A Travellerspoint blog

Ni Yao De Ai...

sunny

noodles.jpg

Nagbublush ako ngayon.

Nakita ko yung mahal ko kanina eh.

Tawagin natin siyang si Noodles.

In my head, Noodles ang tawag ko sa kaniya kasi, kahit araw-araw, pwede ko siyang kainin.

But wag niyong isipin na pervert ako ha.

My love for him is pure, hehehe. With a dash of umami.

I just want to emphasize how yummy he is. Although next to impossible na maging kami, I can't help but dream about him every night.

Kanina, napadaan ako sa may likod ng station niya. Pinagmasdan ko ng slight yung batok niya. Batok pa lang, nanlalambot na ako. Naramdaman niyo na ba ang ganun?

Plus, his eyes are so intensely black, black as midnight na brownout pa, tapos naka-blindfold ka. Ganun ka-black.

Everytime nakikita ko siya, may soundtrack na biglang tumutugtog sa utak ko: "We Could Be In Love" ni Lea Salonga at Brad Kane na na-link dati kay Donita Rose. Si Brad Kane ang na-link ha, hindi si Lea. Everytime makita ko siya, I have to bite my lower lip to stop myself from giggling like a schoolgirl. Pero di ko mapigilang ngumiti. Corny noh?

Tapos pa, itong si Noodles, mapanukso. Mahilig magsuot ng puke-shirt.

Yes, pooh-keh shirt. Katulad rin siya ng puke-shorts na sobrang igsi, kaso, sa puke-shirt, ang mga sleeves ang mega-short.

Kaya naman kitang-kita ang biceps niya. Ang biceps niya na feeling ko ay siyang magliligtas sa mga biktima ni Ondoy, magsosolb sa world hunger, at tatapos sa economic recession ng Estados Unidos. Mga kaibigan, nasa kaniya na ang Pambansang Biceps.

Pero hindi naman puro physical aspects ni Noodles ang dahilan kung bakit minahal ko siya.

Mabait siya. Matalino. At very funny.

Lahat na nasa kaniya. Kaya ayan, minahal ko siya. Tangina niya eh.

Ano bang problema ko?

Dyowa si Noodles ng ka-barkada ko eh.

At sabi nga ni Mark Anthony Fernandez sa 1995 film na Pare Ko, "Walang nagsusulutan sa barkada, tsong!"
.
.
.
.
UPDATE: Binasa ko ulit tong sinulat ko, and shet na malagket, ang senti ko talaga pag si Noodles ang topic. Tangina niya talaga eh. Sorry ha. Next time, di na ako mag-emo, promise. :)

Posted by callboi 09:23 Archived in Philippines Tagged gay_travel

Email this entryFacebookStumbleUpon

Table of contents

Comments

Asus. Kumikirengkeng ka nanaman! Ahahaha..
Ito ba yung ni-FB mo? :)

by aubreybaby

bookie, parang kilala ko sya.
parang lang ha?
sya yata un crass ko nung dyan pa ko sa ps.
ahihihi

by kate06202

Babaeng babae lng Buquir hihihihi ;p

by missindia

woooohhh...wait lng buquir natatapakan ko ang mhaba mong buhok...
shet..ang ganda mo talaga...

by Serenity

At sabe din ng gwapings sa movie na yun

Eh hanggang kelan ka magiging ganito Buquir?

sabe ni Mark Anthony Fernandez: Eh di hanggat kayang sagarin sagarin!!!

Heheheeh =)

by kumagcow

umpisa pa lang natawa na ako.....

refreshing ung kwento... kaya lang, jowa ng friend mo... awwwwwwwwwwwwwwwwwwww.......

by observer

another great entry sir buqui! i agree with kumagcow, hanggat kayang sagarin, sagarin. pero mas mahirap pag ang gusto mo sir buqui ay yong friend or bestfriend mo mismo kaysa sa boyfriend lang ng friend mo. what am saying is, all is fair in love and war.

by haponesa

hi bookie, hindi ito related sa blog mo, nkita kita kanina sa tapat ng RCBC on your way to People Support... hmmm ayun, mas mataba ka sa pictures (sorry if i really have to say this)

by jjc

hehehee sana ndi xa like nung nauna si PM hahahahahaha peace

by ma4ma

@ma4ma: di ko nagets. sino si PM?

by callboi

hi bookie, coming from a reliable source madami daw chika sa wwte ngayn? how true? especially newbies daw? OMG! post naman, tnx..................

by boyaunda

Mukhang busy si buquir ah... mukhang busy kay noodles kaya hindi na naguupdate ng blog hehehe =)

by kumagcow

update nman bookie... nakakabagot na eh.. haiz.. la ako magawa... naubos koh n lahat ng blog moh, i mean nabasa ko na lahat...

by EchuseRa

parehas lang tau bookie.. next to impossible din ang dream guy ko..

by shalashala

This blog requires you to be a logged in member of Travellerspoint to place comments.

Enter your Travellerspoint login details below

( What's this? )

If you aren't a member of Travellerspoint yet, you can join for free.

Join Travellerspoint