A Travellerspoint blog

Ocean's Apart... Day After Day...

sunny

The other week, a few of my friends and I went to Ocean's Park. Excited ako, kasi i love to eat fish. Ahehehe.

Since pampamilya daw ang Ocean Park, sinama namin ang anak ng isang teammate.

gavin_alone.jpg

Everyone, meet Gavin. Ang dahilan kung bakit nagkaroon ako ng bicep sa kanang braso. Ang hilig magpabuhat ng batang to. Buti na lang cute siya, kundi nakuuuu, baka pinakain ko siya sa dugong or something.

me_and_gavin.jpg

Sobrang excited ako sa trip namin. Si Gavin naman, chill lang. Suplado. Hmp.

gavin_atm.jpg

Since may kamahalan ang ticket ng Ocean Park, inutusan ko si Gavin na mang-holdap diyan sa may ATM sa lobby natin. Needless to say, hindi successful ang pacute na modus operandi ng bata.

gay_family.jpg

Pagdating sa Ocean Park, siyempre pa-picture agad ang mga lolo mo. Sa pic na ito, si Gavin lang ang totoong straight.

long_line.jpg

Ito ang sumalubong sa amin na pila. At siyempre pa, ako ang na-assign na magreserve ng puwesto namin sa pila.

candy_corner.jpg

Buti na lang, sa kalagitnaan ng pila, may Candy Corner. Goodbye health, hello diabetes!

jobert_sucaldito.jpg

Pagpasok namin sa loob, si Jobert Sucaldito ang sasalubong sa inyo, at aabutan niya kayo ng payong kasi ma-araw ang first part ng park.

sharksfin.jpg

Ito yung mga sharks. Di sila gumagalaw. Tsaka maliliit sila. At nasa isang sulok lang, parang natakot yata. Siguro alam nila na mahilig ako sa Sharksfin.

bahura.jpg

Ito ang second part ng park. Ang bahura, which is gay lingo for "madilim-na-lugar-kung-saan-bawal-ang-flash-photography!" Pero totoo folks, bawal ang flash photography sa loob. Haggard.

no_flash_dark_room.jpg

Oh di ba, ang dilim sa loob. Kaya everytime kumukuha kami ng picture, napipilitan kaming maglagay ng flash. Pagkatapos magflash, aarte kami ng ganito in a loud voice, "Ay shet, may flash pala! Nakalimutan kong tanggalin! Sorry everyone! My bad!"

Taray di ba?

nemo.jpg

Sa Bahura ko nakita si Nemo.

bakla_si_nemo.jpg

Apparently, bakla si Nemo. Tignan niyo kung anong ginagawa niya sa bestfriend niyang lalaking fish.

dory.jpg

Ito si Dory.

si_cory.jpg

At ito naman si Cory. Magkaaaaaa-eee-saaaaah!

puffer_fish.jpg

Ito yung Puffer Fish. Pag nagugulat siya, lumulobo ang katawan niya.

Callboi: Gulatin mo para lumobo!

Jarabels: Paano ko gugulatin?

Callboi: Sabihin mo straight ka!

Jarabels: Gaga!

yucky_spider_crab.jpg

Allergic ako sa crabs, takot ako sa spiders. Kaya nung nakita ko itong Giant Spider Crab, naihi na lang ako bigla. Buti na lang may extra shorts ako.

laot_blue.jpg

At ito naman ang next part, ang Laot. It's a somewhat circular room, wherein the walls contain the huge aquariums.

Weird nga eh. Kasi halos lahat ng aquarium sa room na ito, puro dilis ang laman. Anlabo.

before.jpg

Before...

after.jpg

After!!!! (Oh shit, pare, may flash pa rin! Shucks! Sorry po, manong guard!)

tunnel_me.jpg

After ng laot, ang short short short tunnel naman. Kahit maigsi, astig pa rin ang tunnel na ito. Halos maihi nga ako sa tuwa eh. Ay naihi na nga pala ako kanina.

sting_ray.jpg

This is the giant stingray, a rare creature.

orange_dugong.jpg

This is the Orange Dugong, even more rare than the giant stingray.

dark_me.jpg

Before...

flash_ghost.jpg

After... kamusta naman ang Mena????

Posted by callboi 12:52 Archived in Philippines Tagged gay_travel

Email this entryFacebookStumbleUpon

Table of contents

Comments

Wow. Very rare nga ang Orange Dugong na yan. Akalain mo naiihi siya pagnakakakita ng Giant Spider Crab. Don't you have any defense mechanism, so to speak? Pagdecorate ka lang ba sa mga parties, with your bubbly personality at hand?

by MaƮtresse

This blog requires you to be a logged in member of Travellerspoint to place comments.

Enter your Travellerspoint login details below

( What's this? )

If you aren't a member of Travellerspoint yet, you can join for free.

Join Travellerspoint