A Travellerspoint blog

Andyan Ka Na Naman...

sunny

6schoolboi.jpg

Note to readers:
Before you read this, make sure you've read this: clickmesoftly

Hindi ako makahinga.

Hindi ako mapakali.

Hindi rin ako makapagsalita.

Ganyan talaga ako kapag may katabi akong ubod ng guwapo.

Bumababa ang IQ points ko. Natatameme at nawawala ang pagka-Ms. Congeniality ko.

Eto kasing si Schoolboi. Hindi man lang sinabi sa amin na dyowa pala niya ang pinakaguwapong lalaking makakaharap ko sa buong buhay ko.

After we went shopping, nakipagkita kami sa BF ni Schoolboi sa Starbucks malapit sa G4 cinema.

"There he is..." sabi ni Schoolboi, pointing to a tall guy standing in front of Timezone.

OH. MY. GOD.

Dear readers, let me tell you, he took my breath away. He was REALLY REALLY (emphasis on REALLY) good-looking.

Alam niyo ba, pinagtitinginan siya ng mga tao sa paligid niya, badets and girls alike.

Siniko ako ni Slightly-Pokpok Rica, kasi parang nag-aalangan akong lumapit.

"Bakla, wag kang magpaka-demure, di bagay sayo!" bulong ng puta.

Pag lapit naming tatlo, pinakilala kami ni Schoolboi.

"Guys, si Pasha."

Pasha? Dehins ba pangalan ng aso yun? Nung ngumiti si Pasha, nabulag ako sa pearly-white teeth niya. Shining shimmering splendid.

Si Slightly-Pokpok Rica lumapit kay Pasha, kinuha ang kamay niya, at sinabing "Hello hello! I'm Rica!"

Tapos kiniss ni Slightly-Pokpok Rica ang kamay ni Pasha. Tapos nag-genuflect pa siya.

Natawa si Pasha at medyo nagblush, samantalang si Schoolboi naman hinila palayo si Slightly-Pokpok Rica.

Hindi pa rin ako makapagsalita. Pero slightly naka-smile naman ako kasi ayoko naman isipin niya na suplado ako.

"This is Bookie," pakilala ni Schoolboi.

"Hello," matipid kong sabi, naka-virginal smile pa rin.

Ngumiti si Pasha, nag-shake hands sa akin, at sumagot ng "Hello, I've heard so much about you."

Saaaaaaaabeh ba namaaaan?!?

At that point, nalaglag na yung matris ko and napatingin na lang ako kay Schoolboi.

Nag-explain si Schoolboi, "Kinukuwento ko kay Pasha na your write-ups in our class are my favorite."

Blush lang ang naisagot ko, habang naka-kagat labi, di makatingin ng diretso sa kanilang dalawa.

Sinira na naman ni Slightly-Pokpok Rica ang moment, "Bakla ang ganda mo pala pag-kinikilig. Para kang high school girl."

Tumawa silang tatlo. Tahimik pa rin akong nakangiti lang.

Sheeeet, bakit wala akong maisip na witty dialogue? Funny one-liners? Bakit tameme ako???

Nag-aya si Schoolboi na sumama kaming dalawa ni Slightly-Pokpok Rica mag-dinner.

Go naman agad ang pokpok.

"Basta gusto ko sa masarap na resto na pwede na akong mabusog sa P100!" ang demand niya.

"Ummm... I really don't feel like eating fastfood tonight, pero don't worry, sagot namin ang dinner," suhestiyon ni Schoolboi.

Tatanggi sana ako kasi nahihiya ako kaso tinignan ako ni Slightly-Pokpok Rica ng masama, mukhang mananaksak. Parang sinasabi niya sa akin na "Sige, sige lang, subukan mong tumanggi sa libre!"

Pagdating sa libre, papatay talaga siya.

mesa1.jpg

Fifteen minutes later, nakaupo na kami sa Mesa sa Greenbelt 5.

Medyo nawawala na ang hiya ko kay Pasha. Nakakapagsalita na ako, and may mga hirit na rin ako na natatawa naman siya.

Shet, crush ko yata siya. No wait, mahal ko na siya. Siya na ang langit at lupa ko. He is the center of my solar system.

Nabura na si Schoolboi sa isip ko. Pasha forever and ever na ako. Kung sasabihin siguro sa akin ni Pasha na i-ki-kiss niya ako kung tatalon muna ako mula sa ibabaw ng RCBC building, gagawin ko at tatanungin ko pa siya ng "Ilang beses po?"

He's witty. He's funny. He's nice. He's got the face of an angel and the body of a supermodel.

He's... he's... perfect.

I think I was staring at him, across the table, daydreaming, while he talked about how much he really didn't like reading blogs.

Wait. Wait. Wait wait wait.

"Excuse me? What did you say?" I asked, hoping against hope that I misheard him.

He wiped his mouth, and then smiled kindly at me, with those rose-red lips, answering, "I just really don't like reading blogs. Why? Do you have one?"

I smiled... and said...

To be continued...

greenbelt.jpg

Posted by callboi 23:28 Archived in Philippines Tagged gay_travel

Email this entryFacebookStumbleUpon

Table of contents

Comments

Waah! Bitin naman ang kuwento! More! More!

by Rhodge

Hehe thats funny...maybe if he checks out what you have been writing here... he'll change his mind... =)

by kumagcow

oh my gosh bookie, panalo ka talaga! let schoolboi introduce your blogs to pasha at tingnan kung di siya maloka sa mga blogs mo. you have the best blogs in the world baka di niya alam!

by ccslave

"ung sasabihin siguro sa akin ni Pasha na i-ki-kiss niya ako kung tatalon muna ako mula sa ibabaw ng RCBC building, gagawin ko at tatanungin ko pa siya ng "Ilang beses po?""

__ hahahha!! LOko!!! CHop!!!

by PaLaBoi

O. M. G. I can sooo relate to you! Tumitiklop din ako sa mga guwapo o sa mga taong gusto ko. At kinikilig din ako while reading this post picturing the whole scene! I can really imagine Pasha being uber gorgeous. Swerte ni SchoolBoi. Swerte ka din. 2 "birds" in one stone 'ika nga. Hahahha!!

by chekwa28

OH...MY...GOD!!! The UP Writing Class is just getting better! I LOVE IT!!!

by fulibooked

sheeet... may photo ka ni pasha? :) send me one : joco_bunshin@hotmail.com

by Joco Waldorf

i love it, buquir.

by Bonicole

Oh my! nakakakilig and nakakabitin ang story... More please!

by Hazelicious

oy bookie pwede pu describe u p more c pasha grabe galing mu magkwento e

by syam

what i really want to know...
is how schoolboi is reacting to you salivating over the guy...his guy...

ü

xoxo
muah

by e_sasha

my goodness parang gusto ko tuloy mag enroll sa class mo buqui.

by akosidiosa

Gusto ko na makita kasunod nitong kwento hehe sensya na demanding!

GOT A NEW FOOD REVIEW HERE! CHECK EM OUT @ http://www.kumagcow.com & http://techcow.blogspot.com :)

by kumagcow

ako din pag may crush..dko kyang mkipag usap... kulang nlng maihi sa sobrang kaba, hahahaha! kaka-kilig! ♥♥♥

by maldituuuuuuh

nagtindigan ang balahibo ko!!! kakalokah! kasalukuyan akong nagttraining at di ako nkikinig sa trainer ko! hahahaha! =)) read mode lang ako sa blog mo callboi! :D

by ChuLetLet

This blog requires you to be a logged in member of Travellerspoint to place comments.

Enter your Travellerspoint login details below

( What's this? )

If you aren't a member of Travellerspoint yet, you can join for free.

Join Travellerspoint