A Travellerspoint blog

Isang Eksena Sa Yosi Area...

overcast

5AM, Sunday morning, my station:

"Pwede mo ba akong samahan mag-yosi?" ang tanong niya sa akin, nakatayo sa may tagiliran ko.

I didn't need to look at him to know who he was. I easily recognized his voice, plus, alam ko ang pabango niya. Benetton Cold. One of my favorite scents.

We haven't talked in quite a while, and now inaaya niya akong mag-yosi. Weird.

"You don't smoke," ang sagot ko, nakatingin pa rin sa monitor ko, not looking at him.

He laughed a little, and said, "I know. Pero I like to pretend I do."

Aaminin ko, my heart stopped the second na nabosesan ko siya. He has that effect on me.

Thirty seconds later, nasa yosi area na kami.

Malamig sa yosi area, parang mas malamig pa kesa sa loob ng office. Malakas kasi ang hangin. O baka dahil magpapasko na. O baka naman dahil kabado lang ako.

Nagsindi ako ng yosi ko.

"Nagyoyosi ka pa rin pala," sabi niya.

Bumuga ako ng usok, "Pag natetense lang."

Tumawa siya, "So tense ka ngayon?"

Tumango ako.

"Bakit?" tanong niya.

Tumingin ako sa kaniya, "Dahil sa iyo."

Natahimik siya.

After a moment, nagsalita siya, "Bakit ka ba galit sa akin, Books?"

Hindi ako sumagot. Nakatingin ako sa Buendia, pinapanood ang mga nagmamarathon ng madaling-araw sa kalsada. Iniisip ko kung nararamdaman din nila ang lamig na nararamdaman ko ngayon.

Kinalabit niya ako, "Huy. Bakit ka galit sa akin?"

Nagkibit-balikat ako, "Hindi ko alam eh."

Huminga siya ng malalim, at humalukipkip, "I don't like us not talking."

"Ako rin," sagot ko, pero sa isip ko, sana di ko na lang sinabi yun.

"Galit ka ba talaga?" tanong niya.

Umiling ako, "Hindi."

"Eh bakit ganito na tayo?"

Ilang beses kong pinaraktis sa ulo ko ang mga linyang sasabihin ko sa kaniya kapag nagkaroon ako ng pagkakataon na makausap siya. Alam na alam ko ang dapat kong sabihin. Memorado ko na ang bawat syllable na dapat mamutawi sa bibig ko, ang mga kilos ng mga kamay ko for emphasis. Pero ngayong kaharap ko na siya, di ko magawa. Di ko magawang sabihin sa kaniya na kulang ang mga salitang pwede kong sabihin para i-explain sa kaniya ang nararamdaman ko.

Gusto kong sabihin sa kaniya na kulang ang lahat para sa akin. Pero di naman niya kasalanan yun eh. Tanga lang talaga ako.

Wala talaga akong masabi sa kaniya. Kasi nahihiya ako. Kaya mas maganda nang magkunyari akong galit kesa sa aminin ang totoo.

"Miss na ki-"

Pero bago pa niya natapos ang sasabihin niya, binuksan ko na ang pinto ng yosi area, at nagmadaling lumabas.

I didn't want to hear that from him. Anything but that.

Hindi siya sumunod sa akin. Hindi niya ako pinigilan.
.
.
.
.
.
.

"In the end, we will remember not the words of our enemies, but the silence of our friends."

- Martin Luther King Jr.

Posted by callboi 15:06 Archived in Philippines Tagged gay_travel

Email this entryFacebookStumbleUpon

Table of contents

Comments

My god. That was like a scene from a movie. While I am reading the story, I can feel the emotions, the intense emotions from the both of you. haaayyy. pag-ibig nga naman..

by akosidiosa

Buquir! In fernezzz mahal ko na ang mga "Isang Eksena Sa..." series mo! Drama at its best! Pero sino itetch na tinutukoy mo???

by cheerios

galeeeeng! Ang intense, mother! Winner ever!

by luv2blog

Sino ito, books??? Love mo ba siya?

by regaline

So intense ng eksena Bookie! Dahan-dahan pa talaga ang pagbasa ko sa mga linya. Lovelife ba ito?

by ccslave

kaboom!

by chekwa28

kung ako yan, nirape ko na cia! hehehe

by Haliparot

been reading ur blog for quite sometime now...gotta react to this entry...

wow...ganito nangyayari saken ryt now..alam mo tol, hirap ng feeling ng di ka pinapansin ng dati mong "friend" lalo na mahalaga pa sya sa iyo...life's too short...just be a friend... :)

by JUSTIN

sorry off topic. I found this site that estimates the worth of a certain site depending on the # of hits you get on a day. guess what ur at $160,842.36, Daily Pageviews: 73,444. Bongga ka!

by may

http://www.cubestat.com/www.callcentercon.travellerspoint.com here's the link pala.

by may may

parang may hint ako! hehehehe

by avayaboy

Hmm... I think the lyrics of this song reminds me of this scene

Youre on my mind had another sleepless nite
And all I think about is that I want you here and now
All I wanna say is that I want you in my life
I need you to hold me make me feel so rite
Theres no other love oh yea
Youre everything that Im looking for and more
So tell me why, why are you so shy
When youre walking right by I get this feeling inside

My friends say that Im wasting my time
But I dont listen to them
Cuz I know youre gonna be mine
They dont understand the feelings inside
All I want from you is that you give me a sign
Tell me how you feel, tell me how you feel
I can see it in ur eyes when youre walking by
You feel me I feel you too
Why are u so shy when u walk by
I get this feeling inside

Baby I want you but I dont know what to say
I see you everyday when you come around my way
I want you to know that Im in love with you
So baby come on come on and tell me how you feel

Tama? hehehe

by kumagcow

ang bigat ng story... parang di ako makakatulog mamaya... CHARING!!!

by lance

"Gusto kong sabihin sa kaniya na kulang ang lahat para sa akin. Pero di naman niya kasalanan yun eh. Tanga lang talaga ako." - just like reading the entries in my own mind....

mahirap nga ang ganyang setup friend....

ingatz...

by observer

ang intense ng eksena na toh.. wish i was there.. hehe!

by arashi55

this eksena is so intense.. wish i was there..hehe!

by arashi55

so Bukee feeling mo ikaw si Nene sa Katorse?

by Q_Amidala

@Q_Amidala: Whodapak is Nene? And what is Katorse? Local channel to ano? Hahaha. :)

by callboi

Eto ang KATORSE BOOKIE! <a href="http://onyut.com/katursi.jpg" target="_blank">CLICK MO TO!</a>

by kumagcow

"@Q_Amidala: Whodapak is Nene? And what is Katorse? Local channel to ano? Hahaha. :) "

PANALO!!!! ang sushal sushal.. hindi kilala si NENE... alavit!!!!

by observer

Eto si nene copy paste nyo sa browser nyo dali!!

http://onyut.com/katursi.jpg

by kumagcow

Isa lang masasabi ko....Pang-Palanca!!!! Wagi!

by Johnjo Tuason

awww, books. :o(
okay lang, give it time. :o)

by aubreybaby

babae, ang liit, balingkinitan, mahaba ang buhok! gising na day, start na ng shift mo:-)

by peeps

This is so sad and full of emotions. Na imagine ko ang pag-flip ang bangs mo sabay open ng door at walk out!..ahehehe

Hope you two will be ok. :)

by Citruseae

I like your blogs...(",)

by Mr_SD

This blog requires you to be a logged in member of Travellerspoint to place comments.

Enter your Travellerspoint login details below

( What's this? )

If you aren't a member of Travellerspoint yet, you can join for free.

Join Travellerspoint