Pwerta, Lagusan, Butas, at iba pang mga Opening...
12.06.2008

My manager (team manager, not showbiz manager, silly) informed me na may opening na naman ang email team namin for another email agent.
What are the qualifications needed to become an email agent?
Let me enumerate:
1) Kelangan mabait:
Although arguably, marami-rami din sa mga kateam-mates ko ang may ugali. Sino bang wala, di ba?
Ang hahanapin namin na kabaitan mula sa mga aplikante ay yung bait na tipo bang pwedeng utus-utusan.
Sample:
Callboi: Nagugutom ako. Bumaba ka sa Mercury Drug at ibili mo ako ng kakanin.
Newbie: Opo, amo. Ano po ang gusto niyo?
Callboi: Hmmm... bumili ka ng Clover at ng fiber-enriched na pineapple juice.
Newbie: O sige po, akina po ang pera.
Callboi: Anong pera-pera?! Ikaw ang magbayad, tonta!
Newbie: Ay opo, patawad po.
Callboi: At wag mong kalimutan na dapat may i-abot ka pa sa aking sukli pagbalik mo!
Ganung kabaitan ang hinahanap namin, ang pagiging masunurin.
Which, of course, brings me to the second requirement...
2) Dapat makapasa siya sa Hazing ng Email Team:
Hindi naman brutal ang hazing namin sa mga newbies eh.
Naalala ko nuon, pinagbihis namin ng school uniform yung mga newbies sa team tapos pinaikot ikot namin sa buong floor.
Ang plano namin this year, dapat mag-gawa ng production number ang mga newbies. Parang That's Entertainment lang tuwing Sabado.
Wala silang budget para sa costumes and set designs. Ang pwede lang nilang gamitin ay ang mga libreng stirrer ng kape sa pantry at tissue.
Diyan namin masusubukan ang pagiging resourceful nila. Hindi ko alam kung anong kinalaman ng production number sa pag-email pero am sure masaya siyang panuorin.
3) Kelangan may itsura:
It would be a bonus kung ganito ang itsura ng mga boys na mag-a-apply sa team namin:

Suggestion lang naman ang pic sa ibabaw. Ok lang sa team namin na topless sila lagi. Bonus din kung touchy-feely sila sa mga ka-team nila. Pwede rin naman yung mga ganito para simple lang:

Walang masamang mangarap, dear readers...
Kung babae kayo, gusto ko sana, sana ha!, ganito:

Para naman di ko kayo kaagaw sa mga boys...
O yan ha, alam niyo na ang mga requirements, kaya sige na please, mag-send na kayo ng email sa sup niyo at mag-apply na kayo sa Email Team!
Posted by callboi 11:04 AM Archived in Gay Travel | Philippines








So, pwede pala ako mag-join ng email team, amo...
12.06.2008 by NYBadette