Ang Last Class Sa Sunken Garden...
22.08.2009

1130PM, Tuesday:
Nakasakay kami ni Ina Magenta sa kotse ni Schoolboi, papunta sa Sunken Garden sa UP.
Ang last class namin, according kay Prof, ay doon magaganap.
"Bakit sa Sunken Garden?" tanong ko kay Schoolboi, na parang baliw kung mag-drive. Ambilis. Pero suwabe, hehehe.
Nag-kibit-balikat lang siya.
Si Ina Magenta ang sumagot, "May seremonyas siguro tayong gagawin. Alam mo naman si Prof, pagdating sa ganito, ma-drama."
Napatingin ako sa kaniya, kahit madilim sa loob ng kotse ni Schoolboi, kitang-kita mo ang suot ni Ina Magenta, isang loud na loud na neon green tanktop at neon orange na pedal pushers.
Napansin niya ang pagtitig ko sa damit niya.
"May issue ka sa suot ko?" tanong niya, nakataas ang isang kilay.
"Wala po," sagot ko, "Good idea nga yang suot mo eh, baka sakaling mawala ka sa dilim, madali ka naming mahahanap. Mukha kang higanteng Frutos."
Natawa si Schoolboi, pero mukhang malungkot siya. Hmmm... siguro nag-away na naman sila ni Pasha.
Lately, mukhang laging wala siya sa mood.
Hating-gabi na ng makarating kami sa Sunken Garden.
Nakita agad namin kung saan naka-puwesto sina Prof.
Sa malapit sa gitna ng field, may isang grupo ng mga tao na napapaligiran ng marami-raming kandilang naka-garapon.
The effect was both beautiful and creepy.
"Sheeet, parang kulto ang pinasok natin," sabi ni Ina Magenta.
Pag-lapit namin, sinalubong kami ng isang kaklase namin, si Mark.
"Kayo na lang ang kulang, antagal niyo naman!" bati niya, "Na-late ka na naman siguro ano, Rica?"
Tumingin sa kaniya ng masama si Ina Magenta, hindi nagsasalita.
Sa liwanag ng mga kandila, nagmukha siyang baliw na mamamatay-tao.
Tumatakbong umatras si Mark pabalik sa klase.
"Supot," bulong ni Ina Magenta.
Lumapit kami kay Prof, na kasalukuyang nag-aabot ng kape sa styro sa mga students niya.
"Sa wakas," simula niya, "andito na kayo, na-late ka na naman ano, Rica?"
Ngumiti ng matamis na ngiti ang lola niyo, "Sorry talaga, Prof, may inasikaso akong problema eh."
Tumango lang si Prof, at inabutan ako ng isang malaking banig at mga unan.
Lumapit ako kay Ina Magenta, binulungan ko siya, "Bahag pala ang buntot mo kay Prof eh."
Natawa siya, "Kelangan sa buhay, pumili ka ng kakataluhin mo."
Sa may kalayuan, nakita kong nagsindi ng yosi si Schoolboi. Lumapit ako sa kaniya.
"I thought you quit smoking?" tanong ko.
Tumingin siya sa akin, tapos binigay sa akin ang yosi niya, "This is yours."
Kinuha ko naman, pero nagsindi rin siya ng panibago para sa sarili niya.
Tahimik pa rin siya, nakatingin sa malayo.
Umubo ako, tapos nagtanong, "Let me guess... Pasha?"
He smiled weakly, sabay tango.
"Wanna talk about it?" I asked.
Inakbayan niya ako, tapos nilakad palapit sa class. "Maybe later," sagot niya, "Magsisimula na si Prof eh."
I don't have the words to describe that night.
Imagine it, a midnight class, wherein Prof picked seven stories from seven students in the class to read out in the dark. There were about twenty-five of us in the class.
Napili niya ang "Bakit Niya Ako Iniwan?" na entry ko.
"Ang gusto ko sa pagsulat mo, Buquir," sabi ni Prof, "hindi ka takot mapahiya sa mga mambabasa mo. You really let everything out in this piece."
Blush naman ako.
Pag napili niya ang sinulat mo, you're supposed to read it in front of the class.
Napili rin ang mga sinulat ni Ina Magenta at ni Schoolboi.
Nung si Ina Magenta na ang nagbasa ng piece niya na ang title ay "Saging Lang Ang Katapat Mo", nabulabog ang gabi sa lakas ng mga tawa ng mga kaklasmeyt namin. May kasama pa kasing interpretative dance ang lola mo eh.
When it was Schoolboi's turn, pinagmasdan ko ng husto ang mukha niya na bahagyang naliliwanagan ng mga kandila.
Mukha talaga siyang malungkot. Guwapo, oo, pero malungkot.
"Baka matunaw si Schoolboi sa kaka-titig mo," sabi ni Ina Magenta sabay siko sa akin.
Ngumiti lang ako.
Inabot kami ng bukang-liwayway sa Sunken Garden. By that time, nag-kaniya-kaniyang usapan na kami.
Kaming tatlo ni Schoolboi at ni Ina Magenta ang magkakatabi sa banig, nakatingala sa nagliliwanag na langit. Malamig ang hangin at tahimik ang paligid, maliban sa bulungan sa mga ibang banig. Sa kabilang banig, may nagpapatugtog ng ipod niya na may speakers, at ang kanta ay "Linger" ng Cranberries.
Di namin mapigilang maging senti ang usapan.
Kinukuwento sa amin ni Schoolboi kung gaano kahirap magkaroon ng boyfriend na mukhang supermodel.
"Hindi ba mas mahirap kung mukhang basurero ang boyfriend mo?" tanong ng taklesang si Ina Magenta.
Natawa kami pareho ni Schoolboi.
Dagdag pa ni Ina Magenta, "Nakakatawa ano? Kahit pareho kayo ni Pasha na good-looking, hindi ka pa rin masaya sa relasyon niyo? Meron ding selos, merong bitterness, may insecurities. Ang mga problema niyo pala katulad rin sa problema ng mga ordinary-looking people."
Huminga ng malalim si Schoolboi, "Like they say, God is fair."
Pinatong ni Ina Magenta ang ulo niya sa kamay niya, at tumingin sa akin, "Ikaw, Buquir, kamusta naman ang taong pinakamamahal mo?"
Huminga rin ako ng malalim, "Ayun, kumikirot pa rin ang tiyan ko everytime nakikita ko siya."
Umunan si Schoolboi sa braso ko, "Does he know already? Do you think he has any idea of how you feel?"
Umiling ako, "Nope... at least I don't think so."
Nainggit si Ina Magenta, pinatong niya ang ulo niya sa tiyan ko, "Alam mo, dapat sabihin mo sa kaniya. I'm sure litong-lito na yun ngayon sa ikinikilos mo."
Nakiliti ako sa pagkakadag-an niya sa tiyan ko, "I will never tell him, believe me. I've learned my lesson well, it's better if I just keep my mouth closed."
Tahimik silang pareho.
"What? You think I'm making a mistake by keeping silent?" I asked them.
Umalis si Ina Magenta sa tiyan ko, umupo, at tumingin sa akin, "I think, eventually, sasabihin mo din sa kaniya, one way or another. Kilala kita eh, di mo rin mapipigilan yan. Balang araw, Buquir, lalabas at lalabas din yan."
Tumatango sa pag-sang-ayon si Schoolboi.
Bumalikwas ako palayo sa kanilang dalawa, "You're wrong. I will never tell him, believe me."
Pero sa loob-loob ko, may takot at kabang kumikislot sa puso ko.
Balang araw, Buquir, lalabas at lalabas din yan, sabi ni Ina Magenta.
"What are you so afraid of, Buquir?" tanong ni Schoolboi.
"The most common reason, I guess," sagot ko, "Rejection. I'm afraid things will change once I tell him how I feel."
"Rejection isn't something you should fear, really," sabi niya.
"Easy for you to say," sagot ko naman, "You look like a commercial model for Calvin Klein, ako naman mukhang commercial model ng Pigrolac."
Natawa si Ina Magenta, "At least commercial model pa rin!"
"What's Pigrolac?" tanong ng inosenteng si Schoolboi.
"Favorite snack ni Buquir," sagot ni Ina Magenta.
Binato ko siya ng unan sa mukha.
Biglang nag-ring ang cell phone ni Schoolboi.
"It's Pasha," sabi niya, sinagot ang phone habang naglakad palayo sa amin.
Nakatingin kami ni Ina Magenta sa paglayo niya.
"Si Schoolboi ba ang pinoproblema mo?" tanong sa akin ni Ina Magenta, "In love ka ba sa kaniya?"
"Of course not," sagot ko. Honest. Hindi siya.
"So si Pasha?" tanong niya.
Umiling ako. Hindi rin siya.
"Eh sino?" kulit niya, "Ilang araw ka nang hindi matahimik diyan sa lintek na lalakeng yan ah. Ano ba yan? Ginto ba etits niyan?"
"Bastos," sagot ko, "Hindi kami ganun ano?"
"Eh so sino nga?" tanong niya uli.
Ngumiti ako at sinabi ang pangalan ng taong bumabagabag sa akin lately.
Nanlaki ang mata niya, "Siya? Yung guy na pinakita mo sa akin yung pictures?"
Tumango ako.
Kumunot ang noo niya, "Malaking problema nga yan."
Bumagsak ako uli sa banig, tumingin sa langit, huminga ng malalim, isang malungkot na ngiti sa aking mga labi, "Haaaay, sinabi mo pa."
Posted by callboi 11:38 AM Archived in Gay Travel | Philippines














hi buquir. I love your blog. when will you post ina magenta's story? I'm dying to read it. Anyway, can you also post your "Bakit nya ko iniwan" paper? hehe
22.08.2009 by chloe