Ang Monobloc at Ako...
10.11.2009
Last Saturday night, dahil sa kawalan ng budget para maka-gimik, nagpasya ang ka-teammate ko na si Baler na mag-punta kami sa bahay nila para dun na lang magluto ng food at ng makatipid.
Sa Paranaque siya nakatira kaya go kaming lahat dahil malapit lang naman.

From left to right: Si Baler, Ako, at ang mabentang si Renz.

Si Roma Amor at ako. Para kaming mag-kapatid, di ba? Parehong... sexy. Phone niya ang gamit namin pam-picture. Sensya na kayo sa quality ha? Nokia 3210 lang kasi model niya.

Kasama rin namin si Mai-Mai. Remember yung tiyan na pinakita ko sa isang entry ko? Yung malaki tapos may hiwa sa gitna? Yung nakakapangilabot? Kaniya yun.
Sa Paranaque, nakakita pa sila ng isang driver na kamukha ko raw.

I can definitely see the resemblance.
Simpleng food lang ang kinain namin. Simple pero ubod ng sarap.

Sinigang na isdang galunggong. Pagkatapos i-sigang, pinirito rin nila. Ewan ko kung bakit. In fairness, masarap naman ang kinalabasan.
Nag-gawa din sila ng itlog na pula na may sibuyas at kamatis.
Tsaka adobong manok for breakfast and lunch the next day.
Simple food, pero super sarap. Galing ni Roma magluto. Paborito ko nga yung lagi niyang baon na adobo sa opis eh, puro taba lang ang rekado. Malinamnam na nakakahilo, tsong!
Anyway, nagsimula na kaming kumain sa lamesa.
Habang kumakain, napapansin ko na parang dumadausdos pababa ang monobloc chair na inuupuan ko.
Di ko naman pinansin, kasi, bagong floorwax yung sahig, tsaka luma na yung upuan.
So kain lang ako ng kain, dagdag ng dagdag ng food sa plate ko.
Sa pampitong subo ko, the inevitable happened.
Lumagapak ako ng pabukaka sa sahig. Natamaan ng paa ko ang lamesa at muntik na itong matumba.
Ako naman, naka-bisaklat sa sahig, hawak-hawak ang pinggan ko, at nababalutan ng kanin, galunggong, at kamatis ang katawan at mukha.
Natigilan ang mga kasamahan ko, nakatingin sa akin.
Ako naman, hiyang-hiya. Super. Tapos, ang lagay pa, di ako makabangon kasi awkward ang pagkakabagsak ko.
Napansin ko na tumalikod si Baler, pinipigil ang tawa sa mukha.
Si Roma naman, nakatingin lang sa akin, pero kita ko ang mga kamay niya na nangangating kunin ang cellphone niya at kunan ako ng picture habang nakahigang parang butete sa sahig.
Si Renz, napabangon sa kama. Tahimik at nag-aalinlangang lumapit sa akin.
At si Mai-Mai?

Ayan, nung natabig ko yung lamesa, iniligtas niya agad ang pinggan niya at baso.
At walang kiber na itinuloy ang pagkain.
Di ko napigilan ang sarili ko, napatawa na ako ng malakas.
Lalo na ng makita ko ang kalat na nagawa ko at ang nangyari sa upuan:

Ito pa:


Sa mga ganitong bagay talaga, ang magagawa mo na lang ay tumawa, di ba? ![]()
Pero dahil sa pag-ka-kiber ni Mai-Mai sa akin nung nalaglag ako, sinabi ko sa kaniyang gaganti ako pag tulog na siya.
Look at this:

Posted by callboi 9:10 AM Archived in Gay Travel | Philippines














Hita!!!!!! At ang upuan nahati talaga into two parts... dibale masarap naman ang foodams niyo!
Peace Bookie and Mai-Mai mahal ko kayong dalawa! 
10.11.2009 by singlemom