A Travellerspoint blog

Bukid...

sunny

c.jpg

First day of the year, at nasa bukid ako.

Yes, sa bukid.

Sa Cabanatuan, to be exact. I always thought Cabanatuan was in the Visayan region. Geographic idiot talaga ako.

Central Luzon pala, ahehehe.

Inaya kasi ako ng friend kong mabenta na si Renz na doon sa hacienda nila mag-New Year.

SPM_A1298.jpg

Sino ba naman ako para tumanggi sa libreng pagkain di ba? Pero di ko akalaing ganun pala kalayo ang biyahe papunta dun. Sabi ni mabentang si Renz, three hours lang daw. Inabot ako ng almost 5 hours. Halos pumutok ang pantog ko sa haba ng biyahe.

Tapos, pag-baba ko sa terminal, dinumog ako ng mga tricycle drivers. Parang paparazzi lang. Ganun pala sa probinsya nila, Farmers Plaza ang dating sa sobrang dami ng farmers at farms. Everything was SO green. Namiss ko bigla ang usok at dumi ng Guadalupe.

Sobrang accommodating ng family ni Renz. Nahiya nga ako sa abala eh.

Ito sila o, medyo nahihiya pa:

SPM_A1230.jpg

Although, deep inside, feeling ko talaga ako sa Manilyn Reynes at balak nila akong katayin at ihanda sa buong barrio ng mga aswang.

Instead of killing me, nilunod nila ako sa dami ng pagkain: dinuguan na lasang sinigang, sinigang na normal ang lasa, spaghetti na galit sa meat sauce, fruit salad na gawa sa vegetables tulad ng calabasa at baguio beans, at bottomless ube halaya.

SPM_A1229.jpg

Dinala rin nila ako sa farm nila. Richness pala tong si Renz eh.

7d.jpg

Ito ang local coffee shop nila. Al fresco di ba?

e.jpg

This was the local pool, which was sadly closed for the holidays.

f.jpg

The local fruit na di ko feel kasi napapaligiran ng mga hantik, o antik?, na ang misyon sa buhay ay kagatin ang mga bilbil ko.

g.jpg

Nakita ko ang bunga na ito sa isang puno.

Sabi ko kay Renz, "Di ba kapok yan? Yung nagiging bulak?"

Si Renz, "Hindi, patola yata yan."

"It's brown, it can't be patola," sabi ko. At this point, pinagtitinginan na kami ng mga farmers. Kasi ba naman di ba, mega-english ako sa kabukiran.

Pinulot namin ang isang nalaglag na bunga at binuksan.

Mali pala kami pareho.

large_SPM_A1307.jpg

Loofah pala ang bunga.

Posted by callboi 00:55 Archived in Philippines Tagged gay_travel

Email this entryFacebookStumbleUpon

Table of contents

Comments

next tym sama kami... sa bangkok... asan ung pix na un.. naligaw nag bangkok sa kabukiran tama ba?

by ineng_roma22

the doggie was sooo cute! na-excite ako pumunta kila renz because of the dog. LOL!

natatawa ko dun sa bunga na pinagtatalunan nyo ni renz, bookie. Patola nga ata yun. Kasi sabi ng nanay ko ang ginagawang loofah at patola nga. HAHAHA

by juliepot

soo masunurin tayong tatlo? binasa naman nating talaga. hahaha. gusto ko sa sinasabi ni renz na ilog. yung clear pa at madaming batong panghilod. pagkakataon ko na. hahahah

by clarissa

Ang cut ng asooooooooo. Hay how i miss to be in the province. Ang ganda talaga pag soooooo green ang nakaplibot sayo..I like the farm. Namiss ko tuloy ang dati kong buhay, ang pagiging bakla sa kabukiran..ahihi..

by akosidiosa

ang cute nga nung doggie pero mas cute yata si Renz. Kayo ba?

by john_lloyd

Bookie, ang funny nung loofah! At magkasama na naman kayo ni Renz ha! Hmmmm...

by chengchengchuva

@JohnLloyd and Cheng: Friends lang po. He is seven years younger than me, and I was never a fan of the May-December thing. Furthermore, mahal niya si Aris ng Training Team. At mahal ko si... Noodles.

Ooops. Sorry Renz. Slip of the tongue. :)

by callboi

bookieness, ang sarap ng foodams. gusto ko ma try ung fruit/vegie salad. gusto ko ung coffee shop nila. :)

by lalabs

OO nga, patola ang loofah, pag nabulok or tumanda ang bunga ng patola, nagiging loofah... Walang Cabanatuan sa VISAYAS region hehehe... Ang cute mo naman Bookie!

by Hazelicious

Buquir sobrang na excite ako nung nabasa ko na sa Cabanatuan ka pla pumunta sobrang may naalala ako hehehehe :p

by missindia

rich kid pla itong si renz...so beautiful talaga the surroundings parang ang sarap mag retreat dito..

by matchan

oo buqs..sabi din ng mommy ko ung loofah gawa sa patola..ahaha!
tawa ko ng tawa sa entry na'to..ang haharot lang kc ng mga lines mo..misyon ng mga antik kagatin ang bilbil mo..gaga ka tlga..haha!

by ragga

Bagay ang title na "Bookie in the Bukid" dito. Hehehe.

by mesofab

Ang Cute ng Dog.. at owner niya! hehehehehe :)

by Dhon

Hi Bookie! i've been reading ur blog since i got here in PS.. di ko lang mapigilan magcomment ngaun kasi taga-Cabanatuan din ako.. kaya naman pala familiar ang kabukiran.. haha

by Dione Sy

yup, patola nga yun.. ganda ng pic ni renz sa kabukiran ah.. pwedeng album cover.. hehe.

by hepburn

gnun pla yung loofah.. kala ko binibilad sa araw.. well, nakabilad din cya in a way, i guess. habang nakasabit sa puno..

by hepburn

di ba loofah came from patola. Withered na patola? hehe! I love your site. I really do. Keep it up.

by Mon

Hindi na masama hehe... mukhang naligayahan ka naman sa booking ay bukid pala LOL

by kumagcow

This blog requires you to be a logged in member of Travellerspoint to place comments.

Enter your Travellerspoint login details below

( What's this? )

If you aren't a member of Travellerspoint yet, you can join for free.

Join Travellerspoint