A Travellerspoint blog

Kissing A Fool...

sunny

rica.jpg

At dahil feeling close na kami sa isa't-isa, nagkita kami ng kaklase kong si Slightly-Pokpok Rica sa Glorietta para magshopping.

When I met her in Breadtalk, super gulat ako. Naka-yellow tight tanktop siya, pero hindi yun ang schocking.

May bago siyang hairdo. Meron siyang multi-colored highlights sa buhok niya, prominent pa yung dalawang streaks ng yellow sa may harap.

Pinagtitinginan siya ng mga tao sa mall.

"Hello hello hello!" malakas niyang bati sa akin.

"Hello din sa iyo," sagot ko, "Parang may bago sa hair mo pero di ko ma-pinpoint kung ano."

"Do you like? Yung friend kong bading na si Barbara ang gumawa nito!" proud na sabi ng lola niyo.

"Well, pwede ka nang magjogging sa gabi, hinding-hindi ka mabubunggo sa dilim," I teased.

"Tseh! Inggit ka lang kasi ako, morning sunshine rainbow ang dating," sagot niya, sabay flip ng hair, "Ikaw, rainy days and mondays."

Ako, balak kong bumili ng libro, si Slightly-Pokpok Rica, bibili daw ng swimsuit.

"Swimsuit? Eh tag-ulan ngayon?" tanong ko sa kaniya.

"Nakikialam ka sa gusto ko, sir?" balik-tanong niya, "Pinigilan ba kitang bilhin yung sandamakmak na tasty sa Breadtalk?"

"Hello??? Hindi ito tasty noh?" biro ko, "Galing tong Breadtalk kaya ang tawag dito loaves."

"Maarti ka!" tawa niya.

After a few minutes of browsing in Terranova (kung saan pinili niya ang mga pinakapokpok na tops na nakita ko doon sa shop), nag-aya siyang magpunta sa food court kasi may kikitain daw kami.

"Sino?" tanong ko.

"Basta," sagot ni Slightly-Pokpok Rica, habang may tinetext.

Ten minutes later, dumating ang third party... si SchoolBoi!

"Hi!" bati niya, looking like a bench model in his dark green shirt and denim pants.

"Hello hello hello!" sagot ng Slightly-Pokpok Rica na naging high-pitched all of a sudden ang boses.

"Tsong," sagot ko naman, na pilit na nagpapaka-discreet.

Natawa sila pareho, tapos nagtanong ni Schoolboi, "Ok lang ba samahan niyo ako pumili ng shirt sa Bench?"

Tango lang ang sagot ko, pero ang Slightly-Pokpok Rica, kinuha ang kamay ni Schoolboi at malanding hinila siya papunta sa Bench.

On the way there, I saw a large group of folks from PeopleSupport na medyo kakilala ko.

Sabay-sabay silang bumati sa akin, may isa pang tumawag ng "Hi Callboi!" sa akin.

Habang papalayo sila, nagtanong ng pabiro si Slightly-Pokpok Rica, "Sikat ka, sir?"

Ngumiti lang ako. None of my classmates in UP know of my blog, and I'd like to keep it that way, actually.

"Bakit Callboi ang tawag sa iyo nung isa?" tanong ni Schoolboi.

Namula yata ako, sabi ko sa kaniya, "Ha? Baka naman baboy, hindi Callboi."

Pagpasok namin ng Bench, pinanood namin si Schoolboi habang nagsusukat siya ng mga damit sa fitting room.

"Silipan mo," bulong ni Slightly-Pokpok Rica.

"Gaga," bulong ko din, pero siyempre, medyo slightly natutukso akong sumilip.

"Malaki kaya?" bulong uli ni Slightly-Pokpok Rica.

"Malay ko," sagot ko.

"Asuuuus, as if hindi mo siya pinagpapantasyahan gabi-gabi ang katawan niya," biro niya.

Kinurot ko siya dahil palabas na si Schoolboi.

Dalawang green na shirts ang pinili niya.

"Di ka rin mahilig sa green ano?" tanong ko sa kaniya.

Natawa si Schoolboi, "Hindi ako ang mahilig sa green, yung boyfriend ko ang may gusto."

Tapos pumila siya sa cashier, samantalang kami ni Slightly-Pokpok Rica, naiwan sa gitna ng underwear section, tulala.

To be continued...

schoolboi.jpg

Posted by callboi 19:37 Archived in Philippines Tagged gay_travel

Email this entryFacebookStumbleUpon

Table of contents

Comments

Oh wow. That was a twist in the story. Big time!

by BashingKing

Just came across your blog and its really nice. I find your musings hilarious in a good way. I started blogging using Travellerspoint so I can express myself. I hope you can read my blog from time to time.

Rock on Callboi

by lonelyboy

Kinurot ko siya dahil palabas na si Schoolboi.

Dalawang green na shirts ang pinili niya.

"Di ka rin mahilig sa green ano?" tanong ko sa kaniya.

Natawa si Schoolboi, "Hindi ako ang mahilig sa green, yung boyfriend ko ang may gusto."

---- Hmmm interesting.... been following your blog since i came across it last year, I sent a messsage pa ngay in your gmail for some suggestions on your TTM.... nakakagulat itong snulat mo ngayon, I didn't expext that schoolboi may be a PLU,

Keep blopgging

by jjc

wow yummy ni rica...pakilala mo nman ako callboi

by hayden_koh

natulala din ako...my goodness, di mo na talaga malalaman nowadays kung sino ang straight sa hindi

by akosidiosa

OMG! boyfiee dAW?! BITIN!! hehehe

by datihang-agent

CONFIRMED...

MAY TATAK NG PAGKASURI NG NMIC...

Ang Schoolboi pala ay isang Schoolgirl din...

  • PALALPAKAN* hehehe....

well think of it this way, its the best way to open up pandoras box... =D

by kumagcow

At karapatdapat syang i CLAP CLAP!!!!

by pokpoknamaton

Ampotah! nawindang ako kay schoolboi..pero tawa ako ng tawa sa kagagahan ni Rica.

by juliepot

ay! development na malaki ito! Hindi mo naamoy, callboi?

by Rhodge

OMG!! Kabaranggay pala si Schoolboi! ang saya! hehe.
shan
www.the-f-word-blog.blogspot.com
(shameless plug hehe)

by shan

tumbling naman ako dun...hahahaha...

by obz_dp

nakakaloka hahahaah sobrang natawa ako dun graduate din pla ng ASSUMPTION si schoolboi hihihihiih ;p

by missindia

callboi,

clue: 2 green shirts ...
you should've known it with the color green...
berde din pala ang dugo...

xoxo

by e_sasha

Hi callboi,,,,I worked here sa PASAY, teleperofrmance, formerly DELL. Naaaliw talaga ako sa blog mo. Especially, pag medyo stress sa work, REad lang ako ang read. .Naku, pag tahimik ang guy, nakakaduda na yung sexuality nya,, tapos pag sobrang maingay din naman, yun din...pero ang malaking tanong na gusto kong malaman, totoo bang may boyfriend sya???,,, :)

by Oli

ah. i feel bad for you. here let me rub your back.

kagulantang ah. pero since plu xa, at least you have that ray of hope. hehe.

love the blog. keep it coming!

by human isaw

hi callboi.. i know am not the first one to say this, pero i enjoy reading your blogs..

anyway, nakakatuwa naman si schoolboi.. pero teka, hindi ba umandar ang gaydar mo sa kanya? baka kelangan mo ng enhancer.. :P

by don_pepot

HAHAHAHAHAHA!!!!! isa nanamang kontribusyon sa mundo natin si schoolboi.. but mas interisado ako sa pagkatao ng boifrnd nya. AHHAHAHA

by Blue-Moon

OMG! berde pla si gwapong mala super model schoolboi! nahurt nman ang puso ko.. aww.. kalurkey!!!

by ChuLetLet

wow...nice story...sana may kadugtong na to.. more power callboi...

by Serenity

This blog requires you to be a logged in member of Travellerspoint to place comments.

Enter your Travellerspoint login details below

( What's this? )

If you aren't a member of Travellerspoint yet, you can join for free.

Join Travellerspoint