A Travellerspoint blog

Things that make you go ngek...

sunny

vag1.jpg

1) Sumakay ako sa bus papunta sa office. Pagpasok ko, nakatingin sa akin ang karamihan ng mga pasahero. Feeling ko naman ang ganda-ganda ko kasi bagong gupit ako at bagong ahit. Tapos, suot ko pa yung bagong t-shirt ko. Naka-Johnson's Baby Cologne pa ako. Feeling ko instant cuteness ang dating ko.

Nakangiti akong naupo sa tabi ng dalawang teenager na babae. Medyo masikip pero keri na kasi wala ng ibang maupuan.

Tumingin sa akin ang babaeng nasa tabi ko. Pagkatapos bumulong sa kaibigan niya:

"Ang taba ng katabi ko..." bulong ng loka. Sana pag bumulong tayo hindi naririnig ng iba, di ba?

Out of the corner of my eye, nakita kong tumingin sa akin ang kaibigan niya. Bumulong din:

"Oo nga, ang taba," sabi naman niya.

Sheeeets. Ansarap mang-away.

2) Sumakay ako ng elevator pababa, kakatapos lang ng shift ko. May isa pa akong agent na kasama sa elevator.

Maliit siyang babae. Kamukha ni Aiza Seguerra na naka-make up.

Tumitingin siya sa akin. Pagdating sa third floor, di na siya nakatiis.

"Ikaw yung nagba-blog sa 5th floor di ba? Yung taga-email team?" tanong niya.

Flattered naman ako. Nakikilala na ako ng mga strangers.

Nagfeeling pa ako na mahaba ang buhok kasi may-I-hawi ako ng imaginary hair, "Oo, ako nga yun," sabi ko ng nakangiti ng matamis. Parang si Sharon lang.

Ngumiti siya, sabay sabi ng "Ang taba mo pala talaga no?"

Napawi ang ngiti ko.

3) Nakasalubong ko ang isang kaibigan nung pumunta ako sa smoking area.

"Huy, kanina pa kitang umaga hinahanap!" ang bati niya sa akin.

"Ha? Bakit?" tanong ko.

"May nasusunog kasi na building dun eh," sagot niya, "Ipapa-blog ko sana sa iyo."

Di ako nakasagot. Para na pala akong tabloid.

ngekitty.jpg

Posted by callboi 4:09 AM Archived in Gay Travel | Philippines

Email this entryFacebookStumbleUponRedditDel.icio.usIloho

Table of Contents

Comments

natatawa ako.. hehehehee
sikat mo!

16.06.2008 by angging

OO nga queer, ang taba mo nga.. hehehehehe! First poster na naman! oo nga pala... i-blog mo din yung kidnapping ni Ces Oreña-Drilon... para may social relevance... hehehehehe!

I still miss you!

13.06.2008 by NYBadette

Bukee,
Hi daw syo sabi ng katabi ko..teehee! Ü

13.06.2008 by Q_Amidala

akala ko Big Boned ka lang e!

13.06.2008 by playboi

funny. hahaha

13.06.2008 by kulutero

magandang topic ung "things that make you horny" :) i'm sure maraming magcocomment dun. hehehe.

13.06.2008 by kulutero

i have a problem, can someone help me please?

13.06.2008 by kulutero

what's ur problem? im interested.

14.06.2008 by royalty

Me too royalty, i would like to help... Magpapaka-Helen Vela ako at makapag-bigay ng advice... as always, bawal humingi ng pera at wala akong alam sa pagpapatakbo ng isang parlor... :)

14.06.2008 by NYBadette

NYBadette.. Jurassic na si Helen Vela.. Charo Santos na or Mel Tiangco ang namimigay ng payo. :)

14.06.2008 by playboi

Hi Buqui!

15.06.2008 by FranccoZU

Honey, kapanahunan ko si Helen Vela... ganyan na ako katanda... hehehehe!

15.06.2008 by NYBadette

@NYBadette, knowing Helen Vela means we're old? Shets.

@kulutero, Aber, anong problema?

@playboi, honey, you're not that young, either.

@FranccoZU, OMG, bakla. Pati ikaw andito na.

16.06.2008 by callboi

@francozu = hay ako din may problem?.. huhuhu

@callboi = ur not fat!!!

16.06.2008 by nobodysboi

bookie, people nowadays don't know how to appreciate the perfection of "plumpness" or "chunkiness"... they fail to realize that these flabs are worth years to perfect and cost a lot of hard-earned money to achieve. ;o)

16.06.2008 by aubreybaby

sigh... how true...

16.06.2008 by callboi

nobodysboi, let me quote u lang ha "callboi = ur not fat!!!"..... so anung tawag sa kanya? chubby lang???

17.06.2008 by playboi

cguro, ayw ko xe 2mtwg ng tao ng mataba!!!

17.06.2008 by nobodysboi

@nobodysboi: aaw, that's sweet.

@playboi: pekpek mo green.

17.06.2008 by callboi

thanks callboi.. how's pumpkin?

17.06.2008 by nobodysboi

playboi is pumpkin.

17.06.2008 by callboi

@callboi = AHA!!! stoopid? kaya pla..

@playboi = how's edison?

17.06.2008 by nobodysboi

bwiset ka akala ko secret dapat ang identity.. pwet mo walang butas!!!

17.06.2008 by playboi

pwet mo may raisins...

17.06.2008 by callboi

mukha kang pwet!

17.06.2008 by playboi

pwet talks?..

kal ko vagina monologue lng and penis talks?

17.06.2008 by nobodysboi

nobodysboi, maganda yatang gawing broadway show iyan... PWET TALKS! The broadway sensation! Staring CALLBOI and PLAYBOI! With the special participation of NOBODYSBOI!

17.06.2008 by NYBadette

BONGGANG BONGA YAN

TOPICS TO BE DISCUSSED:

= THE CRACK ARGUMENT

= HOW TO BE ASS EASE..

TSKA

= DARLIN MAKE ME HOLE?

17.06.2008 by nobodysboi

san na yong blog about me?

20.06.2008 by parteeboi

oiparteeboi, gmik tyo? wla ata c eds nsa baguio?

20.06.2008 by nobodysboi

buquee, hindi ka na talaga ma reach. ikaw na ang replacement ko sa gucci gang. hahaha!!!

25.06.2008 by honeybfly

This blog requires you to be a logged in member of Travellerspoint to place comments.

Enter your Travellerspoint login details below

( What's this? )

If you aren't a member of Travellerspoint yet, you can join for free.

Join Travellerspoint