A Travellerspoint blog

Let's Talk About Ex, Baby...

rain

1lips.jpg

Ring! Ring! Ring!

"Mmmhello?"

"Buquir?"

"Mmmm?"

"Buquir?"

"zzzzz..."

"BUQUIR!"

"Hmmano?"

"Natutulog ka ba?"

"Oo, natutulog ako ngayon habang nag-uusap tayo sa cellphone."

"........."

"Joke lang. Bagong gising ako, okay?"

"Sorry, I'll call back na lang."

"Gising na ako, wag ka nang mag-inarte. Wassup?"

"Wala ka sa mood eh."

"If you don't tell me what you want in three seconds I'm going to hang up."

"I broke up with Pasha."

"............."

"Buquir?"

"I'm here."

"Well?"

"Wait, tumigil ang puso ko eh."

"............."

"Seriously? Break na kayo?"

"Yup."

"And now what? Liligawan mo na ako? Sasabihin mo ba sa akin na ako ang tunay mong mahal?"

"............."

"Joke lang huy!"

"I know."

"Kelan ka nakipag-break?"

"Three days ago."

"Wow, sumabay ka pa kay Ondoy. In fairness, isa ka pala sa nasalanta ng bagyong yun."

"............."

"I won't ask why you didn't tell me sooner. Pero what I will ask is: what's next?"

"I dunno. Ganun pa rin. We've decided na friends pa rin kami. We'll still see each other. Pero di na kami exclusive."

"I'm assuming you guys still have sex even though break na kayo?"

"Hahaha, kahapon lang."

"So, basically, you still see each other AND do each other but are now not exclusive to each other?"

"Parang ganun."

"Hindi break ang tawag dyan. Fuck-buddies ang tawag dyan, tsong."

"It is kinda weird."

"Alam mo, nung panahon ko, pag break, break talaga! Walang mga kung anu-anong stupid shit na 'Let's be friends'."

"............."

"Tapos, dapat awkward kayo everytime magkikita kayo. Tapos, dapat isinusumpa mo ang pangalan niya, binubura lahat ng mga text niya, sinusunog ang mga naiwang brief niya sa cabinet mo, ganun dapat!"

"............."

"Tapos, maghahanap ka ng mas guwapo sa ex mo para pag next time magkita kayo, taas-noo mong ilalambitin sa braso mo yung bago mong dyowa! Pero hindi mo alam kung maiiyak ka o matatawa kasi ang bagong dyowa ng ex mo pangit. Tapos tatakbo ka sa ulan, pero pag-dating mo sa bahay, diretso ka sa shower, tapos dahan-dahan kang mag-sa-slide sa tiles habang hinihilod mo ang mga katawan mo, tapos umiiyak ka ng 'Ang dumi-dumi koooh'."

"............."

"(hingal), sorry. Nadala ako sa moment."

"Obviously."

"So, ano na?"

"Ewan. I really don't know what to do next."

"Question?"

"Shoot."

"Mahal mo pa?"

"Sobra."

"As in?"

"Super."

"Haay. Dapat ako na lang pinili mo, alam mo?"

"I'm really stupid, di ba?"

"Obviously."

"Ganun talaga eh."

"I know, I know. Believe me, I know."

"What do you think I should do?"

"Why are you asking me? Ikaw lang makakasagot niyan."

"I want to know what you think."

"Haaay. I think magiging kayo uli after two weeks. Or three."

"You think?"

"Yuh. Ang tanong, gusto mo pa ba?"

"I really don't know."

"Of course you do."

"Mahal ko talaga eh."

"Ganyan talaga, pare."

"Pare?"

"Yes, pare?"

"Don't call me pare."

"Sure, tsong. Whatever you say, brod."

"Pa-kiss nga, pare!"

"Ulol! You wish, tsong!"

Posted by callboi 09:56 Archived in Philippines Tagged gay_travel

Email this entryFacebookStumbleUpon

Table of contents

Comments

Sheeeet! Sweetness! Lavset!

by badingerzee

kakilig naman buquir! antagal mo ring nawala ha!

by wapaks

nalulungkot ako sa mga istoryang break-up.. pero kung hindi naman completely over, keri lang... tama ka, books.. i think they'll just be back in each other's arms in a few weeks. :)

by aubreybaby

FUBU is in naman do enjoy the moment...what ba ang feeling ng having a sex na hindi na kayo at having sex na kayo pa rin...

by mitch

pero kyut ang conversation ha. parang nakakatuwa na nakakalungkot. haaay.

by gene-use

haayyss . . . .
parang di dapat matawa sa kwento pero sobrang happy ako at nag post ka na ulit. kaya keri na lang.
at dahil baha pa rin dito samen sa pasig wala ako ginawa kundi icheck na may post ka na everyday.
thanks for making my day! tc!

by kate06202

hahahaha super funny about the " ang dumi dumi ko" cant stop giggling....

by uy

nice one...

by coldlipz

namiss kita buquir...love na kita...hehehe

by Haliparot

My God ang story bookie kakaloka ha. Ang daming chenelin barbar pero bookie namiss kita magupdate ka naman more often dava?!

by Adik13

Been waiting for this update. =)
Lovely.

Magawa nga rin ung dahan-dahan na magsslide down sa shower while nag-eemote. Haha
Gawin ko yan sa shower sa gym. LOL

Two thumbs up!

by rumorboy

nahulog ako sa chair sa news na "Break na kami ni Pasha..."

pero nahiya naman ako, mjo napalakas ang tawa ko sa floor sa "ang dumi-dumi ko..." parang lahat ata may ganunug moment...

apir bookie!

by observer

relate na relate naman ako. pag break, break na talaga! haha.

by soybs

hay..nakakalrelate ako..ndi dun sa break-up ha..kundi dun sa ex na naging FB..

kung ako sau brod/boss/tsong/pare kung mahal mo..go lang..pero kung lib*g lang yan...go ka pa din..

:D

by kneeples

dapat nga ikaw na bookie ang ligawan niya. i believe na mas magiging happy si schoolboi sau. hehehe.

by ccslave

hay! sad talaga ang mga break up!! ganon lang yun sa kanila!

by kookimonster

i love being in love, and the whole charade...
the company, the joy of it, the break up(s) and the sex after...

kainis lang i'm 21 pero hanggang ngaun NBSB parin...
i'm such a loser!!!

somebody hook me up!!!

i'll pay...

hahahaha!!!!
ü
xoxo

by e_sasha

yah, im happy na may update na ang blog.
teka, wait, sandali lang mga tsong, pare, bro, dude,
anong dahilan ng break-up..nakiki-osyoso lang at maki-chismis na rin_(--,

by jiles

e_sasha
--> You're still young but it's about time you bloom. =)

by rumorboy

Hi, just recently started reading your blog. Taga Aegus din ako, 4th floor. I really find your blog very entertaining, ang galing mo magsulat..hanep sa hirit. Im spreading your site here sa account namin..currently 4 na kami na hook haha..im sure dadami pa. keep it up mr. bookie.

by 4thFloor

@starfish06: uu nga,, grabe.. feeling ko i'm missing out on a lot... reading bookie's blogs about heartaches... love must really must be worth it...grabe...

so, do you know someone?
hahaha

ü

by e_sasha

Sorry: Erase yung isang must...

by e_sasha

Yun oh break na sila... chance mo na bookie hehe =P

seriously, this is not healthy, it will become a habit... where all your ex's will become FUBU's...tapos iiyak ka sa ulan para hindi halatang tulo luha mo... ='|

by kumagcow

hey im from aegis cebu...travel din....

you never fail to make my day.... more than my BF..

hehhehhehhe!!!

by Skyrise4thflr

This blog requires you to be a logged in member of Travellerspoint to place comments.

Enter your Travellerspoint login details below

( What's this? )

If you aren't a member of Travellerspoint yet, you can join for free.

Join Travellerspoint