A Travellerspoint blog

"Bakit Niya Ako Iniwan?"

sunny

2beer.jpg

Prof. Macaraig stood in front of the class, scratching his bare shoulders (he was wearing yet another sando), and casually said, "Next week, emo ang theme natin."

Emo? Uh-oh, I thought, habang pilit na di tinitignan ang buhok sa kili-kili ni Prof.

"Makinig kayo ha! Ngayon ko lang kayo pagbibigyan na magsulat ng emo, kasi, sa totoo lang, ayaw ko muna makarinig ng kahit na anong emo," ang paliwanag ni Prof, "Sa totoo lang, heartbroken ako, kaya ayoko ng emo. Nadadala ako eh."

Tameme lang ang class.

Umubo si Prof at sinabing, "Ang title ng piece niyo next week ay, Bakit Niya Ako Iniwan?"

Nasamid yata ako.

Nagtaas ng kamay ang red-haired slightly-pokpok kong ka-klase na si Rica, bibo as ever, "Sir, pipili lang ako ng isang tao lang sa lahat ng mga lalakeng umiwan sa akin?"

Ngumiti si Prof, "Oo, baka kulangin tayo ng oras pag nilahat mo, Rica."

Napatawa ang class. Pero maraming mga kamay ang sumunod na tumaas.

"Pwede po ba ang happy ending?"

"How many words po this time?"

"Pwede po ba dalawang tao na lang instead ng isa?"

"Sir, paano po pag wala pang nang-iiwan sa akin?"

To most of the questions, "bahala na kayo" ang sagot ni Prof. Dun sa huling tanong, ang sagot niya ng pabiro, "Ulol! Wag ka mayabang, halata namang hindi ka pa nagkakadyowa!"

Bakit niya ako iniwan? naisip ko, Sino sa kanila ang pipiliin ko???

After the class, nagyaya si Prof na uminom kami sa malapit na lugar lang.

Hindi na ako nakatanggi. Besides, kasama si Richard a.k.a. SchoolBoi eh. Curious ako kung ano itsura niya pag nalasing.

Suplado si SchoolBoi. Di siya masyadong nakikimix-in sa class, mas gusto niyang nagtatake-notes at nagbabasa ng libro.

Sa mga yosi breaks namin, di siya lumalabas ng room. Nakaupo lang, at nagmumuni-muni.

Nung binasa niya yung piece niya last week, nagulat ako sa sinulat niya. His writing is very... intense.

Habang binabasa niya ang mga salitang nag-lalarawan sa pagkatao niya, parang medyo galit siya. Hindi naman siya mukhang mahiyain, mukha lang siyang medyo bad trip sa mundo.

Pasalamat na lang siya cute siya. Feeling ko nga mas crush ko siya lalo. Lalo pa nang napansin ko na mas kamukha niya pala si Atom Araullo.

atom.jpg

Mabalik tayo sa inuman.

Nagulat ako sa lugar na pinuntahan ng class namin.

Para siyang pubhouse sa kanto na tinatambayan ng mga jeepney and tricycle drivers.

Lupa ang sahig. At ang specialty nila ay tapang kabayo.

In fairness, ang mura ng pulutan.

Medyo na-haggard lang ako na san miguel pale ang in-order ni Prof para sa lahat.

Masayang kasama pala ang mga taga-UP ano? Ang saya nilang kausap, and very kalog.

Tinanong ako ni slightly-pokpok Rica, "May boyfriend ka ba ngayon, Bookie?"

Napatingin sa akin ang grupo, panandaliang natigil ang mga usapan.

Namula yata ako, "Wala eh."

Tumango sila, parang di sila nagulat sa sinabi ko.

Tinanong naman ako ng kaklase kong si Matt, isang lalakeng parang alambre sa payat, "Nagka-boyfriend ka na ba?"

Tumango ako.

"Ilan?" tanong ni Prof.

"Mga apat na, I think," sagot ko, definitely blushing. Di ako sanay na pinaguusapan ang lovelife ko with people whom I barely know.

Pero keri lang, kasi medyo may tama na rin ako sa beer.

Sumingit naman si Rica, while flicking her hair, "Nagkagirlfriend ka ba?"

Tumango ako uli, "Nung highschool."

"Talaga?" gulat na gulat ang talipandas na si Rica, "Ilan??"

I shrugged, "Mga lima."

Nun ko napansin na nakatingin si SchoolBoi, nakikinig sa usapan namin.

I held my breath.

Nagsalita si SchoolBoi, nakangiti, nagtanong sa akin, habang gulat na nakatingin sa kaniya ang grupo, "Don't you miss being straight?"

Ngumiti ako. He's definitely... intense.

"No, not really, not when there are cute boys like you around," I teased him.

Nagulat siya sa sagot ko, tapos napatawa ng malakas.

Tumabi si Rica sa akin sa upuan, at pabirong bumulong sa akin, "Flirt!"

Ngumiti ako sa kaniya, at bumulong din, "It takes one to know one."

"Totoo ka diyan, ate!!!" tawa niya habang nag-apir kami.

Hay...

I love my class.

Posted by callboi 04:18 Archived in Philippines Tagged gay_travel

Email this entryFacebookStumbleUpon

Table of contents

Comments

hi bookie! im not from UP Diliman.. Batang UP Elbi akich.. pero truly masaya kameng kainuman..hehe. Nakakatuwa kwento mo... kinilig ako, ahihihi. Parang gusto ko ulit maging studyante.Ü

by teen

Uyy si Bookie naka first base na kay schoolboi! YEAAAAH!!!

hahahaha..

by kumagcow

ampanalo!

by chekwa28

Wow! Nakiki-mingle naman pala si Schoolboi eh. Callboi, I just saw you on the floor as in ngayon-ngayon lang at tingin ko pumayat ka. Para ngang ang laki ng pinayat mo. Promise!

by HolisticMe

O, eto ang oras ngayon 6:20am June 30, 2009. Dumaan ka kani-kanina lang papunta sa kabilang side.

by HolisticMe

@holisticme: hahaha! naka-black pants lang ako kaya mukhang sumexy! :)

by callboi

asows! pumayat daw....tuwang tuwa naman...

ako, i <3 Atom Araullo!

by Q_Amidala

bruha ka amidala! :)

by callboi

I LOVE IT!! BOOKIE FTW!!!! BTW, college crush ko yang c atom...nakikita ko sya sa physics class ko dati...nung long hair payan, payatot tsaka tibak pa. I LOVE LOVE THE TOPIC!! AsTEG talaga c macaraeg. PANALO SA HIRIT KAY SCHOOLBOI!! WOOOOT!!! LUV IT HUN!! KEEP IT UP!

by Ruz

sa Sarah's kayo uminom sa me Krus na Ligas.
mga lasenggong estudyante ng UP dyan tumatambay. hahaha!

i love your writing skills Buquir. i'm sure you'll ace this course.

by mike_test

siguro ang saya talaga ng klase nyo.. sana talaga nag enroll ako kaya lang di naman din ako magaling magsulat e.. i think this is the start for you boquir.. baka magiging lima na yung apat mo..

by uglyalien

way to go Bookie! XD ayan na si SchoolBoi... humihirit na din... XD

by hatcher234

nice blog!

by LyndonPaul

Bookie, meet tau sa UAAP Cheerdance Competition! Batang UP ka na! Hehehehehe! Why not turn it into an EB for the blog as well?! WOOOT!

by Ruz

alak lng pla katapat ni schoolboi eh go Buquir karirin na yan hahaaa :p

by missindia

hay...
cute nga ng story...
hehehe...
i have a 'bakit nya ko iniwan' story...
i have this crush sa mga reliance natin...
HAHAHA!!!
I know... sorry, ganun talaga taste ko...
aun...kung kelan malapit na siya mag-resign saka pa kami naging close...

hehehe

we were supposed to have a date...
e kala ko di sya sisipot kaya i arranged another meet up with my college friend...
aun, he texted me nandun na daw siya...
e kasama ko na friend ko...deadma na siya...
then when i felt to text him nakasakay na daw siya ng bus going to tarlac!!!

imagine my panghihinayang!!!
kala ko the next day pa siya uuwi, apparently nagmamadali siya...

aun...

heartache...

still texting pero hopeless na...

cheap sl**......

kakamiss siya...
wala na me kakulitan sa pantry pag naghuhugas ng dishes...

hehehe

:'-(
xoxo

by e_sasha

@e_sasha: kaloka! sino sa reliance? may crush din ako dati sa kanila, si arnie, na anak ng driver ni bong borja. Cute siya and mestizo. At super makisig. haaay. i miss his pecs.

by callboi

hahaha!!!
name nya Mark Anthony Cabrera
(I'm totally ignoring the call that just came in just now...)

Hahaha
Na-FLAMES ko na... MARRIAGE kami!!!
21 din sya...
kalungkot talaga!!!
umiyak nga ako kay TS kinabukasan kasi close na talaga kami tapos iiwan nya agad ako...
we text every night...hehehe

Hahaha!!!
I miss him soooo much!!! Now, everytime i wash my tumbler, pantry feels too big without him...

by e_sasha

testing :p

by katie

bookie galing m tlga magsulat! hi daw sabi ni rey, hehehehe

by cocker_fun

ay winner! sana mkasession ko din kau sa inuman although di ako tga UP! :D

by ChuLetLet

This blog requires you to be a logged in member of Travellerspoint to place comments.

Enter your Travellerspoint login details below

( What's this? )

If you aren't a member of Travellerspoint yet, you can join for free.

Join Travellerspoint