A Travellerspoint blog

Graduation Ceremonies... U.P. style!

semi-overcast

inuman.jpg

Super sakit ng ulo ko ngayon. Major hangover.

Kagabi, nag-celebrate kaming buong class ng pagtatapos ng three-month writing seminar namin sa apartment ng isang classmate.

Muntik na ako malunod sa Red Horse, sa vodka (or as Ina Magenta calls it, boodkah), and tequila.

Grabe kayong mga taga-UP! Ang titibay ng mga atay niyo! Halos malusaw ang liver ko kagabi sa dami ng nainom ko. To think, may work pa ako kinabukasan.

Pagdating ko sa bahay ng classmate kong si Alfred (na naka-pajama lang throughout the inuman, parang weirdo lang), nagsisimula na sila ng inuman. Si Prof naman, naka-formal attire for a change.

Meron pa silang medyo malaking water jug na pinuno ng ice at sinulatan ng kung anu-anong messages (may nagsulat ng "Buquir! Ilakad mo ako kay Rica!").

formal.jpg

Potluck ang eksena. Ambagan sa drinks, pero ang pulutan, dapat lahat may dalang share.

andok_s.jpg

Ako, dalawang inihaw na lechon manok from my favorite sushal na place, Andok's.

pistachio_s.jpg

Mas sushal si Schoolboi, isang malaking bag ng pistachio.

mani.jpg

Tinalo kaming lahat ni Ina Magenta. Nilagang mani.

"Yan lang?" tanong ko.

"Oo, bakit? Choosy ka, miss?" tanong niya rin, tapos kunyari umubo siya, pero yung ubo niya ang tunog ganito, "Blog! Blog!"

"Tangina ka wag kang maingay!" bulong ko sa kaniya habang kinukurot ko siya.

fishballs.jpg

Si Classmate Alfred, nagluto ng fishballs na sinamahan niya ng curry, pusit, at veggies. Ang sarap!

"Kayo, Prof, anong dala niyo?" tanong ni Ina Magenta.

Di siya sumagot, pero may nilabas na tatlong bote nito:

inuman4.jpg

Two hours later, kumakanta na ang atay ko.

Kaming tatlo nina Schoolboi at Ina Magenta ang laging magkausap kagabi.

"What's your plan after this?" tanong ni Schoolboi sa amin.

"Eh di mag-aaral pa rin," sagot agad ni Ina Magenta, "Kelangan tapusin ko na ang course ko kung hindi patay ako sa ***** ko." (Dear readers, sinensor ko muna ang sinabi ni Ina Magenta kasi ayaw ko pang malaman niyo ang istorya niya. Soon, okay?)

Tumango ako, "Ako? Work pa rin. Siguro pipilitin kong tapusin yung librong 2 taon ko nang pinaghihirapan. Feeling ko kasi kelangan kong magbakasyon ng matagal-tagal para ma-inspire akong tapusin ang kwentong yun eh."

"What's it about?" sabi ni Schoolboi, nakatitig ng diretso sa akin. Alam niyo, ito ang kinatutuwa ko kay Schoolboi eh. Super interested siya sa mga sinusulat ko. Sabi niya, very refreshing daw ako. Kilig naman siyempre ang lola niyo.

"Tungkol sa dalawang bestfriend ko," sagot ko, "At ang pag-ibig na namagitan sa aming tatlo. Hahaha!"

"Emo ka na naman," sabi ni Ina Magenta.

"I think it sounds interesting," sabi ni Schoolboi. More kiligs for me. "Anong title?"

"Sinigang at Iba Pang Kadramahan Sa Buhay," sabi ko, "It used to be a short story kaso pinahaba ko na siya. Basta it's all about what happened to me sa office about three years ago."

"Cool title," sabi ni Schoolboi, habang natatawa si Ina Magenta kasi namumula na naman ako sa kakiligan.

inuman2.jpg

Mamaya pa, super lasing na kaming tatlo at kung anu-ano na ang napag-uusapan.

"First time mo, saan?" tanong ni Ina Magenta, na nagtanggal na ng sapatos at medyas.

"When I was 17, and it was with a girl," sagot ni Schoolboi, na super mapula na, "sa house niya while her parents were out."

At dahil lasing na ako, di ko na napigilan ang sarili ko na tanungin siya, "Eh yung first time mo with a guy?"

Tumingin siya sa akin, with those long eyelashes of his, and his blushing cheeks, "Fourth year high school ako, sa shower room ng gym namin."

Lalong umikot ang ulo ko, and I don't think it was the tequila doing it.

"Ako? Sa bahay ng lola ko, with my neighbor, who was ten years older than me," proud na proud na sabi ni Ina Magenta.

"At ilang taon ka naman noon? Twelve?" tanong ko, medyo sarkastiko.

"Around that age, oo," sagot naman niya, na parang balewala lang, "Eh ikaw?"

I smiled, demurely, "Virgin pa po ako. I'm waiting for the right guy eh."

"Ulol! Baka left nostril mo ang virgin!" sigaw ni Ina Magenta, sabay buhos sa akin ng beer, samantalang malakas na humahagalpak ng tawa si Schoolboi, na bumagsak sa pagkakaupo sa sofa papunta sa sahig. Ang cute niyang tignan sa sahig, parang baby, parang ang sarap alagaan. Haaay.

Later on, bagsak na sa sofa si Ina Magenta, borlogs na ang beauty.

Kami ni Schoolboi, nasa balcony, nakatingin sa highway, umiinom pa rin.

"Where's Pasha?" tanong ko sa kaniya.

"He's with his other friends," sagot ni Schoolboi. Medyo umasim ang mukha niya. At mukhang langong-lango na.

Something about the way he said it, may na-sense akong kakaiba.

"I see, umm, is everything ok with you and him?" I asked, hesitating slightly.

Uminom muna siya ng beer bago sumagot, "I don't like his friends. They're really mayabang."

"Aah," ang simpleng naisagot ko.

Bigla na lang, tumawa siya ng mahina, tumingin sa loob, sa natutulog na si Ina Magenta (na nakabukaka sa sofa), at humarap sa akin, "Feeling ko kasi bad influence yung mga friends niya eh."

"Bakit naman?"

"Ewan ko, basta, di ko ma-explain," sabi ni Schoolboi, leaning his body on the wall, "Basta ayaw ko sa kanila."

Tahimik lang ako.

Tumingin siya sa akin uli, namumungay na ang mga mata sa tama ng beer, "Don't you think Pasha would be better off being friends with you and Rica instead of those other bastards? Mas masaya naman kayong kasama eh."

Nag-kibit balikat lang ako. Di ko alam ang sagot eh. Of course, I would definitely want to be close friends with Pasha, kaso desisyon niya yun eh.

"Don't get me wrong, Pasha likes you guys a lot, especially you," sabi ni Schoolboi, di niya yata nahalata na tumigil ang puso ko sa sinabi niya, "It's just that, mas may access siya dun sa mga friends niyang yun eh."

Tahimik pa rin ako.

"Ah basta, gagawa ako ng paraan na mas maging super close kayo ni Pasha," sabi ni Schoolboi na umakbay pa sa akin, "Okay lang naman sa iyo yun, di ba?"

Nanghihina ako, dear readers.

Posted by callboi 23:40 Archived in Philippines Tagged gay_travel

Email this entryFacebookStumbleUpon

Table of contents

Comments

nanghina rin ako d2 bookie...

by alexkuno

lande,,pero kakakiligz,,eeeeeee

by mALdiTa^

WLANJO! Wooohooo naging tulay mu pa pala si schoolboi para kay pasha YIHEEE!!! hahaha... tas ang ending nyan magiging kayo na ni PASHA... hehe gawin mu nang mantra yan pag umaga... BOOKIE loves pasha 2x... tas pede ka na magukit ng name nyo sa puno...heheh

=P

Bookie thanks for passing by my site ah =) I really appreciate it!
TekA what happened with your spanish course? I was planning to enroll pa naman dun kaso tinamad ako hehehe

by kumagcow

sandali nga bookie ang haba haba na ng hair mo! LOL!

are you guys interested in watching the UAAP cheerdance compet?

we could meet up you know(ay kelangan iVL ko ang friday nun LOLz)

by Ruz

Bongga talaga ang beauty mo teh! Nakakaloka. 4 years ako sa UP pero hindi ko man lang yata nakita si SchoolBoi at Pasha! Shet. Anyway, i soooo miss UP! Lalo na yung mga inuman hanggang mamatay at tipong hindi mo kailangang magpanggap na nakaka angat ka sa buhay.

by Jake254 sa PlanetRomeo

magpatrim ka na nang hair... ang haba..haba..sobra!!! hahaha

namiss ko na naman tuloy ang inumang UP..hehe... pag naging close tayo ( kung sakali lang naman Ü ), maginom tyo ng bonggang bongga!!! gusto kitang isama sa yupielbi!!! Ü

by teen

Weeeeeee!
Pag close na kayo ni Pasha, pag-cameo-in mo naman dito, kahit sa lobby lang! :)

by aubreybaby

pakilala mo nman sa akin si Rica.... mas interested ako sa kanya :-)

by hayden_koh

This blog requires you to be a logged in member of Travellerspoint to place comments.

Enter your Travellerspoint login details below

( What's this? )

If you aren't a member of Travellerspoint yet, you can join for free.

Join Travellerspoint