A Travellerspoint blog

The Artist Formerly Known as Slightly-Pokpok Rica...

rain

drag1.jpg

Last Saturday night, naka-receive ako ng text from Slightly-Pokpok Rica.

"Sino si Slightly-Pokpok Rica at bakit siya nasa blog mo?"

Uh-oh.

She knows.

Nakita na ni Slightly-Pokpok Rica ang blog ko online.

Medyo pinagpawisan ako ng malamig, "Um, I'm assuming you want to talk to me about this?"

Nag-reply siya, "You think?"

An hour later, nagkita kami sa Malate, sa O-bar.

Natuwa ako kasi nakita ko na naman ang mga performing drag queens nila.

Nasa labas ng bar si Slightly-Pokpok Rica, nagyoyosi at umiinom mag-isa.

Mukha siyang bad trip.

Walang imik akong naupo sa harap niya, nakangiti ng slight sa kaniya.

Nagbuga siya ng usok.

Huminga ako ng malalim, at nagsalita, "Umm... sooo... what do you think of my blog?"

Naningkit ang mga mata niya, humithit sa yosi, bumuga, at sumagot ng, "I like it."

Napataas ang isang kilay ko, napakagat labi, "You like it?"

Tumango siya, hindi pa rin ngumingiti, "Yup, I like it. Except for one thing..."

Tumigil ako sa paghinga, "What's that?"

Tumingin siya sa malayo, huminga ng malalim, uminom ng beer, nagpahid ng labi, at sumagot, "Bakit mas madalas mong banggitin sina Schoolboi at Pasha kesa sa akin?"

Napa-maang ako, "Excuse me?"

drag2.jpg

Bumuhos ang malakas na ulan, halos di kami magkarinigan.

Sumigaw si Slightly-Pokpok Rica, "Sabi ko, bakit mas madalas mong ikwento si Schoolboi and Pasha???"

I shook my head as I laughed, "Is that what your pissed about? Ang lack of exposure mo sa blog ko?"

"Syempre naman, tsong! Di hamak naman akong mas maganda sa dalawang yun noh?" sagot niya.

Tahimik lang ako.

"Dehins ka agree?" tanong niya.

"Opo, Ate," matipid kong sagot, "Sandali, paano mo nga pala nalaman yung blog ko?"

"Easy," sagot niya, "I googled your name. Meron pa bang nakakaalam nito sa class natin?"

"Ikaw pa lang," sabi ko, "And I hope it remains that way."

"Only kung papayag ka sa mga patakaran ko. You are hereby forbidden from referring to me as Slightly-Pokpok Rica," sabi niya, "I am anything but slightly. If you will write about me, and I want you to write more about me, you shall refer to me from now on as Ina Magenta."

"Ina... Magenta?" tanong ko.

"Yes, Ina Magenta," reply niya, "Also, ililibre mo ako ng lunch at least once a week, bibigyan mo ako ng P50 load once a week din, and..."

"...and?" tanong ko, napapalunok na.

"Ikukuwento mo ang buhay ko sa mga readers mo," sabi ni Ina Magenta, nakangiti ng nakakaloko.

Tahimik ako. In fairness, dear readers, napakakulay ng madramang buhay niya.

"Deal?" tanong niya, nakalabas ang kanang kamay.

Ngumiti ako sa kaniya, "Deal."

drag3.jpg

Posted by callboi 20:20 Archived in Philippines Tagged gay_travel

Email this entryFacebookStumbleUpon

Table of contents

Comments

O-M-F-G! hahaha... ang lakas ng tawa ko sa deal nyo. kamusta naman ang P50 na load? bwahahahaha... i can't wait to hear about all the juicy details on "Ina Magenta's" life...hahaha

by juliepot

bakit hindi nalang siya gumawa ng sarili niyang blog?

by CJ

Madali naman talaga malaman un blog mo callboi e! hehe! Chop! choP! :p

by PaLaBoi

Ina Magenta? well. people here would probably still want to hear about schoolboi and paschia.. you can insert here stories though hehe

siguro wala pa masyado information si bookie tungkol kina s&p... this would be a good filler story kung sakali hehe

by kumagcow

naaliw ako sa mga terms and conditions nya. pero what if gagawin din yan ni schoolboi (i-google ang pangalan mo boquiness) Busted. Baguhin mo na ang mga tags mo.

by bonicole kidman

hala! nagulat ako nung nlaman na nya..o dba..napa-comment tlga ako..akala ko pa nga mag-e-EOF na kyo..bongga si bakla..mala-MMK yata ang gusto..ahaha!
go go go buqui..hehe!

by gracers

whoooowwwww hahaha..katawa naman ung reaction nia and ung deal niu... HAHAHAHAHAHAHAHAHA

by whoooo

awww... mas gusto ko ata yung Slightly-Pokpok Rica. mas may spice. :D

by ambisyosa

So where is the story about SLIGHTLY POk2 RICA aka INA MAGENTA?!

O_O hehehe

by KUMAGCOW

di hamak na mas maganda raw sya kina S&P...post ka nman ng pic nya...para magkaalaman

by hayden_koh

wahahaha!! nkakatawa..so sya na pala si INA MAGENTA? nice.. kala ko bagong character sa blog mo..hahaha..si slightly pok2 rica lang pala..cge..i will be looking forward to her story..hahaha!! bongga naman ang pambablack mail nya sa'yo..hahah

by xaviera

1st tym ko mpadaan dito sa blog mo.. wagi buquir.. :D

panalo si ina magenta.. at misteryoso ang katahimikan

ni schoolboi.. nakakacurious ang personality nyo..

^_^

- a.k.a CHULETLET MAJULAYLAY

by IsaNg_hAmAk_n_tRaiNeE_sa_PS

hi buquir, i really love and enjoyed reading ur blogs, super nkkaalis ng stress lalo na ung blog mo about sa last class nyo sa sunken garden esp. sa part na binasa ni rica ung story nya na Saging lang ang Katapat, promis super tawa ako sa station ko hehe..im so curios kung anong itsura ni ina magenta hehe.. well im sure, ang sarap nyang kasama.. nung una kala ko gurl cya kc rica tawag mo sa kanya d ba.. ur lucky buquir kc may fren ka na kgaya nya..

by malditangbaby11

This blog requires you to be a logged in member of Travellerspoint to place comments.

Enter your Travellerspoint login details below

( What's this? )

If you aren't a member of Travellerspoint yet, you can join for free.

Join Travellerspoint