A Travellerspoint blog

To Eat or Not To Eat...

all seasons in one day

Fishball_Vendor.jpg

Pinilit ako ni She-ra na samahan siya the other day sa pantry para kumain.

May ulterior motive pala ang hitad.

Gusto niyang pagmasdan si Paeng, ang pamangkin ng may-ari ng food provider sa pantry ng opisina namin. Si Paeng (real name: Rafael) ang kasalukuyang nagbabantay ng paninda.

We sat about two tables away from Paeng.

Cute si Paeng. Mukhang mabait. Mukhang sariwa. Parang lumpiang ubod na walang mani.

"Ang lakas ng dating niya noh," bulong sa akin ni She-ra, habang sinusubo ang embotido na binili niya.

I nodded, "In fairness, cute talaga ang bagets na yan."

Mukhang nahahalata na ni Paeng ang pagtitig namin sa kaniya kasi medyo nagbublush na ang lolo mo.

"Kung liligawan ka ni Paeng, sasagutin mo ba?" tanong ko sa kaniya.

"Kahit di niya ako ligawan, sasagutin ko siya," sagot ng bakla, "sagot ko na rin ang tuition fee niya, health plan, at insurance."

"Isama mo na diyan ang load sa cell phone," sabat ko, "Pero ang tanong, kung hindi siya pamangkin ng may-ari ng food provider, at isang simpleng tindero lang, sasagutin mo pa rin ba siya?"

Nag-isip ng malalim si She-ra, "Tough question... well... I guess depende sa kung gaano kasugid siyang manliligaw sa akin."

Natawa ako, "Bakla, ang ganda mo!"

"Eh kasi naman, ang hirap ng tanong mo eh," She-ra laughed, "Oh ikaw, kunyari may nanligaw sa yo na guy, mabait, guwapo, masipag, matindi manligaw, pero fishball vendor siya, sasagutin mo ba?"

Natameme naman ako.

"See? Hindi ka rin agad makasagot!" said She-ra.

"Sandali, guwapong fishball vendor? May nakita ka na bang ganun?" tanong ko.

"Malay mo naman, meron naman siguro, di pa lang nadidiscover ni Big Brother," She-ra said.

"To be honest, I really don't know how to answer your question," I said, "Siguro depende sa kung gaano siya..."

"Ka-guwapo?" tanong ni She-ra.

"Hindi! Kung gaano siya kasugid manligaw," I answered, "Hindi ako demanding sa itsura, basta ba malinis, at wala akong karapatang magdemand ng guwapong manliligaw."

She-ra was flashing winks at Paeng while I was talking.

I continued, "I don't want to sound like an elitista pero to be honest, parang mahirap yata kung fishball vendor ang dyowa noh? Biro mo, medyo OP siya sa barkada mo. Tapos, dehins kayo pwede magdate sa Greenbelt kasi di siya pwede makihati sa bayad. Ayoko naman na ako lang ang magbabayad so ang bagsak ng date niyo sa Luneta or sa Makati Cinema Square. Bibili na lang kayo ng pirated dvd's na papanoorin niyo sa barong-barong niya."

I was quiet for a few seconds and then said, "Pero kung mabait naman siya, why not?"

She-ra scoffed, "Asuuus, sinasabi mo lang iyan, pero alam kong never ka makikipagdyowa sa fishball vendor."

"Malay mo naman pogi talaga yung manong fishball," sagot ko.

The next day, wala na si Paeng.

Bumalik na uli si Manong Food Provider who is shown in the pic below:

manong_food_provider.jpg

"Manong Food Provider, nasaan na si Paeng?" tanong ng malanding si She-ra.

"Ay, umuwi na. Di na siya uli pupunta rito," sagot ni Manong Food Provider.

Nalungkot si She-ra, "Sheeet, di ko man lang nalaman kung may future ba kami ni Paeng."

"Maghanap ka na lang diyan sa may kanto ng guwapong mabait na fishball vendor..." ang payo ko kay She-ra.

Posted by callboi 11:03 Archived in Philippines Tagged gay_travel

Email this entryFacebookStumbleUpon

Table of contents

Comments

so ano nga? sasagutin mo ung fishball vendor?

by fatlilgurl

@depende... do i get to eat his balls for free?

by callboi

aysows!

by fatlilgurl

Callboi what u mean nde na xa babalik?? as in nde na xa ulit magbabaantay as in ever?? hehehee

by missindia

in fairview, nakita ko na din yang si paeng na yan at may future nga. may future maging beauty queen. medyo may future tlga. hahaha

by royalty

ang lalandi ninyo!!! wala akong kasamang lumandi dito... walang time teh!

by parteeboi

Hay...nakakamiss nga si Paeng....

by Q_Amidala

pansin ko lang ha.. iisa ang color palette ng tshirt mo.. puro violet.. at nahihilig ka ata sa horizontal stripes.. may kilala ako mahilig rin mag ganyan e.. pero nuon pa yun.. nag evolve na ang fashion sense niya.. :)

by playboi

@playboi, obsessed ka sa mga damit ko?

by callboi

ang sakin lang e baka pag kamalan kang hump.

by playboi

CHE!

by callboi

CHE my ass!!!

by playboi

dyosmeh naman bookie!... ilang taon na ba tong si paeng?! 12?! mukhang kakaapak pa lang ng puberty noh!.. ahahaha!

by aubreybaby

Hellerns! he's of legal age na kaya! 18 years old! hahaha!

by callboi

legal age my ass!!!

by playboi

Aber! Nasaan na ang picture nang paeng na iyan... SHOW US PROOF!

by NYBadette

kakamiss talaga si Paeng...

by Q_Amidala

@NYBadette - Proof your face.

by callboi

Paano ko masasabi na pogi nga iyang paeng mo kung di ko siya nakikita... remember, nasa NY ako... hehehehehe!

by NYBadette

question? naubos niyo po ba lahat nung kanin sa likod niyo?

by playboi

Feeling ko playboi, naubos nga ni callboi ang kanin sa likod niya... Peace Buqueer...

by NYBadette

Hoooy... di lang ako mag-isa nakaubos nun ha!

by callboi

In fairness Buquir bagay kau ni kuya hehehee :)

by missindia

jejejeje natuwa ako sa pic ni manong food provider....yaw kunyaring magpapic jejeje....

by babyparin

PAENG!@!@! HEHEHE

SBAY KMI NAGELEVATOR NYAN TSKA LUMABAS NG P.S. TSAK UMAKYAT ULE.. HAHAHA

MOMENTS!@!!

by nobodysboi

ay crush yan si paeng kung xa man yung gwapo na paminsan minsan na proxy sa pantry hahah ΓΌ

by chengganda

NAMIMISS KO NA ANG SI MANONG FOOD PROVIDER!!! Bakit never kong nakita si Paeng??? Haaayyy...

by CreamPuff

cute c paeng..hahai!..

by 3rdsex

ay nakita ko na si paeng, cute nga siya, hinila pa ko ng bading na team mate ko para lang masilayan si paeng...

ung sa fishball vendor, kung panalo naman yung fez at katwan, go na... pag au auditionin ko siya sa mga model search para magka pera na siya.. haha

e di sosyal na siya... pero kelangan magpuhunan ako para i-make over siya.. keri lang..

by iwantu

parang nakita ko na yang si paeng.. minsan nagpunta yan dito sa 3rd floor.. hehehe. sympre nagpacute atashi..

by bitchyme

This blog requires you to be a logged in member of Travellerspoint to place comments.

Enter your Travellerspoint login details below

( What's this? )

If you aren't a member of Travellerspoint yet, you can join for free.

Join Travellerspoint