A Travellerspoint blog

Words of Wisdom ni Inday Ko...

I miss my yaya!!!

sunny -17 °C

inday.jpg

[*]Kapag nasugatan ka, may lalabas na kung anu-ano sa sugat mo; tulad ng kanin, eroplano, pari, bato, at minsan, pag sinuwerte ka, piso.

[*]Kapag naging malikot ako or di ako sumunod sa utos ni Inday, kakainin ako ng Undin na nakatago sa Coleman jug sa ilalim ng lababo namin.

[*]Dapat ubusin ko lahat ng pagkain na ihain sa akin, kasi iyong mga kapitbahay daw namin, mga aswang, at mahilig kumain ng mga batang pihikan (kaya pala ako mataba!).

[*]Kay Inday ko natutunan ang expression na "Kadiritudit!" (kadiri-to-death).

[*]Kapag ginigising ako ni Inday para sa school, ganito ang opening spiel niya: "Piglet! Piglet! Bangon na! Kungdi uubusin ko iyong niluto kong longganisa!"

[*]Kay Inday ako natutong gumamit ng mga daliri para magsukat ng tubig na gagamitin para sa pagluto ng bigas (kaso sabi niya wag na wag ko daw gagamitin ang sarili kong mga daliri kasi masyado raw mataba ang kamay ko at baka daw sumobra ang tubig at maging lugaw ang kanin. Hmp.)

[*]Kapag may bisita akong babae noon, di niya inaasikaso. Masyado pa raw ako bata para magkabisita ng babae. Pero kapag mga boys naman ang bisita ko, parang fiesta ang handa niya. Kaya kay Inday ako natutong maging bakla.

[*]Si Inday ang nagturo sa akin na dapat daw lagi akong matulog pagkatapos ng tanghalian. I think ang totoong dahilan niya ay para di ako agad antukin sa gabi para may kasama siya manuod ng Maricel Drama Special at Vilma!

Posted by callboi 13:48 Archived in Philippines Tagged gay_travel

Email this entryFacebookStumbleUpon

Table of contents

Be the first to comment on this entry.

This blog requires you to be a logged in member of Travellerspoint to place comments.

Enter your Travellerspoint login details below

( What's this? )

If you aren't a member of Travellerspoint yet, you can join for free.

Join Travellerspoint