Si Chef Ed and Baker Clang...
14.07.2009

The other week, binisita namin ng team ko ang favorite kong couple na si Clang and Ed sa school nila na MIHCA (Magsaysay Institute of Hospitality and Culinary Arts).
Sabi kasi nila, it's a little known secret na may super sarap na buffet sa school nila pagdating ng 6pm everyday.
Delicious food na eat-all-you-can! For P180 lang!!! I'm like so there di ba? ![]()

This is Clang. She's taking up baking. Siya rin ang nag-convince sa akin na sumimba paminsan-minsan sa Every Nation sa may Bonifacio High. Aaminin ko kaya lang ako sumasama eh dahil aircon yung place at may concert everyday. Plus, may mga artista pa! Haay, dehins talaga ako religious eh.

At ito naman si Ed. Di ko alam ang pangalan ng course niya, basta magaling siyang magluto ng ulam.
Sa pic na ito, mukha akong pissed off kasi ginagamit ni Ed ang certain areas ng kamay ko as a point of comparison on how to figure out the texture of rare to well-done steaks. Alam kong mukhang pork ako pero pati ba naman consistency ng pork nakuha ko rin?


Tama nga sina Clang and Ed; walang katao-tao sa dining area ng school nila. Surprising dahil ang mura na nga ng food, ang sarap pa.

Siyempre pa, meron kaming surprise kina Clang and Ed. Gumawa kami ng poster na may drawing ng lechon, picture nilang dalawa, at ang linyang "Ed and Clang Patikim ng Cooking Niyo".

Ito ang buffet area at ang mga student chefs na handang magbigay ng ligaya sa amin.

Ito yung bow-tie salad something na masarap. Nag-uwi pa nga ako ng isang balot nito eh, nilagay ko sa bulsa ko. Walang biro. I wish I were kidding, pero hindi eh. Ganun talaga ako katakaw.

Ito na yata ang pinakamasarap na rice na natikman ko. Dehins na kelangan ng ulam. Kahit nga yung supervisor kong si Rhoda Bektas nagustuhan ito eh.

At isa ring naging paborito namin eh ang potatoes na ito. Sabi ni Ed, kelangan daw expert ka sa pag-hiwa ng patatas dahil apparently, seven or nine-sides ang shape nito. I think he mentioned na kelangan daw makahiwa ka ng fifty potatoes na ganitong shape para makapasa sa Knife Work. Di ako pwede diyan, wala akong alam sa mga hiwa-hiwa na yan.

Ang steamed salmon na binalot sa parchment paper. Dehins ko masyado feel ang fish eh. It's like malansa you know. But not this fish, masarap naman siya. Honga pala, hindi nakakain ang paper ha. Wag niyong gayahin ang mga pagkakamali ko sa buhay.

Ang lambot ng beef! Sing-lambot ng paa ko matapos ma-foot scrub!

Here's a picture of Clang while in her class. Alam niyo ba, lahat ng students dito, binigyan nila ng Crocs na sandals? Shushality di ba?

Here's a shot of Clang na nang-i-inggit.

And showing off their ref na punung-puno ng butter. Langit ba ang lugar na ito???

Ang sweet ni Clang, she kept sneaking food out of her class to give to us. Para lang kaming mga yagit na naghihintay at nakatingin sa bintana.

Kita niyo ba yan? Yan ang mga finished products nila. According kay Clang and Ed, madalas, pinapatapon sa kanila ang mga extra food kung walang gustong mag-uwi sa kanila. Sabi ko kay Clang, pwede ba akong mag-apply na basurero sa school nila. Akala niya nagbibiro ako.

Ito yung mga ibang student chefs, kasama naming kumakain.

Be honest. Kamukha ko ba siya?

Dito sa MIHCA, sila-sila rin ang nagtitikiman... ...ng mga niluto nila.

Natuwa ako sa hat or toque nila kaya humingi ako. Mukha raw akong Santo Papa.

At ito naman ang niluto ni Chef Ed na Banana Flambe. It was the best! Si supervisor Rhoda Bektas, inubos yung mga whipped cream naming lahat. Takaw.
Pero hindi lang yan ang mga masasarap na dessert sa school nila.
Ito pa:


At ito naman ang bigay niya sa akin for take-out:

Buti na lang I've quit my diet.
Posted by callboi 6:46 PM Archived in Gay Travel | Philippines














wow ang sarap naman niyan! san banda yan? as in open sila sa public tapos 180 lang ang buffet??
16.07.2009 by little zoie