A Travellerspoint blog

Alsalam Alekom to you, too...

all seasons in one day

Dear readers,

I would like to apologize for those of you who have sent me emails and messages to which I haven't responded yet. Panira kasi sa blogging career ang training career ko eh (joke lang, Charity!).

I am deeply touched and humbled by the fact that you took your time to write to me. Kaya nga madalas nagui-guilty ako pag di ako nakapagsulat often dito sa blog ko.

Pero I promise to post more often this year. I swear, magsasawa rin kayo. :)

Here's one email which I really liked, particularly because of the file attachment it came with.

Read on:

Alsalam Alekom. (السلام عليـكم ) (Peace be with you).

Hello Callboi.

Marahil ay hindi mo na ako matatandaan pa. Dati din akong call center agent diyan sa (Ageis) PS at madalas pag dumadaan ka sa tapat namin especially noong A-bay namin ay binabati kita o namin ng aking best friend na si Ava. From the time na nalaman namin ang blogs mo ay sinubaybayan namin ang bawat entries mo. Kasi katulad ng ng sinasabi nila pang-tangal pagod at asar sa mga irate callers. At ngayon bumalik ako dito sa Gitnang Silangan ay pampaalis homesick naman siya. Nakakatuwa ang mga articles mo, nakaka-kiliti dahil sa mga gorgeous hunks, at kung ano-ano pa na pwede mong pang sabihin.

Natutuwa ako sa iyo kasi ramdam ko ang humility mo despite the fact na sikat or kilala ka. Yes, callboi hindi lang sa ating inang bayang Pilipinas kundi halos sa buong mundo (remember your article "International Porn Star #220?) at lalo ka pang nagkaroon ng mga taga-subaybay dito sa Middle East kung saan ako narito ngayon. Pwede na siguro akong magtayo dito ng fans club mo sa dami ng sumusubaybay ng blogs mo kasi nga pampaalis ng homesickness at boredom.

At kahit na mas matanda ako sa iyo, sobrang hanga talaga ako sa iyo. Hindi kaya nagkakagusto na ako sa iyo? (hehehehe...) O dala na rin marahil na iisa ang pinang-galingan natin na probinsiya, Batangas. Dumating din ako sa punto na I start writing my own blog(s). Maaring hindi kasing effective o kasing ganda at husay nang sa iyo kasi iba ang exposure mo diyan plus the fact na talagang napapaligiran ka nang mga taong punong-puno ng buhay at kabataan. Ako dito, gustuhin ko man i-share o isulat ang mga karanasan ay wala akong magandang maibahagi kundi ang mga sexeperience(s) ng mga kaibigan, kakilala kong mga bading at straight people. Isama na rin ang never ending issue of husbands or wives having another spouse (hindi querida ha kasi may mga legal docs sila na makukuha sa walang silbi nating embahada) dito sa ME. Yan, marami yan dito! Gaya na lang ng isang bading na nagkaroon ng ka-sex na 32 young saudis (and mind you ang ga-gwapo nila ha!) in one night. I was there and I witnessed it at hindi exaggeration yan ha! Mga (ilang) babaeng maganda pa ang mga katulong sa Bel-Air Makati na nagbibilang ng lalaki kasi nga walang mapatulan (ang mga lalaking maibog pa sa rabbit) . Ayaw naman pumatol sa bakla. Mga (ilang) lalaking pok-pok na walang ginawa kundi hut-hutan ang mga bayot na baliw sa kanila at kung ano-ano pa. You name it and in this country have it all. Sa madaling salita, nakakalungkot isipin na dito nagkalat ang ilang nating mga kababayan. To balance everything, meron din naman ilang kababayan natin na talagang nakilala sa husay at galing sa kani-kanilang field o trabaho. Ako? I would say I'm in both world. (hahahaha!!!)

Callboi, request naman. Paki-greet mo naman ang friend ko na si Ava na "Happy Birthday" (on November 20-Thursday). Bukod tangi ko kasi siyang kaibigan. And when you see her, will you please do me a big favor? Will you please hug and kiss her for me? Okay? Harmless yan. Ahhahaha…

Sayang nga lamang at hindi tayo nagkaroon ng pagkakataon na maging mag-kaibigan. Pero malay mo sa pag-bakasyon ko next year (at kung nandiyan ka pa sa PS) ay maging lubos tayong maging magka-kilala at maging mag-kaibigan.

Ang sa iyo'y nagmamahal at humahanga.

مــع السلامة


Desert Queen of Arabia

Dear Desert Queen of Arabia,

Thank you thank you for this!

untitled.jpg

Apparently, this is my name in Arabic. She sent this to me.

Ka-touch di ba?

Yours in lust, love, and lechon,

callboi
akosicallboi@gmail.com

Posted by callboi 03:47 Archived in Philippines Tagged gay_travel

Email this entryFacebookStumbleUpon

Table of contents

Comments

Hmmm... Yun lang ang comment ko sa first paragraph. At parang kilala ko itong letter sender na ito. Kung batch ni Ava, ako Trainer.

Oist Bookie! Tapusin mo na Support Site! =P

by chabacz

Eeeee. Antok na ako. :-)

by callboi

touched naman ako. syempre kakilala ko ito. ako si ava eh hahahaha

by ava

waahhh makapunta nga din sa middle east...may call center din b dun?
hahahaha ang landi lang!

by beauice

hi there...

i stumbled upon ur blog by accident and by the time i finished reading one entry i was hooked! actually, fan mo na ako..hehehe...i love all ur chismis and heart sentiments...my team mates and i really enjoy reading ur entry...so keep it up and i'll be waiting for your next entry.. ;)

o btw..i saw u kanina lang...u wer wearing a green striped polo shirt ryt? i was with my friends papunta ng tokyo tokyo..hahaha..don't know if you noticed me, i was the one wearing boots and blue scarf...nywei...tc always..

;)

by purplegal

I remember the boots and blue scarf! hehehe. :)

by callboi

wow! really? dat's cool...
update ka na please.
;)

by purplegal

This blog requires you to be a logged in member of Travellerspoint to place comments.

Enter your Travellerspoint login details below

( What's this? )

If you aren't a member of Travellerspoint yet, you can join for free.

Join Travellerspoint