Powder Much?
09.09.2009

Kanina sa CR, may nakasabay akong isang kakilala kong newbie na cute.
Cute siya pero di ko siya type ha, promise.
Di ko siya type.
Kahit na anong sabihin ng ibang tao sa comments section ng entry na ito, di ko siya type. Period.
Narinig mo ba yun, Q_Amidala? ![]()
Anyway, yun nga, nakasabay ko siya sa CR, and while I was washing my hands, he was wiping his face with his hanky.
Now, this newbie is straight. Promise. Straight siya. May mga ka-team kasi ako na nag-do-doubt kung straight ba siya or hindi. Baka daw straight lang sumuntok.
Well, para sa akin, straight siya. Tinanong ko rin siya kung straight siya. Sabi niya oo. And mukha namang di siya na-offend sa tanong ko.
Anyway, mabalik sa CR. Itong si newbie, nagpapahid ng panyo sa mukha niya.
Napansin ko, parang medyo fresh na fresh ang face niya.
Sabay kaming lumabas ng CR.
Di ako nakapagpigil.
Tinanong ko siya, "Nagpopowder ka ba?"
Sabi niya, "Oo, nagpopowder ako."
Sabi ko, "Ok."
Sabi niya, "Bakit?"
Sabi ko, "Bihira kasi ang straight na kilala ko na nagpopowder eh."
Sabi niya, "Di kaya!"
Nalilito ako, dear readers.
Gawain na ba talaga ng mga straight boys ngayon ang mag-powder ng face???
Posted by callboi 7:54 AM Archived in Gay Travel | Philippines














Sige, naniniwala na akong di mo siya type, at type siya ng "iba" na straight, hahahah! hmmm about sa tanong,,di ko rin alam o masagot eh, ako nagpopowder pero straight gay, LOL. ikaw ba?
09.09.2009 by Q_Amidala