A Travellerspoint blog

Ambenta ko pala sa Cebu...

all seasons in one day

metro.jpg

dear callboi,

kumusta?

I'm from PS cebu at nagpunta ako sa manila last week para wala lang.. Nagpunta ako dyan sa 5th floor last week pero di kita nakita. Mgpapa-autograph pa naman sana ako or magpapicture kasama ka. Hinanap ko din yung friends ko dyan at makikipagkita sana din ako sa mga email pals ko na taga Elite kaya lang nag ka training daw sila nung time na pumunta ako sa office. So maybe next time na lang.

Nung pumasok ako sa building, kinakabahan ako kasi baka naman di ako papasukin ni manong guard. Mula sa ground floor, nagkukunwari akong confi para di malaman ni manong guard na di pala gumagana ang access card ko dyan. So may-I-sunod na lang muna dun sa agent na naunang pumasok sa office para hindi na ako mg eexplain sa guard. At yun na, nung nasa loob na ako ng office, feeling ko pumasok ako sa ibang account kasi mga nakabitin na kulay orange lang ang nakikita ko na may nakalagay na coaching2x something. Akala ko nasa loob ako ng Von***. Kaya hinanap ko na lang ang airplane na logo. Far-sighted pa naman ako. Kaya nghanap ako ng avaya para tumingin sa directory at hanapin ang friends ko. Nung makita ko ang avaya, nataranta pa ako kasi parang 48 years nang hindi ako nakagamit ng ganyang phone kasi iba yung avaya namin dito sa Skyrise. Kaya parang ngreview pa ako kung pano sya gamitin at finally, after all the pushing of the buttons, nakita ko ang directory at ang phone log in ng friend kong tawagin natin sa name na si Miss CR. Nagkita rin kami at sinabayan ko syang mglunch sa baba.

Napaisip tuloy ako kung papalipat na talaga ako dyan or not. Pero ang saya ha kasi nung araw na pumunta ako ng office, may sumalubong sakin sa Glorietta na nakakagulat na pretty girl representing UNICEF at ini-encourage nya akong mgdonate sa kanila thru credit card. Eh, Im not a big fan of cc kaya sabi ko, pwede cash na lang. Sabi nya hindi daw sila tumatanggap ng cash kasi iniiwasan nilang ma-involve sa corruption or something kaya donation thru cc lang talaga. Sosyal naman si ate. Kaya I invited them na lang to come here to Cebu para dito sila manggulat. Yun din yung araw na may tumalon sa 15th floor ng PLDT bldg. dyan sa may Makati Ave. ba yun? Napadaan kami sa tapat ng PLDT nung nag-abang kami ng jeep. Hindi ko na nakita ang hitsura nya. Nakita ko lang yung puting damiit na may dugo. Ano kaya problema ni ate at lunchbreak na lunchbreak sya tumalon?

Anyway callboi, masaya naman ang experience ko while nandyan ako sa Manila. Namimiss ko na tuloy ang LRT at MRT. Kahit siksikan most of the time, lingaw gihapon. (masaya pa rin) Parang gusto ko na bumalik dyan kasi namimiss ko na yung female voice over sa tren.

Sana magkita na tayo sa susunod na pagpunta ko dyan.

Stay gay and beautiful!

Cebu babe

the_one.jpg

Dear Cebu Babe,

Sayang di tayo nagkita. Ang cute ko pa naman.

Next time, pag pumunta ka rito, dumaan ka sa fifth floor. Imposibleng di mo ko makita sa laki kong ito. Andun lang ako sa pinaka-corner.

Pag sinusuwerte ka nga naman, minsan ka na nga lang pumunta ng Manila, makakakita ka pa ng suicide.

Bakit nga kaya sa lunchbreak tumalon si ate? Ang sad naman.

I've never contemplated suicide. Ever.

I admit, I do get depressed a lot of times pero never naman nag-stray ang thoughts ko towards suicide.

Madalas kasi naiisip ko, kung magpapakamatay ako, hay naku, mahihirapang ang mga taong maghanap ng kabaong na kasya ako.

Magpapapayat muna ako. And then, saka na ako magcocontemplate ng suicide na yan. :)

love, lust, and lechon,

callboi♥
akosicallboi@gmail.com

Posted by callboi 12:07 Archived in Philippines Tagged gay_travel

Email this entryFacebookStumbleUpon

Table of contents

Comments

Ay naku, callboi...
Ang hina ng tolerance mo sa pain noh.. How could you think of hurting yourself?...
Besides, ang dami mong LOVE, LUST AND LECHON na mami-miss pag namatay ka... :)

by aubreybaby

sayang at hindi ka napadaan dito sa cebu, masasarap LECHON dito! libre sana kita! hehehe

by freak_me

ang traya mag pangap ni ate parang agent talaga ah!!!

by NeNaBells

"The incident happened after she took her lunch on the 5th floor of the building when she received a phone call and she had a long conversation on the phone, according to witnesses, before she decided to climb back to the Engineering Office located on the 15th floor, he said. Gatab was said to have suffered from an illness, and her husband recently lost his job."

- sino kaya yung kausap nya bago sya tumalon?

by GingerFerrer

This blog requires you to be a logged in member of Travellerspoint to place comments.

Enter your Travellerspoint login details below

( What's this? )

If you aren't a member of Travellerspoint yet, you can join for free.

Join Travellerspoint