A Travellerspoint blog

Let's Talk Dirty...

sunny

seduce1.jpg

Dear Ate Bookie,

Una sa lahat, magandang umaga sa'yo at sa iyong mga trainees. Sana'y nasa maaliwalas na kalagayan ang iyong mga baby fats.

Ako po ay isang empleyado ng parehong kompanyang iyong pinapasukan, at sa pareho ding account although nasa isang arm po ako at hindi email po. No, hindi po related sa magiging pagbabago sa pangalan ng kompanya to Aegis PeopleSupport ang problema ko. Pero, hopefully mapagpapayuhan mo pa rin ako.

Hindi ko po alam kung isa itong sumpa o gift na maituturing, pero simula pa po noong magbinatilyo ako (which is a few years ago..... or so) naging lapitin na po ako ng mga bading at mga pokpok (hindi naman yung talagang nagbebenta ng panandaliang aliw kundi yung mga medyo easy to get ba). Wala po akong problema doon, except noong una. Kasi sabi nila pag gustuhin ka daw ng mga bading either gwapo ka daw talaga o kaya bading din ang tingin nila sa'yo; at alam ko namang hindi ako gwapo kaya it sort of bothered me for sometime. Then I got over it as I figured I am confident about my sexuality.

Sa ngayon po ay maligaya ako sa married life at mahal na mahal ko po ang asawa ko. Pero sa mahigit dalawang taon kong pagtatrabaho dito, medyo may mga tukso na paminsan-minsan ay dumarating, at sa kabutihang palad naman ay nalalagpasan ko naman. Alam nyo naman siguro dito sa industry natin ay marami ang mga liberated ang pananaw patungkol sa sex-life. Meron akong ka-team mate na lagi-lagi nang nakikipag-flirt sa akin, which I previously have taken for granted kasi alam naman nila na I am happily married and that I do love my wife so much, at dahil din sa karaniwang she makes a pass on me pag may ibang tao lang.

umbrella.jpg

Ngunit datapwa't subalit, itong mga nakaraang araw, ay medyo nag-iiba na ang ihip ng hangin. Me mga confessions syang inemail sa akin (webmail po, hindi company email) at mga indecent proposals pang kasama. Now, this of course puts her teasing me into new light as she have rather become more aggressive. Meron kasi kaming upcoming team building and she is sort of trying to tell me not to bring my wife for us to have time to be together. Sa ngayon, tinatrato kong parang mga biro pa rin ang mga messages nya despite her insisting that she is serious about it.

Kailangan ko lang po ng payo regarding sa decision na gagawin ko. Kasi po sa kanyang proposal ay one night stand lang daw ito and she also is set to marry her boyfriend comes December. Dapat ko ba syang pagkatiwalaan at pagbigyan? Dahil sa totoo lang ay medyo bumibigay na din ako. Sexy po at maganda ang asawa ko, at ganun din po ang babaeng ito. Habang lumalapit ang araw ng team building namin ay lalo akong nato-torment dahil sa kinukulit nya na ako. I have tried weighing both the pros and the cons, pero nananaig pa rin ang konsensya at moralidad ko. Although minsan naman ay medyo nadadarang na rin ako pag medyo may init akong nararamdaman sa katawan. Isa sa pinagpipilian kong options ay pagbigyan siya na magkasarinlan kami, pero hindi mangyayari ang dapat mangyari; bagkos ay kakausapin ko siya at ipapabatid kung gaano ko kamahal ang asawa ko at ayokong dungisan ang aming pagsasama.

Maraming salamat po sa maipapayo nyo. Sana po ay pagpalain kayo ng Poong Maykapal at bigyan ng one-year supply ng sari-saring talong at hotdogs.

Sumasainyo sa hirap at sarap,

Hotdog Na Nadadarang Sa Bonfire

seduce2.jpg

Dear Hotdog,

Salamat sa pangungumusta mo sa aking mga baby fats. Mabuti naman sila. Lalong lumulusog. Kamusta rin daw.

In a weird sense, pareho tayo. Lapitin ng mga pokpok. Ang pagkakaiba nga lang, sa akin, totoong mga pokpok ang lumalapit. Alam mo ba, dalawang beses na akong nilapitan at inalok ng panandaliang aliw sa Malate ng mga callboy? Isang beses lang akong tumanggi. Joke lang. :)

Alam mo, pag lapitin ka ng mga bading, dapat matuwa ka. Ibig sabihin mukha kang pumapatol ng bading. Ooops. I mean, ibig sabihin nun may itsura ka. Pero sabi nga nila, lahat naman tayo may itsura eh. May mga iba nga lang na kakaiba ang itsura. Kung confident ka na straight ka, eh di magaling! :) Ako nga paminsan nacoconfuse pa rin kung bading ba ako o hindi eh. During times like that, I just take a look at a picture of my crush, Victor Basa, and then nawawala lahat ng doubts ko, ahihihi. Nawawala rin ang urbanidad ko.

Your story reminds me of this article I read sa Inquirer which claimed na ang mga call centers daw ay havens of adultery and other illicit love affairs.

Nung nabasa ko yon, naisip ko bigla ang lahat ng mga tsismis na narinig ko about agents and supervisors and yes, even managers having inter-office relationships with each other.

Ang tanong: Bakit, sa call centers lang ba nangyayari ang mga ganito? I’m sure kahit saang office environment may mga ganyang issue, mula sa mga bangko hanggang sa mga kusina ng Mcdo.

Mabalik tayo sa issue mo. You say you have this teammate na kating-kati na sa iyo. And you are starting to weaken against her sexual advances, right? And it all boils down to the team outing na kung saan kinakabahan kang magaganap ang di dapat maganap?

Ang totoo, alam nating lahat na ang sagot ay NO. Kung mahal mo ang asawa mo, makakayanan mong tiisin ang tukso.

Pero ang totoo rin, alam nating lahat na ang sarap matukso. Sino ba namang gago ang magsasabi na hindi masaya at ubod ng sarap ang ma-seduce ng isang taong may karapatang mang-seduce?

Masaya siya pero mahirap. And ultimately, you are but human. Natural na matukso ka. Don’t think too badly of yourself for being tempted. Men are often ruled by that thing between their legs. And I’m not talking about balls here.

Ang hindi natural eh yung patulan ang mga ganyang temptation. We are measured by the temptations we refuse to succumb to, I always say.

Sa environment natin dito sa opisina, madali tayong makalimot. It’s like we’re totally disconnected from the outside world and the people around us become our second family… and in some cases, our lovers.

Hindi mahirap isipin na matutukso ka sa isang taong lagi mong kasama. Pero mahirap isipin na papatulan mo ang ganyang tao kung meron ka namang asawa na maganda at sexy, as you said.

Tsong, siguro nga dapat kausapin mo na ng masinsinan yang babaeng yan. Sa pantry kung saan maraming tao ha. Wag dun sa pribadong lugar. Baka kung ano pa mangyari. Kung kelangan mo ng chaperone, sabihan mo lang ako. Sasama ako, may dala pang notepad. Para makapag-take notes ako, ahehehe.

In regards to your team outing, sumama ka pa rin. Masaya yan. Pero iwasan mo na lang siya. Stick to the group para walang tukso. And DON’T GET DRUNK.

Other than that, I’m sure you’ll do fine. Or I may be wrong and you’ll do her, instead.

Either way, I can only remind you na lust is natural. Nothing to be ashamed of. Pero ang pagpatol sa iba? That’s something totally different.

Yours in lust, love, and lechon,

callboi♥
akosicallboi@gmail.com

Posted by callboi 03:57 Archived in Philippines Tagged gay_travel

Email this entryFacebookStumbleUpon

Table of contents

Comments

And DON’T GET DRUNK. <- hindi ata applicable syo ito. nung huli kitang nakitang lasing ikaw ay... di ko na itutuloy... hehehehe...

by zeroid

Di na ako tulad ng dati pag nalalasing noh! Hahahaha!

by callboi

great blog hehe

oo nga nman.bkit ba porket call centre eh haven n ng adultery and other illicit acts? ds thing happen anywer...

anyways..as for you hotdog, u really love your wife and value her and morality as well. the fact that ur taking means to avoid committing sins, is a manifestation that your really a man. goodluck sau.

by umbre

Haaay cguro masarap ang hotdog mo kaya ganyan na lang yang babaita na iyan na matikman ka hahahahaa :) well kung ako sau stick to your morality and sa love mo sa wife mo kc pag nagkatikiman kayo you can never tell kung hanggang dun na nga lang un sabi nga sa matandang kasabihan "Curiosity kills the cat"

by missindia

in fairview this blog should be called the timid and shy yet dirrty blog....hahaha and bookie friend ba kayo ni mam charo santos....parang mmk lang itong entry mo ha......to hotdog-masarap matukso pero mas masarap ang feeling pagnaresist mo ang temptation...kipsafe...mwah

by d'poet

hotdog,

here you are telling the whole world that you love your wife but then again, you're starting to give in to temptations. that's a lil bit contradicting. syempre kung mahal mo talaga siya, being unfaithful or just the thought of being unfaithful to her should be the last thing that you should do.

as per the babaita na makati pa sa gabing bikol, sabihan mo na lang na magpahid ng combined powers ng caladryl, tinactin, trosyd, canesten, katialis at iba pang pamatid-kati jan!

by chekwa28

Harsh! :)

by callboi

nasa sau yan, Hotdog. But with what you said, na mahal mo ung asawa mo so then the decision is clear.

just my .02... :)

by wyteboard1

actually call center is a place where anything and everything happens.a true to life reality show, literally speaking hehehe. sana nga mag feature si kuya sa PBB ng isang callcenter life sa loob ng bahay niya hehehe. yung tipong sa loob sila magtatawag diba. har har har.

and for you hot dog kung anu ang nasa puso mo sundin mo. kasi kahit sabiin namin na huwag kung gagawin mo pa rin wala din kaming magagawa. pero yun sundin mo pa rin payo ni bookie. hehehe. isipin mo nalng biro lang lahat yun at huwag mong seryosohin baka may hidden agenda pa siya, at gamitin niya yan para maghiwalay kayo ng asawa mo. sa bading ka nalang kasi di yan nabubuntis. hehehehe. diba guys.... hehehe ciao...

by jhulz

hotdog,

isa lang ang pumasok sa isip ko nung nabasa ko ang e-mail mo ke buquir, yung guy na pinatay ng asawa ng kalaguyo nya sa floor. Binaril siya sa ops floor mismo. Taga ibang callcenter sila jan sa may JG Summit.

If you really love your wife, take her to the team building with you. Sexy naman pala asawa mo at maganda, i-flaunt mo! (at kahit hindi sha sexy at maganda, i-flaunt mo parin, asawa mo yun eh!) I mean, kung sakaling may mangyari sa inyo ng team mate mong may indecent proposal sayo, do you honestly think that it wont change your relationship with your wife?

Lust lang yan. Iligo mo lang yan. ;)

by GingerFerrer

hmmmmm....parang masarap at exciting ang maging unfaithful sometimes

go hotdog..share ur meat..heheh

joke!..pero mejo totoo..hehheh

by 3rdsex

hotdog, gusto mo sa bahay ka matulog mamaya? may jacuzzi dun...hihilotin kita, titirik ang mga mata mo, mag ste strecth ang mga tuhod mo, pag gising mo may pera ka na. Wala ka nang hahanapin sa akin. Magpakabait ka lang. wahahahaha.
nalibugan ka ba sa akin hotdog...patikim ng hotdog!!!

ano ba, ganyan ba mag email si ka officemate mo? at sinusurrender mo na ang love mo for your wife, anu ka ba, batukan kita dyan e. lika ka nga, pa kiss hehehe. think a million times before you do it. you dont know her intentions after may mangyari sa inyo sa team outing nyo. kung ako sa iyo, sa akin ka na lang, may maiuuwi ka pang pera sa missis mo, negotiable naman ang mga packages ko eh. name it!

pinapatawa lang kita.

josh ko ha, sa bakla ka pa nag ask ng advice, bakla ka talaga hotdog. wala ka bang friends na straight?

by crownqueer

i wud agree to crownqueen, what's next is always what's next, and noone can entirely say what is in store afterwards, this is a critical unknown blackhole if you give in. hehehe. i cannot believe this, nakikiadvise na rin ako.

callgirl, i like your advise fren. penge pix ni hotdog, and i will bayis while looking at it.
hehehe.

by parteeboi

Oist hotdog,

ara sumulat ka at hingi ng payo? Ano beh? Gusto mo lang pag usapan ka! E mail mo si maharot na team mate at sabihin na tigilan ang e mail or else you’re going to file ASH against her. Tapos sama mo asawa mo sa team building para Makita nya na you mean business.

sabi ni chekwa28 - just the thought of being unfaithful to her should be the last thing that you should do. Ang sabi ko naman - just because a man is married does not mean that he’s dead, Men can and will think about being unfaithful but it takes a real man to avoid the temptation and be faithful to his wife.

Hi Buquir :) Mwuah!!!!

by Mrs. B

ahahaha! hindi naman sa gusto kong mapag-usapan. i am a fan of callboi here and have been reading his posts for some months now. ang problema kasi kung ihihingi ko ito ng payo sa mga kaibigan ko, either straight or gay, hindi malayong mangyari na makarating ito sa misis ko. bookie here doesn't have a bit of an idea who i am. isa pa, sa palagay ko kasi makaka-relate si bookie dahil nga nandito sya sa parehong company and industry.

by squirmy

isa pa nga pala, kung hihingi naman ako ng payo sa mga kaibigan ko who are straight men, alam kong iisa lang ang payo nila-- to go right ahead and have the one night stand.

by squirmy

ano ba naman ang friends mo.. i know that 90% of men are vile and morally bankcrupt but there are a few who would give you sound advice.

the answer is simple, if you love your wife, don't do it. yun lang. just put it this way, if she had a one night stand with her co-worker, how would you feel? would you be able to forgive her? isa pa, if you do go through with it, will it really end in that team outing? sabi nga, kung ayaw maghanap, wag tumikim ng masarap! Ü

at sa talipandas na babaeng yan na parang hinigad ang keps, magkape ka naman ng magkaron ka ng nerbyos!

naku hotdog, ikaw rin, baka ikaw na ang susunod na blind item ni bookie! hehe..

by Unknown

katuwa naman nito..si buqueer na ang bagong helen vela..charos!

hotdog,

if you really love your wife, do not do it.
respect your family.

tska isa pa, let's say ndi ka nakabili ng caladryl
and kinati ka at pinatulan mo yang si flirty girlie, you think after ng may mangyari sa inyo, ganun na lang..

it does not end there buddy..masusundan at masusundan yan..

konti na lang ang matinong pamilyadong lalake,
wag mo ng bawasan..

cheers!

by kneeples

thank you sa mga payo. i do know what to do, and i just need a little encouragement.

by squirmy

encouragement ba ika mo?... GO! GO! GO!.. ayan encouragement yan.. unless you meant something else. :)

by playboi

Squirmy wag ka na dun sa gurl kasi nde mo alam san magtatapos un kung talagang gus2 mo tumikim ng ibang putahe kay Buquir ka na lang "Sing sarap pero di sing mahal" bweheheheeh :)

by missindia

Amen!

by callboi

it is very true that pag pinatulan mo di magtatapos dyan, naka relate ako parang lalake na pag natikman mo na, parang utang mo na buhay mo sa kanya. you can do it safe pero pagkatapos, remember you work in the same office, pag tinawag ka nyan, di ka na makatanggi and dyan na mangyayari ang next level of landian. nakaka addict na. and without you knowing it, unti unti nang nagugulo buhay mo! sa akin ka na lang hotdog, may foundation ako at certified bona kid ako! hahahaha!!!!!!

di ba buquir!

by lelang

Kuya just a little reminder na imbes mambabae, mambakla ka na lng sing sarap pero di sing mahal. madami pang choices!!!
wahehehehe

by NeNaBells

This blog requires you to be a logged in member of Travellerspoint to place comments.

Enter your Travellerspoint login details below

( What's this? )

If you aren't a member of Travellerspoint yet, you can join for free.

Join Travellerspoint