A Travellerspoint blog

Gucci and Greenbelt...

all seasons in one day

gucci_gang.jpg

The other day, dahil sosyal kami ng mga teammates ko, nag-dessert kami sa Classic Confections sa may Greenbelt 5.

Akala nila ililibre ko sila. Sabi ko naman, sagot ko lang ang taxi. Hehehe, fifty pesos lang pala ang cab fare.

Nung papunta na kami sa Classic Confections, napansin namin na may nagshu-shooting sa katabing resto.

My heart stopped when I saw who it was. Shet. Si Tim Yap. Ang leader ng mga "poser" ng Embassy.

Naramdaman ko kaagad kung anong katarantaduhan ang ipapagawa sa akin ng mga ka-team ko.

"Bookie! Pa-picture ka with Tim for your blog!!!" ang sigaw nila at pilit sa akin.

Eh hello??? Nasa loob ng restaurant si Tim no? At mukhang busy siya. In fairness, may itsura pala si Tim sa personal. Kaso ang kapal ng foundation. Para siyang naglalakad na bavarian donut. Amputeeeh!

Pinipilit pa rin ako ng mga teammates ko, kaya ang sabi ko, "Mamaya. Promise, paglabas niya, papakuha ako ng pic with him, kahit hate na hate ko ang fez niya."

So yun na nga, umorder na kami ng cakes. Panalo talaga sa Classic Confections. Diabetic ako pero wala na akong paki. Kung puwede nga lang dun na ako tumira eh. Ang tawag ko sa mga waiters and waitresses nila "friends".

Ito yung in-order ko:

chocmousse.jpg

Ang triple chocolate mousse. Grabe ansarap. Siguro ganito ang lasa ng mga anghel pag kinain mo sila.

Habang ineenjoy namin ang mga mumunting cakes namin, madalas akong pinapapatayo at pinapalabas ng mga kateam ko para icheck kung tapos na ang shooting ng baklang Tim. Since sinusuwerte ako, hindi pa sila tapos.

Binagalan ko naman ang pagkain para makaalis na agad ang baklita. Effective naman, kasi paglabas namin, wala na siya.

classicconf.jpg

"Bad trip ako tuloy," ang sabi ng Tanya, ka-team ko.

"Sayang naman," ang sabi ni Jarabels, isang kateam ko rin na apparently may crush kay Tim.

Tatawa-tawa lang ako kasi nakatakas ako sa kahihiyan.

So, ayun na nga, naglakad-lakad muna kami sa mall. May pa-picture picture sa paligid. Patingin tingin sa mga stores, as if afford naming bumili ng Marc Jacobs or ng DKNY.

Pag minamalas ka nga naman, nakasalubong pa namin ang baklitang Tim pababa ng escalator. Di nako nagsalita kasi baka makita ng kateam ko, kaso nakita pa rin nila, mga leche.

Bago pa nakasakay si Tim, tinawag na siya ni Tanya, "Excuse me, Tim, can we have our picture taken with you?"

Oo naman agad ang bruha. Sabik sa photo-opportunity.

Di naman siya nagtaka na kahit ang dami namin, ako lang ang lumapit para magpapic. At eto ang resulta:

tim_and_me.jpg

I just want to explain, hindi ako kinikilig sa pic na to ha? HINDI. Nahihirapan lang akong huminga dahil masikip ang collar ko.

At syempre pa, nainggit ang Tanya, nagpasama:

tanya_and_tim.jpg

The whole time na katabi ko si Tim, hindi ko siya tinitignan. Promise. And again, hindi ako kinikilig. OK?

Posted by callboi 15:04 Archived in Philippines Tagged gay_travel

Email this entryFacebookStumbleUpon

Table of contents

Comments

hay, hindi nga halatang kinikilig ka. para kang dalagitang kinukurot sa singit. if i know, type mo na si tim.

by hush hush

OMG!!!! Alam mo callboi, nung nagsabog ng kabaklaan ang Diyos nung araw, kayong dalawa ni Tim Yap ang nagaagawan. Kitang kita sa mga mukha ninyo na you have something in common... pareho kayong POSER. Dati lang kayong kumakain sa rufos tapos ngayon pa greenbelt, greenbelt 5 pa kayo.. Shet! Geli and Janice, move over. Meron ng bagong Sis! Wala na rin sinabi ang Team Brian sa Tim Buqui!!!

by zeroid

ENVIOUS!

by royalty

be thanksfull bouq's dont be soo choosy! (just kidding) ako na ang fan! haha

by royalty

Alam ko na itsura mo pag pumayat ka! kung mangyayari man yun in this lifetime. :)

by playboi

"I just want to explain, hindi ako kinikilig sa pic na to ha? HINDI. Nahihirapan lang akong huminga dahil masikip ang collar ko."

di ka rin naman masyadong defensive, marse. hahaha!

by honeybfly

sYEEeTt!!!! InakbayAn KA pA!!!!

chizKeyK!! chiZkEyK!!! HahAhAhaha

tNx Sa liBrE nYo Ni JarAbElS!!! :* hahahaha

kinikiLig Ako 4u caLLBoi!!!!!!!!!! waAaAaH!!!!!!

by PaLaBoi

Dahlin'

ang kyut kyut nyo ehihihi :)

kamusta naman na si enchong.. pwede ko ba shang yayain samahan ako sa yosi area? ahehehe :)

lots of lab,

She-ra

by She-ra

Way to go Buqui!!!! Baka sa susunod sina Celine at Wendy na ang mga ka-gang mo ha... eeewwwww..

by ST Lauder

at wla tlgng halong kilig,, pramis, not even a trace marshe?

by nobodysboi

Echos mo Bukee eh halata namang bet mo rin siya eh. Para ka lang nasa elementary sa picture mo.

by Q_Amidala

In fairness panalo sa MEYK UP si Tim Yap hihihihii..pero si Buquir lumaban ng patas natural beauty lng hahahahaha :)

by missindia

PANALO!!!!

by paddy61

Hahaha! kamukha sya ng housemate ko...plump nga lang konti ng housemate ko...
In fernes, ayoko din kay Tim Yap, kahit kabbabayan ko siya...
Hindi naman mukhang ta-artits eh...
(sorry po sa mga fans)
Team Brian ako! =)

by fridaygirl

This blog requires you to be a logged in member of Travellerspoint to place comments.

Enter your Travellerspoint login details below

( What's this? )

If you aren't a member of Travellerspoint yet, you can join for free.

Join Travellerspoint