A Travellerspoint blog

Paano naging pokpok si Slightly-Pokpok Rica?

sunny

37rica.jpg

Bata pa lang si Rica, pinagsabihan na siya ng kaniyang ina na huwag masyadong magdidikit sa mga kalaro niyang lalake.

"Tandaan mo, walang mabuting idudulot ang mga lalakeng yan sa buhay mo, Ica," pabulong na babala ng kaniyang ina, habang sinusuklay ang basa niyang buhok sa tapat ng electric fan.

"Pero bakit po?" tanong niya habang isinusuot ang kanyang Hello Kity na hairband at Hello Kitty na pajamas.

"Basta!" ang sagot ng kaniyang ina, na paminsan, sa kalagitnaan ng gabi, ay naririnig niyang umiiyak ng mag-isa sa kaniyang kuwarto, malamang nagdadalamhati pa rin sa asawang iniwan siya para sa tiyahin nya na mas mataba sa kaniya at ngayon ay nakatira na pareho sa Estados Unidos.

Nasanay na si Rica na nakadungaw lang sa bintana, yakap-yakap ang Hello Kitty doll niya, habang pinapanood ang mga ka-edad na kapitbahay niya na naglalaro ng patintero at "Cops and Robbers" sa kalsada.

Pinilit niyang iwaksi ang lungkot sa pamamagitan ng panonood ng Maricel Drama Special at That's Entertainment (Wednesday Group ang favorite niya).

Ilang taon ang lumipas bago naintindihan ni Rica ang babala ng kaniyang inay.

Willie ang pangalan ng unang boyfriend niya. Isang linggo siyang niligawan nung nasa parehong section sila ng high school. Binigyan siya ni Willie ng "love bracelet" daw. Isang bracelet na galing sa Baguio. Kilig na kilig siya kahit limampiso lang ang halaga nito at halos malusaw agad ng minsang mabasa ito sa paghuhugas niya ng pinggan.

A week later, pinagpalit na siya ni Willie sa bestfriend niyang si Vicky. Hanggang ngayon, nang-gagalaiti pa rin siya sa alaalang kaibigan niya ang naging mitsa ng unang heartbreak niya. Mas matibay pa pala ang love bracelet na suot niya kesa sa feelings ni Willie. Kinalimutan niya ang nararamdaman para kay Willie.

Ang tanging ganti ni Rica sa kaniyang kaibigan ay ang pag-vandalize sa girls' bathroom ng linyang "Green ang pekpek ni Vicky!"

Sophomore year sa college ng makilala niya si Chris.

"Para akong naging baliw noon kay Chris," alaala ni Rica, habang kumakain kami ng jumbo siopao sa Kowloon, "Lahat ng sabihin niya sa akin, batas ko noon. Patay na patay talaga ako sa kaniya. Kulang na lang kumanta ako ng Alleluia everytime mag-do kami. Ewan kung anung meron ang hayop na yun, pero parang may gayuma yata ang mga patilya niya eh."

Isang taon ding nagtagal ang relasyon nila. Away-bati-sex-away-bati-sex ang naging drama nila.

"Paminsan nga, nag-aaway pa kami habang nagsesex," tawa niya, "Ganun ka-intsense ang relationship namin. Nagmumurahan kami kahit magkapatong kami."

Sabi ni Rica, nabuntis daw siya ni Chris habang nag-"aaway" sila sa kotse.

"Paano mo naman nalaman na sa kotse ka nabuntis?" tanong ko, "Eh sa mga kuwento mo, kung saan-saan kayo nag-do-do."

"Babae ang anak ko, pero mahilig siya sa mga kotse," simpleng sagot ni Rica, habang pinagmamasdan ang kaniyang anak na si Madison, na naglalaro ng mga matchbox cars sa sidewalk.

"May communication pa ba kayo ni Chris?" tanong ko.

Umiling siya, "When Madison celebrated her third birthday, we kinda lost touch. At pareho tayo, Buquir, ayoko rin maghabol ng mga taong ayaw sa akin, kahit na mahal ko pa sila. Nung tumigil siya sa pagpapadala ng pera para sa anak namin, tinigil ko na rin ang pagkwento ko kay Madison tungkol sa daddy niya."

Tahimik lang ako. Minsan lang mag-senti si Rica.

"Pero, I don't have any grudges towards Chris. Alam kong mahirap din sa kalagayan niya na magkaroon ng anak with me," sabi ni Rica.

"Bakit? Dahil sa parents niya?" tanong ko.

Ngumiti siya, at nakita kong kumikinang ang mga piercings niya sa labi, "Nope, dahil sa asawa niya."

Tumaas ang mga kilay ko.

"Nung magkakilala kami ni Chris, may asawa na siya at anak. Childhood sweetheart daw niya," paliwanag ni Rica, "Ano naman ang laban ko sa chilhood sweetheart di ba?"

Tumahimik kami pareho.

After a moment, tinanong ko siya, "Is this why you act the way you are?

Tumingin siya sa akin, "Why? Paano ba ako kumilos?"

I hesitated before answering, "Well... you're kinda flirty."

Tumawa siya ng malakas, "Ang ibig mong sabihin pokpok akong kumilos? Kaya Slightly-Pokpok Rica ang tawag mo sa akin sa lintek mong blog?"

I nodded.

Huminga siya ng malalim, "Nung malaman ng nanay ko na buntis ako, yan din ang tingin niya sa akin: pokpok. Malandi. And at the time, it really hurt."

Tumingin siya uli kay Madison, "Pero tignan mo ang baby ko, anlaki na. Ang ganda. Manang-mana sa mommy. I know, in the future, she'll be a heartbreaker. Kung pagiging "pokpok" ko ang naging dahilan ng pagkakabuo niya, aba diyosko, wala na akong pakialam kung anung sabihin pa ng mga tao tungkol sa akin."

Lumapit sa amin si Madison, "Mom, can I have some water?" Ang water niya, british ang accent, "wa-tuh" ang tunog. Kumakalog pa ang mga bilugang pisngi niya. Ang cute.

Napangiti ako, "Bilib rin ako sa anak mo ha, pwedeng-pwede sa call center."

"Marunong mag-tagalog yan, pero mas sanay sa English," sabi ni Rica, habang pinapainom ng tubig yung bata.

Kamukhang-kamukha ni Madison si Rica. Ngayon, si Madison naman ang naka-Hello Kitty na hairband at clothes.

"Do you think you'll still get married in the future?" I asked her, "Kaya mo pa kayang makipag-relasyon?"

She shrugged, "Ewan ko, parang nakakapagod lang mag-invest ng emotions eh."

Hinawi niya ang buhok niya, tapos nagsalita uli, "May mga panahon na sobrang nalulungkot ako, at namimiss ko ang magkaroon ng ka-partner. You know, for sex and shit."

Tumawa uli ako, "Nalulungkot? Or nalilibugan?"

"Pareho na yun," sagot niya, "Pero as flirty as I may seem, believe me, I'm all talk. Di ako talaga madaling makuha, no matter what the boys say."

She continued, "Masaya lang makipag-flirt with boys. I'm sure you know that. Besides..."

"Yes? Besides what?" tanong ko.

Umakbay siya sa akin, at ang sabi, "Pareho lang tayong pokpok, Buquir."

Posted by callboi 09:05 Archived in Philippines Tagged gay_travel

Email this entryFacebookStumbleUpon

Table of contents

Comments

Haaay! Na-i-inlove na ako kay Ina Magenta! Great write-up Books!

by john_lloyd

galeng-galeng! ansaya saya!

by wapaks

i love the details! Buquir! grabe, idol ka.

by wwte_agent

I like the "wa-tuh" and the "Hello Kitty" part.

At panalo ang "Green na pekpek"!

I feel so slighly pokpok like Rica.
Mahirap tlga mag-invest ng emotions especially if you've gone through those "away-bati-sex" cycle.
(T.T)

by rumorboy

i feel her!!!!
nag reminisce tuloy ako...bwahaha....

by pokpokdin(slight)

kainggit... nice she has a friend like you buks.... sarap siguro makipag kwentuhan sa inyo.... baba ka minsan 4th floor, antayin kita... hehehehehehehe....

by observer

hey there! ive been an avid fan of ur blog, i just got it from an officemate. ive read pretty much every entry u have but this one really caught my attention coz, i too, is a single parent and Ina Magenta is absolutely right, NO REGRETS at all!
cheers to all single parent!♥

more power to you Buquir!
God Bless! ♥

by barbie

ang saya. parang feel na feel ko nga ang kwento. two thumbs-up. yahooo! pang MMK din pala talaga ang drama ng buhay ni Ina Magenta.

by gene-use

" Kulang na lang kumanta ako ng Alleluia everytime mag-do kami"

i love it. super funny. ina, kaya mo yan!

by caviarandchocolates.com

Funny yet touching.... may second career ka na callboi, yun ay ang magsulat ng biography hehehe, peace!

by jjc

Hay, to love and to lose. Hindi talaga fair ang tawagin kang pokpok just because youre a single mom. And mothers, please dont be the first to judge your daughters. cliche pero its true, tao lang tayo. Lets not forget that our strenghts-not weaknesses-define us as people. Ganoon din ako dati-mapanghusga. Pero ngayon hindi na. Ako na kasi ang hinuhusgaan. hahaha

Well, Goodluck Rics, Its tough what you went through-but you have a beautiful daughter so I still think it mustve been all worth it.

by alabok

pakilala mu naman saken si ina megenta buque...

pwamis ala pa ako asawa, at hindi ko xa ipagpapalit sa babaeng mas mataba at mas matanda sa kanya.

mwahhh ina! I love You!

by ako

waaah! medyo nabitin ako sa kwento. more more.. haha ang galing kasi sumulat e. konti pa bouqs! T____T

by Royal Son

waaah! medyo nabitin ako sa kwento. more more.. haha ang galing kasi sumulat e. konti pa bouqs! T____T

by Royal Son

Ang galing mo talaga magsulat... nakaka touch, mabigat sa dibdib! you're my idol!

by Peejong

medio bitin... madami na din akong nakilalang ganyan at ngaun naiintindihan ko na bkit tropa u sya kahit tawag u saknya slightly pokpok...kasi ang mga ganyang tao masayang kasama.. and i like people who always stand up after they fall.

by whooo

great piece as usual Buquir!
tagay para sa mga kwento ng buhay ng iba at ng buhay natin!

by mike_test

.ang galing mo talaga mag BLOG!
.idol!!!!!
.kahit nde ako taga people support, i feel like i am part
of the world you are with.

.INA MAGENTA...naku hayaan mo na ung mga boys na yan..
at least meron ka ng MADISON...just take good care of her..

by ina.hin

Ang tanging ganti ni Rica sa kaniyang kaibigan ay ang pag-vandalize sa girls' bathroom ng linyang "Green ang pekpek ni Vicky!"

nice..
love this part..

by EchuseRa

love the pic din nga pla.. hehehe

by EchuseRa

nice..very nice...naka-relate ako..rica being all-talk pero mahirap makuha..hahaha... sa lahat ng flirt, MABUHAY at ALLELUIA!!!Ü

by teen

Alangan naman sabihin kong nakakarelate ako eh hindi naman ako babae lolz... but it was a nice story, was that it or is this gonna be a sequel of some sort? mukha na kasing naedit na story eh hehe hopefully may kasunod pa... at syempre asan na si pasha at you know who hehe

by kumagcow

please, john lloyd naman jan! i love john lloyd sobra!

by luiz manzanas

Biruin mo uso na pla ang green na pekpek noon....
miz u bquir...

by greenpek

Kahit matagal ang hinintay ko eh sulit nmn...at dahil jan dpat kang i clap clap hihihii ;p

by missindia

away-bati-sex kabog! hehehe! *peacout*

by jc46

dahil sa maiksing kwento nakilala namin ng lubusan si Rica. ganyan k kagaling Buquir :)

hintayin ko na i publish libro mo.

Til I hug and kiss you again!

Mrs. B

by Mrs. B

bookie, i akala ko nung una gay si ina magenta, bcoz of ur previous blogs, hehe,, pero ang ang galing ng daughter nya ha.. british accent.. i like it.. sana magka lovelyf na cya ulit..

by bulilit

stress reliever ko talaga ang blog na ito.
been following it since last year lang pro nabasa ko na lahat ang posts..

i like ina magenta's character.. bago pa man xa love ko na xa pramis! (pero i think mas masaya yung dating name nya)

anyway, sana masundan mo kaagad para masaya(--,

by jiles

Your a strong woman ina magenta. It was a tough situation though but you were able to surpass everything. You will have the man destined for you in the right time and in the right place. Destiny will pull its strings to give you one magical moment when that right ine comes.

by akosidiosa

This blog requires you to be a logged in member of Travellerspoint to place comments.

Enter your Travellerspoint login details below

( What's this? )

If you aren't a member of Travellerspoint yet, you can join for free.

Join Travellerspoint