A Travellerspoint blog

Goobye Liempo...

rain

7goodbye.jpg

"Friend, samahan mo akong kumain sa pantry," sabi ko sa isang kabarkada ko, "nagpareserve ako ng liempo kay Manong Food Provider and I am soooo hungry."

"Ok," ang nakangiting sagot ng kaibigan ko.

Totoo, gutom na gutom na ako. Hindi ako makapagconcentrate sa trabaho. Puro pagkain ang nakikita ko. Oddly enough, kahit busog ako, pagkain pa rin ang lagi kong nakikita.

Matakaw talaga ako eh.

Pagkatapos kong painitin ng 2 minuto ang liempo and monggo sa microwave, naupo na ako sa tabi ng friend ko.

Sabik akong naghiwa ng karne at akmang isusubo ko na ng biglang nagsalita ang friend ko:

"Magreresign na ako sa January," sabi niya, nakatingin sa akin ng diretso.

Natigilan ako. Hindi ko naisubo ang pagkain.

Inisip ko, "Please please please Lord sana nagbibiro lang ang luka-lukang to."

Pero halata ko sa mga mata niya na seryoso siya.

"Bakit?" tanong ko na medyo pumipiyok ang boses.

"Ako na ang mag-aasikaso ng negosyo namin eh," sabi niya, "Hindi na kaya ni Mama eh."

Napatingin ako sa liempo sa lamesa.

Kadramahan man pero napaluha na lang ako talaga.

Kasi naman, andami ko ng ka-close na kaibigan ang umalis at iniwan ako dito. Lagi nilang sinasabi na "we'll keep in touch" pero wala rin namang nangyayari.

Tapos, ito pang lukaret na to, na sobrang mahal ko, ang isa pang aalis din.

"Ano ba, wag kang umiyak," sabi niya, naiiyak din siya, "Ayoko ng ganyan. Matagal pa naman eh. Wag na muna nating isipin."

Tahimik lang ako, sumisinghot.

Nakatingin pa rin ako sa liempo.

"Nakakainis ka naman eh," sabi ko, may kasama pang nginig sa boses.

"Bakit?" tanong niya, nagtataka.

"Gutom na gutom na ako tapos ngayon mo pa sinabi sa akin to," sabi ko, na nanlalambot, "hindi ko tuloy makain to."

Natawa na lang ang kaibigan ko.

Haaay.

I'm so tired of saying goodbye to people I love.

Posted by callboi 10:35 Archived in Philippines Tagged gay_travel

Email this entryFacebookStumbleUpon

Table of contents

Comments

Awwww...
Don't be sad, Bookie...
Hindi naman mag-aabroad si friend mo eh. At least you'd still get to see her...
Kaso mababawasan lang ang pictures nya dito sa blog mo kung bihira mo na sya makakasama...
But hey, andito rin naman kami (na nagbibigay sayo ng saya at sakit sa ulo), so wag ka na masyado ma-sad...

by aubreybaby

parang kilala ko yung sinasabi mo bookie, may nagpaalam din kasi saken the other night...sabi nya mag-aasikaso daw sha ng family business, coz her mom can't handle it daw...by january din sabi nya...and she broke the news habang kumakain din kami...na-sad din ako ha... sobrang love ko din sha and she's one of my closest friends here in ps.

by imqtee

dont be sad.. friends come and go... dont worry someone will come and will be a good friend as well...

by Siruj_OWW

it is really sad when friends leave...

knowing you though, i am confident may maga dadating who will fill the gap the iiwanan ni friend mo...

by ava

oo nga kahit dko kilala.. marami naman kami eh!

by mic_mic

buquir... parang may feeling ako kung sino to. friend ko din ata sha. i am emailing her right now at itatanong kung sha nga ito... sana hindi.

by GingerFerrer

This blog requires you to be a logged in member of Travellerspoint to place comments.

Enter your Travellerspoint login details below

( What's this? )

If you aren't a member of Travellerspoint yet, you can join for free.

Join Travellerspoint