A Travellerspoint blog

Ms. Dubai...

sunny

dubai1.jpg

callboi: andami kong nakukuhang emails from Dubai. Pinagkakalat siguro nung ex kong arabo ang blog ko. Echos! This is one of my favorite emails.

dear callboi,

isa ako sa mga fans mu dito sa Dubai. grabe sikat na sikat talga ang beauty mu! fyi - napapasaya mu kaming 2 ng officemate ko pag sobrang petix sa work... minsan bigla na lang kaming tumatawa at ikaw ang may kasalanan - kapag napagalitan kami ng boss namin dito ikaw ang ituturo namin! :)

oh well papel, salamat at may oras ka pang i-update ang napakamakasaysayang blog na to. malungkot nga kami pag wala ka kagad update - so kelangan everyday my entry ka ha para di nman kami malungkot.

kinakalat ko na rin nga pala 'tong blog mu sa filipino community kahit sa multiply ko kasama to - check mu pa http://jenzkiedo.multiply.com/links/item/1 - oh diba bongga! :)

mabuhay ang lahi mu callboi! pag umuwi ako ng pinas may pasalubong ka sakin!

loving you na,

kisapmata

ps.

  • para kay kim - hi kim!!! si sir Musa nasa likod mu na tawa ka ng tawa hahha!

Dear kisapmata,

Mabu-heyheyhey!

Salamat sa email mo. Because I took the time to post this blog, hindi ako nakapagtrabaho ng maayos. Kaya pag pinagalitan ako ng sup ko, or inisyuhan niya ako ng warning, kasalanan mo bruha ka. :)

Alam mo, naranasan ko na rin yang mapagalitan ng management dahil sa kakatawa sa floor. Eh kasi naman, yung tawa ko, pang-madyongera na may kabit na driver. Kulang na lang, may hawak akong glass of wine habang tumatawa. Ansagwa di ba?

Pero pwera sa biro, andami kong dating ka-trabaho na nandyan sa Dubai. Baka kilala mo. Si Chuck? Kilala mo ba si Chuck? Maliit siya na kulay brown na lalaki. Nakita mo ba siya dyan? Mahilig siyang kumanta ng mga lumang kanta ng Menudo at ng Hanson. Baka may nakasabay ka sa videoke-han diyan na katulad ni Chuck. Pakisabi naman sa kaniya "Hello".

Pag nakita mo siya, sabihan mo naman siya ibili niya ako ng laptop kasi pagod na pagod na ako sa paggagawa ng blog sa office lang eh.

Gusto ko namang subukan mag-blog sa Starbucks, sa Coffee Bean, or even sa 7-11. Para sosyal ba?

Anyways, ingat ka diyan sa Dubai. Sana pag-uwi mo, may pasalubong ka sa aking danggit or whatever it is na specialty ng Dubai.

Hello na rin sa Filipino community diyan, at kay Kim (Hi rin Kim!) at kay Sir Musa (Hello Sir!).

Yours in lust and love. as always,

callboi♥
akosicallboi@gmail.com

Posted by callboi 10:01 Archived in Philippines Tagged gay_travel

Email this entryFacebookStumbleUpon

Table of contents

Comments

bookie,

ang kim na special mention eh yung same kim na kakilala mo from ps before and yung kasa kasama rin ni julien. small world!!!

lam mo ba na pati sis ni kim eh fan na rin ng blog mo. part timer naman yun sa covergys cebu before pero nursing student talaga sia. kuwela daw sobra ang blog mo.

by kisapmata

hi din daw sabi ni mr. musa...:)

by kisapmata

Ay, si Kim pala yun. Hi uli Kim! Hi na rin Mr. Musa! I love you Mr. Musa!

by callboi

This blog requires you to be a logged in member of Travellerspoint to place comments.

Enter your Travellerspoint login details below

( What's this? )

If you aren't a member of Travellerspoint yet, you can join for free.

Join Travellerspoint