasikaso sa akin.

Nung isang umaga, nakita niya akong nagsusurf. Ang sabi niya sa akin, "Gising na ba si Wewe?"

Si Wewe si Mabentang Renz. "Tulog pa po, Lola," sagot ko.

"Ay naku ang batang yan, kaya tumataba eh dahil tulog ng tulog," sabi niya.

Tapos tumingin siya sa akin, "Mahilig ka rin siguro matulog ano?"

Natawa na lang ako.

"Kumain ka na at wag mo na intayin si Wewe," sabi ni Lola Castro habang naghahain sa lamesa.

Napatingin ako sa nakahain.

pex_008.jpg

"Lola, ano po ito?" ang magalang kong tanong.

"Sinigang na tupa," sagot niya, habang sinasandukan ako ng kanin na may tutong. I love tutong.

"Sinigang na... tupa?" tanong ko.

"Oo," sabay sandok ng ulam sa pinggan ko, pagtingin ko, may buntot pa yata na kasama.

In furnace, masarap ang tupa. Tupang-tupa lang ang lasa.

The next day, longganisa naman ang almusal. Do you guys know na fave ko ang longga? As in. Pag nakita ko siya sa kahit na anong menu, siya lang ang o-orderin ko.

Anyway, sabi ni Lola Castro, espesyal daw ang longganisang inihain niya.

longga.jpg

"Ganyang-ganyan din ang longganisang in-order ni Vilma Santos dito sa bayan namin," proud niyang sabi sa akin.

As usual, kaming dalawa lang ni Lola Castro ang nasa lamesa, tulog pa rin si Mabentang Renz.

Ang sarap ng longga ni Lola! As in!

The best talaga dito sa probinsiya.

Ayoko nang bumalik sa Makati:

makati.jpg

Feeling ko, ang Ocean of Fury sa loob ko, andito pa rin. Nanahimik lang ng lumayo ako. Pero pagbalik ko bukas, ewan ko na lang. I'm actually worried about going back to work.

I think I need a longer vacation. Na-mi-miss ko na agad si Lola Castro at ang kaniyang showbiz longganisa at tupang sinigang.

Posted by callboi 20:49 Archived in Philippines Tagged gay_travel

Email this entryFacebookStumbleUpon

Table of contents

Comments

hahaha! funny si lola.

by wapaks

Bakit mainit ang ulo mo, Books?

by callgirl

natawa naman ako sa sinigang na tupa

by john_lloyd

awww...ryan....**Hugs**...hope all will be well soon :D

by hobbit

balik na kayo..miss ko na kayo..bring us naman sinigang na tupa..

by mai matchan

ang saya ng vacay mo, bookie! nakakainggit. mukang masarap ang tupa. haha

by vince

sarap naman ng longga na yan, plus the superb vacay! enjoy bookie,,,,

by alisha09

>>> Ang sarap ng longganisa!

by Dhon

Welcome back! =)

by rumorboy

Breath bookie.

Breath in.. Breath out.

by rumorboy

hmm sarap seguro yung sinigang na tupa! yung longganisa, made out of tupa rin ba??? hehe

yup sarap talaga sa province! hehe

bookie mag a-island hopping kami ng team ko for our post-vals day celeb a.k.a team outing.. sama ka??? hehe

by freak_me

cute naman ni renz looks like lil angel while sleeping

by toxictox

bookie, wawa naman nung sheep. hala lagot ka kay little prince! kinain mo sheep nia.

wawa talaga. na-sad ako.

by human isaw

huhuhu, i can relate to that Ocean Fury...
as of this moment, may 1 month ko na ata nararamdaman ung ganito... ayoko makakita ng kakilala...
syete naman! sana magawa ko din ang magbakasyon...

by Renia

Wewe! Kasing cute lang ng may nickname! ☺

Sana makasama ko din kau sa vacation nang makatabi ko din siya sa pagtulog. teehee!

He's really cute: in a teddy bear kinda way. Huggable, cuddly and oh so soft! Nyahahahahah!!

by chekwa28

buquir!!!
nakita ko ung guy na natutulog sa office nung tinawag mo ko nun sa amorsolo wing,
na-star struck ako!!!
hahaha
galing!!!
di ko alam ps din pala xa nagwo-work!!!
ü

by e_sasha

HALA! tupa. pwede bang kainin ang tupa?
hi sir bookie.

http://chichirya.wordpress.com

by ikotoki

eh may peoplesupposrt naman dito sa Baguio..patransfer ka po..after 4 years working there, i decided to move back here..masaya dito, nga lang, scarcity ang min..hihi.

<thelastinnocentman.blogspot.com>

by mark

Ang iniisip ko hanggang ngayon eh anong lasa ng TUPA na TUPANG TUPA ang lasa....

Ang LAMB ba at TUPA iisa?! I have tasted lamb but not Sheep... magkaiba ba yun o iisa lang?! CONFUSING! O_o ?!

heheheh

KUMAGCOW
http://www.kumagcow.com

by kumagcow

This blog requires you to be a logged in member of Travellerspoint to place comments.

Enter your Travellerspoint login details below

( What's this? )

If you aren't a member of Travellerspoint yet, you can join for free.

Join Travellerspoint