A Travellerspoint blog

Dear PeopleSupport...

all seasons in one day -17 °C

skel.jpg

Dear PeopleSupport,

Musta ka na?

Ako? Ok naman. Medyo bad trip lang kasi ang liit na naman ng sinuweldo ko.

Pansin ko lang ha, laging tama yung bawas na withholding tax sa akin, pero parang laging may maling absent o deduction na ibinawas din sa sweldo ko. Sa laki ng tax deduction ko every year, I'm sure somewhere in EDSA, an overpass is named after me.

Haaay. Halos anim na taon ko ding nararanasan yan. Pero hanggang ngayon, di pa rin ako sanay.

Sabi ng Finance Dep, lagi daw kasi mali yung logs ko. Marami daw akong "Failure to log-in or log-out" na incidents.

Pero alam mo ba, PeopleSupport, imposible yun. Kasi lagi naman akong on-time mag-log in and out. Everytime mag-lologout nga lang ako sa PC, "In" pa rin ang status ko.

Siguro kasi laging lampas sa sampung oras ako nandito sa loob mo, PeopleSupport.

Alam mo ba, kanina, pag-pasok ko sa lobby, sabi ni Manong John Lloyd Guard sa akin, "Hello Ryan! Ang aga mo ah! Di ka na naman makatulog noh?"

Ngumiti lang ako. Gusto ko sanang tanungin si Manong John Lloyd kung totoo ba yung balitang narinig ko na rumarampa daw siya sa mga Gay Beauty Pageants sa probinsiya nila. Kaso baka ma-offend siya.

Nung isang araw, dyan sa may ground floor lobby, may babaeng naka-cocktail outfit (!) ang namimigay ng free samples ng Axe perfume. Inalok niya ang lahat ng dumaan except for me.

Bakit kaya? At bakit Axe ang napili mo, PeopleSupport? Eh di hamak namang mas mabango ang Johnson's Baby Cologne kesa sa Axe na paminsan ay amoy pawis ng Arabo?

Sana next time, pagkain naman ang mga freebies na ipamigay sa lobby, PeopleSupport. Yung pampagising ba? Ok na yung libreng kwek-kwek.

Matanong ko nga pala, saan kaya ang Company Year-End Party mo ngayong December? Sana sa magandang lugar naman. Hindi katulad nung last year, sa Folk Arts Theater. Ang init!

Although last year, nasa backstage ako kasi inaasikaso ko si Marife, yung representative ng account namin sa company singing contest (nanalo nga pala siya).

Ang chaka nung dressing room. Butas yung kisame tapos may tumutulo na tubig. Nakakahiya tuloy kay Kyla (isa sa mga guest singers) nung pumasok siya. Muntik na siyang madulas. Curious ako: anung apelyido ni Kyla? Wala lang.

Sana this year, mas maganda. Mas magarbo. Mas fabulous ang party. Tsaka sana mas masarap ang food. Last year kasi may kasamang rainbow tasty bread sa menu. Yakeee.

Naku, PeopleSupport, pag-daan ko nga pala sa lobby kanina, andami kong nakitang nag-aapply. Sikat ka pa rin talaga. Pero marami sa nag-aapply eh bading.

At malamang, sa account namin sila mapupunta. Requirement na yata ng account namin na bading ang mga aplikante eh. Siguro, without any hint of exaggeration, mga 60% ng kalalakihan dito sa account namin eh bading. Bakit nga kaya dumadami ang bading sa mundo? Not that I don't like it, it's just that I'm curious.

Lahat na yata ng klase ng bading andito sa account namin sa 5th floor. May bading na paminta. May bading na parlorista. At meron ding bading na maskulado. Ang saya-saya talaga dito sa 5th. Para ka lang nasa Malate. Without the alcohol and the bookable boys.

Paminsan, naiisip ko kung hanggang kelan ba ako dito sa piling mo, PeopleSupport. Andami ng nangyari sa akin dito sa poder mo. Maganda at pangit, nangyari ng lahat.

Feeling ko naman, as long as you'll have me, dito muna ako.

Naks. Kilig ka naman.

Pero favor lang ha, ayusin mo naman yung payslip ko. Andaming maling bawas eh.

Love,

callboi♥

Posted by callboi 04:00 Archived in Philippines Tagged gay_travel

Email this entryFacebookStumbleUpon

Table of contents

Comments

maybe one of the reason kung bakit malaki ang deduction mo is..super laki na ng sahod mo..

wait..nakailang annual appraisal ka na ba?!hehe
charing lang!

re: sa puro bading sa E****ia
korek ka dyan..kasi dyan sa account na yan din ako nagmula..

at sa HR din ng PS,
oo nga..
sana ayusin nyo naman ang year-end party..
well, siguro don't expect too much na nga lang..
kasi nga naman nagtitipid..

naisip ko lang,
sa ibang call center kaya,
calendaryo rin lang ang mga xmas giveaways? :P

by kneeples

Buquir wag ka na malungkot... Cheer up Buquir :) ganito na lang isipin mo
1. Mali mali ang ginagawang pagbabawas sayo -- at least may nababawas sa iyo ibig sabihin may Job ka pa rin :) bah if ur interested eh you can check the rate ng unemployed sa Pilipinas at masasabi mo na swerte ka pa rin hihihihii :p
2. Hindi ka inalok ng Axe -- kasi akala nya eh babae ka :)
3. Si Manong John Lloyd jumoin sa Ms. Gay? -- Sana tinanong mo pa rin taz tanong mo na rin cnung artista ang ginagaya nya hehehehe :)
4. Freebies -- good suggestion OO nga dpat fud nmn mas keri pa un o kaya shampoo,sabon,toothpaste pero pinaka keri Damit hihihihii :p
5. Year End Party -- OO nga sana mas bongga at kabog na party :) i elevate nmn natin ng konti cguro keri na sa PICC Plenary Hall hahaha echusa :p
6. Bakla -- naku Buquir sa kol cntr na talaga naglipana ang mga bakla kasi malaki ang sahod masusunod ang mga luho hehehehe
7. Gays sa Acct -- Kaloka dami na nga talaga bakla sa acct natin from agents up to managers hahahahaa..ang tanong ko bkt ang Tomboy konti?
8. Loyalty -- sana Buquir mag stay ka pa dito as PS kc dami makaka miss sau and sa Blog mo nd alam mo ba na pag cnabi ung name ng acct natin eh parang ganito ang drama "ah churva acct kung san connected si Buquir" taray lng dibah hehehee

masyado ba mahaba? pasensya na nag enjoy lng hihihihi

by missindia

Amen! Hahaha! Thanks girls!

by callboi

nagustuhan ko yung pic! :) san ka nakakakuha ng cool pics for your blog? masyado lang ata ako tamad maghanap for mine. hehe. anyway, ang mga maling deductions sa payslip ay kasing normal na ng araw-araw nating pagpasok sa opisina. grrr.

by mike_test

CALUMPAD...yan po ang surname ni Kyla...Melanie Calumpad po kasi ang name nya...hehe..trivia..

by mesofab

beke, miss you...

by parteeboi

Hi Cboy,

nabalitaan mo ba yung nahuling manager na lasing daw sa lobby kaninang madaling araw?

by mr.hr

Hahaha! Aylavet! Sino itetch???

by callboi

clues:
-bagong manager sa HR
-laos na
-feeling gwapo

by mr.hr

OMG!
Mukhang may idea na ako..
Siya lang naman ata ang bago sa HR..

THANK GOD IT'S FRIDAY. GIMIK TIME!

by kneeples

Dyosko, totoo pala ang mga balita tungkol sa kaniya...

by callboi

hindi sa folk arts ang xmas party... promise! ;)

by hr me

syempre ispeysial mention ako sa blog mo!! sana nga lang di nakalimutan ni PS na may utang pa sya sa akin no!!! hay naku kaasar talaga!!at sana managot ang dapat managot sa mga bagay bagay!hmp!

by mic_mic

sana nga hindi sa folk arts..
sa HR:
sana mga gwapo naman ilagay nyo sa account namin dito sa 3rd floor.. gwapo at straight.. meron dito ok na kaso bading pala.. tapos meron din mga kamag anak ni aiza seguerra.. i have nothing against lesbos and gay.. in fact i love them.. nakakaloka lang kasi ang dami na talaga nila.. lurve it..

hr, don't forget ha.. yung mga gwapo at straight guys naman..

by bitchyme

ahaha!! hi cboi. bagong fan mo ko. jan lang ako sa stc sa 4rth hehehe..
sayang nahuli na ng IT ang proxy sa internet namin.
di na tuloy ako makpag basa ng blogs mo sa ofc..

by alleycat

This blog requires you to be a logged in member of Travellerspoint to place comments.

Enter your Travellerspoint login details below

( What's this? )

If you aren't a member of Travellerspoint yet, you can join for free.

Join Travellerspoint