Rally...
15.12.2008
-17 °C

On the day of my birthday, nagkaroon ng rally sa may Ayala.
At dahil walang local channels ang aking TV, wala akong ka-alam alam sa kung anung isyu ang kanilang pinaglalaban.
So, naisipan kong pakiusapan ang isang kapwa ko trainer na mag-mistulang news correspondent at mag-interview ng mga masa.

Ito ang Aegis-Peoplesupport field reporter na si Marlon.

Nalaman ko na tungkol pala kay Gloria pa rin ang nirereklamo ng taong bayan.

To be honest, medyo sawa na ako sa isyu ni Gloria. Maka-Obama kasi ako.

Alam niyo ba kung bakit naka-pila ang mga taong ito?

Dahil gusto nila ng libreng yellow shirt.

The interview portion:
Marlon: "Ano po ang pinaglalaban niyo ngayon?"
Si Ate: (bumulong sa katabi) "Ano nga ba pinagrarally natin?"
Totoo yan, di niya talaga alam. Walang biro.

Guy With The Microphone: "Ayusin lang po natin ang ating pila para mas mapadali ang pagbagsak ng ating gobyerno."
Again, no joke.

Ito uli si Marlon, kasama nina Mar Roxas, Biazon (na di ko alam ay buhay pa pala) at some other politician.

Nung kunin ko ang pic na ito, sabi ni Mar Roxas dun sa babaeng katabi niya, "Nay, pakibaba ng signboard, di ako makita ng camera."
Shet lang.

Medyo haggard kapag may rally sa Ayala, ano? Sarado ang kalsada, ang hirap kumuha ng sasakyan.
Pero I guess, mas haggard ang corrupt na government.
Posted by callboi 10:42 PM Archived in Gay Travel | Philippines














im first...
haggard tlga rally.. uber trapik..
16.12.2008 by nobodysboi