A Travellerspoint blog

The Cuteness of Redentor...

sunny

hindi_si_redentor_ito.jpg

"Beks," bulong ni She-ra, habang namamasyal kami, arm in arm, sa operations floor.

"Hmmm?" sagot ko naman.

"Sino yung agent na yun?" ngumuso siya sa isang direksiyon.

"Alin?" tanong ko.

"Ayun oh. Yung nakaputi? Yung malapit sa may photocopy room. Yung chinito," sabi niya.

"Ah, yung newbie? Si Redentor yan," sagot ko, "He's a nice boy. And very cute, if I might add."

"May girlfriend ba siya?" tanong ni She-ra.

"Hmm, hindi ko alam," sabi ko.

"Is he gay?" sabi ni She-ra.

"I thought he was, kaso, a friend of mine swears that he isn't," sabi ko.

"Aber? Bakit daw?" tanong ni She-ra.

"Well, according to my very reliable source, he was making ligaw a girl daw sa training batch nila eh," sagot ko.

"Hmmm-kay, eh waitaminutekatawangmainit, di ba yan ding si Redentor na yan ang nakitang may ka-date na badets sa Starbucks sa Glorietta the other week? At nanunuod pa raw sila ng sine?" tanong ni She-ra.

"We-eeell, that's what I heard. Pero malay mo naman di talaga date ang nangyari. Baka naman date lang yun para sa isa sa kanila, and kay Redentor naman, gimik lang between two friends," sagot ko.

"Gimik mo mukha mo!" sabat ni She-ra.

"Hehehe, pero, feeling ko naman straight siya. Madalas nga daw niyayakap niya yung nililigawan niyang girl sa training class habang natutulog sila sa likod ng room eh," sabat ko rin.

"Ay shets, straight nga," She-ra said.

"Yup, we all know a gay guy would never hug a girl whilst sleeping," I added.

"It's just so... yucky... hugging a girl," sabi ni She-ra.

"I know right," sabi ko naman.

Katahimikan.

"Ang unti na ng cute sa floor noh?" sabi ni She-ra.

"Girl, just you wait, may mga new hires kami sa December. Ipagdasal mo na kay Bathala na biyayaan niya ang account natin ng mga cuties," sabi ko.

"Magpapamisa na ako mamaya," sagot ni She-ra.

"Samahan mo na ng nobena..." sabi ko pa.

"Bakit sa fourth floor, andaming cute?" tanong ni She-ra.

"Baka biased ang HR?" sagot ko.

"Oooor, baka bading ang mga managers sa fourth floor at nag-bribe sila sa HR na doon ilagay sa floor nila ang mga "bookable" new hires!" suhestiyon niya.

Katahimikan uli while we ponder kung anung rason ba at maraming cute na boys ang na-a-assign sa fourth floor.

"Puro lalake na lang ba pag-uusapan natin?" tanong ko.

"Eh anong gusto mong pag-usapan?" tanong ni She-ra.

Katahimikan uli.

"Pasyal tayo sa fourth floor?" tanong ko.

"Tara!" sagot ni She-ra.

Posted by callboi 13:45 Archived in Philippines Tagged gay_travel

Email this entryFacebookStumbleUpon

Table of contents

Comments

Nakita ko sya... pero hindi ko kilala... batch 148 or 149 yan noh?... ahahahaha!

by aubreybaby

ahahhaa minsan lalaki talaga ang spice ng buhay ng mga taga call center.. :P

by umbre

Hindi ako naniniwala... at for me "date" yun kasi na witness talaga, LOL
He reminds me of Jimboy (with the way he dress)
"ako bakla? hindi no. Hello???"

by Q_Amidala

Hahaha! Crazy ka Q_Amidala! Malay mo naman...

by callboi

hehehhee Kilala ko din sya. At malapit lang yung place nya sa place ko kasi pag papunta na ako office ay lagi ko sya nadadaanan sa baba ng building na naka shorts. hahahha cge, i'll try to do more research kung taga dun sya talaga kasi Friend ko yung may ari ng Building.

hahahaha...

Question? HIndi ba pwedeng mag hug yung gay sa girl while sleeping? malay mo, wala silang malisya with each other. di bah? Opinion ko lang yun. hehehe

by Virgin_Boy

I was kidding, marse. :)

by callboi

punta rin kayo sa floor namin.. andammi ding cute... busog ang mga eyes niyo... pero may iba nga naman na mga badets... ehhehe

by Siruj_OWW

Hmmm curious ako kung cnu si redentor hehehehee :P yan kaya ung payat na guy sa service?

by missindia

unfortunately walang gwapo dito sa floor (cebu) walang vitamins sa mata ... hehehe but anyways i dnt care naman din hehehe

tc manila!

by freak_me

I envied you guys (or gays). wahh... You got to work with cute guys. Balik kaya ako diyan? hmmm... :)

Callboi, bigyan mo naman ako ng mga pictures ng mga bago ninyong good looking (male) agents including cute guys from 4th floor.

I'll send you my email add. Tnx in advance.

by addyict

hmmm... anong oras shift niya... baka mas panalo pa siya sa kape pampagising...

by n_dlreyes

hi!..taga 4th floor ako..honga,maraming cuteness dito...pasyal kau..pakilala ko kau sa mga some of the papalicious..pero ung ultimate crush ko nasa RD e..mahilig siguro magbasa..hehe...hotness talaga xa for me..

Merry Christmas callboi!

by 3rdsex

@ 3rdsex - wala ka bang NTLogin na pwede i-share?... ahahaha... clue naman.. baka nasa mugshots ito... ehehehe

by aubreybaby

>>> @ aubreybaby

mugshots?..so,kailangan kong ibigay ung complete name?..heheh...baka mabasa nila..binigyan ko pa naman sila ng link ng blog na to..

kunin ko na lang siguro ung pic nya o nila sa mugshots at baka pwede kong i-send sa email ni callboi..feeling ko friend nman kayo ni callboi e..hehehe

try ko lang ha..syempre,always que ang account na to..by the way,di ko alam ang name ng ultimate crush ko..amf!

peace out

by 3rdsex

@ 3rdsex - oo! friends kami! bookie! wag mo ko i-deny! ahahaha! dali, email mo na kay callboi! :)

by aubreybaby

Ay may cute na taga RD sa kabilang wing ng 5th floor... tee hee!!!

by Q_Amidala

what u think call boi pag ang GUY nagwork sa call centers after few days,weeks,months or years yung letter U nagiging A na! as in GAY... certified true accoring to surveys... hhmmm? hihihi!!! kaya its hard to tell whether a guy is a GUY or a GAY!!! ang gulo ng mundo ng call center! pero in fairness masaya ha kahit mejo showbiz mga sho-o!!!

by mic_mic

OMG, cno yang redentor na yan ha,,

bkit di ko alam yang chismis na yan..???

kidding!!!

sabi ni redentor hindi daw xa bading, curious lng..

cge,iconvince mo muna ako..

grrrrr..

musta kana bookie?..

im in greener pastures na..

kayo dyan?

pasok mo naman ako sa xmas party

by nobodysboi

This blog requires you to be a logged in member of Travellerspoint to place comments.

Enter your Travellerspoint login details below

( What's this? )

If you aren't a member of Travellerspoint yet, you can join for free.

Join Travellerspoint