A Travellerspoint blog

Flashback!

sunny

5virus.jpg

Six years ago, it was okay for agents to bring their cellphones inside the operations floor. Kahit nga digicam, pwede rin eh.

cellphone_by_spegi.jpg

Ngayon, you can only bring it in kung black ang kulay ng lanyard ng ID mo (kapag pula ang lanyard mo, dehins pwede, unless part ka ng maintenance). Can you say "caste system"?

philam.jpg

Six years ago, sa 12th and 14th floor ng sosyal na Philamlife Building naka-set up ang office ng PeopleSupport, kung saan makakasabay mo sa elevator si Jose Mari Chan (who sang the song "Beatiful Girl), who apparently had an office in the said building.

jose_mari_chan.jpg

Ngayon, ang makakasabay mo lang sa elevator si Manong John Lloyd, na mahilig kumanta ng "Total Eclipse of the Heart" at "Starlight Express".

Six years ago, sa 9th floor ang tambayan ng mga smokers, sa al fresco dining area, right outside the foodcourt, overlooking Ayala.

SP_A0322.jpg

Ngayon, ang smoking area natin nakatapat sa kanal, overlooking "Jermaine's Carinderia" and "Amee's Eatery and Other Place" (Totoong pangalan yan!) .

Six years ago, si Bong Borja ang big boss ng PeopleSupport, complete with his Ducati motorcycle and BMW and his bodyguard.

bong.jpg

Ngayon, bodyguard na lang ni Bong ang madalas mong nakikita sa floor ("Mascot na lang yata si Bong eh," says one team manager). Mas madalas mong makikita ang mga Indian bosses natin.

Six years ago, matibay ang ID na provided ng company sa mga employees niya.

id.jpg

Ngayon, parang bond paper lang na ni-laminate ang ID natin (balita ko, P26 lang ang budget sa ID ngayon, as compared to six years ago na P150).

Six years ago, ok lang sa akin ang mag-lakad ng madaling araw sa Guadalupe Nuevo kasi, kung ma-holdap man ako, at masaksak, lalaban talaga ako, dadaganan ko yung holdaper, ok lang kasi diretso ako agad sa Makati Med and sagot ng Maxicare ang lahat (plus, sa sobrang taba ko, feeling ko hindi aabot ang kutsilyo sa mga laman-loob ko).

hospital.jpg

Ngayon, pag-hinoldap ako, isusuko ko na ang lahat-lahat sa holdaper (pati puri ko) kasi dehins na tinatanggap ang Maxicare sa Makati Med, at tinatamad naman akong pumunta sa Manila Doctors para lang magpa-salba ng buhay. Anlayo eh.

Six years ago, sobrang natutuwa ako sa sweldo na offer ng PeopleSupport sa akin.

peso.jpg

Ngayon, sinabihan ako ng ka-team ko na lilipat na raw siya ng 24-7, a rival call center, dahil ang offer sa kaniya na basic pay ay P23,000. Entry level job ito ha!

Six years ago, masaya ako sa PeopleSupport.

Ngayon, masaya pa rin naman ako eh.

It's true.

Masaya ako.

Pero, the thing is, ngayon, may pero na...

Posted by callboi 23:52 Archived in Philippines Tagged gay_travel

Email this entryFacebookStumbleUpon

Table of contents

Comments

i soooo miss the old days..

na kahit ndi magkakateam, magkakakilala, magkakaibigan...and you almost know everbody..walang newbie..walang vet rep, walang ere..

ngaun, mas mayabang pa ang "KARAMIHAN" sa newbies..

ngaun, ang masasabi mo na lang..sino sya? exp*** ba yan? ndi ko siya kilala..

by kneeples

hmmm...

at sino tong mga "newbies" na to? training is pretty much the first touchpoint and wala pa naman ako nae-encounter na mayabang.. well, at least sa mga batches ko.. subukan lang nila... ahahaha...

by aubreybaby

Kasi nirequest mo: ANG CUTE NI BOOKIE. :)

by aubreybaby

well...aubrey..
pili lang naman yung mga yun..like mga not so newbie na, mga several months na rin sa floor..others are regular na..
pero there are some naman accommodating at mabait..in fairness..

iba-iba lang talaga ang ugali ng mga tao mapanewbie man o vet.. :D

by kneeples

I'm kinda suprised about the feedback I'm reading here about the newbies on the floor. I think most of them are ok, although admittedly there are one or two whom I'd like to bitchslap just because they're kinda mayabang, but the same goes for the vetreps. Tama ka, Kneeples. Uga-ugali lang yan, I guess. :)

by callboi

Peoplesupport cant support their people at all . .

by yohann22

Well, iba iba talaga ugali ng tao ngayon.. malamang itoy epekto ng paginum ng gatas ng COW... kaya ngayon parang mga HAYOP na talaga sila... hehe.. sometimes din siguro epekto ito ng culture sa BPO industry, nagging americanized, parang wala masyadong bearing ang seniority or tenure... at kalaunan nagiging sobrang confident to the point na nagiging BASTOS at walang modo na sila heheh ^^... pag ginawa sakin ng mga tao ko yan, SISANTE! pero syempre gagawan ng legal na paraan...

Sensya na nakekelam po ako hehe

Patalastas po..
STAR TREK MOOOVIE REVIEW..VISIT ME BACK @ http://www.kumagcow.com http://techcow.blogspot.com Thanks! :) SMILE!

by kumagcow

I left peoplesupport a few months ago and now, all the people I know are complaining how much they hate the company because everything has gone downhill. I was part of an accounts pioneering batch and now there are so few of us left in the company. Those who stayed always tell me how they hate the new management. And the ID's GOD the ID's. Now there are so many people in the company that its hard to find a familiar face.

I'll just plug my blog
www.adamsplanet.blogspot.com

by PlanetAdam

One of the reasons kung bakit ako nag-apply sa PS ay ang magagandang feedback na nakukuha ko from friends in cebu. Although di ganun kalaki ang sahod, when it comes to management daw naman wala kang masasabi. So after I resigned fromk my previous company I have decided to apply sa PS although same lang yung offer. I was able to experience still yung culture na pinagmamalaki nila last year. Mababait ang mga tao. Approachable lalo na si buquir na akala mo mataray pero okay din naman pala. Astig. Merong iba na medyo ma-ere pero keribels lang. Isa pa sa nagustuhan ko sa PS ay ang open door policy nila. Sana naman yang policy na yan wag na nilang baguhin pa. Magmula ng magpalit din ng management ang company medyo nakakairita ang pinapagawa nila sa mga agent. Basta I don't wanna elaborate anything ang alam ko lang, Astig ang PS before. They are one of the companies that anyone would wish to work for. Ngayon, di ko na masabi.

by akosidiosa

ung bago daw nating ID eh pag nabasa eh nde nmn masisira ung pic hihihihihi :p

by missindia

finorward lang to sa akin ng ka-team ko. Natawa talaga ako sa mga comments at nabasa ko dito. Pero ang tanong.. "totoo ba lahat ng mga pagbabago"? Parang panaginip lang.

Noong una akong nag apply dito, tinanong pa ako ng nag interview sa akin "why did you apply in peoplesupport?" ang sagot ko: "because in peoplesupport, people are supporting people."

E ngayon, ano na? Napapaisip nga ako kung magstay pa ako dito o lilipat na lang din ako tulad ng iba. PERO andito kase yung mga friends ko. SILA lang ang dahilan kung bakit ko pa gusto mag stay. YUN lang. haizt..

by boinkee

SO what's bong borja's position now? I still remember his old office (is it still called that even if it's wide open for everyone) @ philamlife.

LOL @ your last photo. Yes, there are more competitive packages being offered out there. Sakay na!

by boink

Am just one year and 13 days with PS and I am really not happy with what is happening now! Especially with how "JR" handles our LOB! Damn!!! He says different things with what the clients are saying! Damn(again)!!! Badtrip!!! Grrrr!!!

by HolisticMe

Tama si boinkee, mga friends ko rin na lang siguro nagpapanatili sa akin dito! I love you friends!!! Muah! Muah! Muah!

by HolisticMe

@HolisticMe: Who is "JR"? John Regala?

by callboi

2nd anniv ko p nmn today...hayz..pero ramdam nga tlga ung difference noon at ngayon. sna ma promote na si callboi kc parang may interview xa knina nung mapadaan ako :))

by fao

Hahaha! It was a different kind of interview, believe me. I'll tell you about it once it's out. :)

by callboi

Callboi, si JR eh si Jolly-bee. U know him or more clue?

by HolisticMe

Yeah! That was 6 years ago, can you believe it? I've been with PS for 3 yrs and 6 months and I felt the drastic change. And so I happily moved out and find myself with this new company who really offered me a whopping salary...Nagpasampal nalang talaga ko ng pera...I missed the old days...Sadness...I love you Peoplesupport, but you've changed and so I have to let you go...

by tombs07

Sobra na talaga ang pagbabago. Andyan yung manda OT, pati RD manda ot din, pati pto ipapacancel para lang maka pag OT. Haizt.. hirap naman magreklamo baka mapag initan. Bahala na. Bat kaya ganun? Legal ba yun? Haizt..

by boinkee

8 years and counting. true dati tlaga magkakakilala ang mga tao at maiiwan mo ang gamit mo sa station at wlang gagalaw pero not anymore. ang mga bago sa amin di nga ma ere kaso naman ang kalidad... i miss good ol' PS...ano na nga ba si Bong ngayon? reliance?

by Bel

This blog requires you to be a logged in member of Travellerspoint to place comments.

Enter your Travellerspoint login details below

( What's this? )

If you aren't a member of Travellerspoint yet, you can join for free.

Join Travellerspoint