A Travellerspoint blog

Ducati mo ako...

sunny

ducati2.jpg

Ducati: Noun; an Italian motorcycle manufacturer located in Bologna, Italy.

So yan, alam niyo na kung ano yung Ducati. Hindi siya sakit na parang buni. Motorcycle siya.

Anyways, galing kami ng kateam-mate kong si Jejoi kanina sa Mercury Drug, pabalik ng office, ng mapansin ko ang isang pulang Ducati na nakaparada mismo sa harap ng lobby, malapit sa pinto.

"Ano yan? Premyo?" tanong ko sa kasama ko, pero napansin ko rin na may helmet na ang sasakyan at mukhang may nagmamay-ari na nito. Akala ko naman sobrang nag-all out na ang HR natin, akala ko Ducati na ang incentive para sa mga referral bonuses natin. Panalo sana.

Grabe naman makapag-park ang may-ari nito, sa isip-isip ko, abusado. Kulang na lang ipasok mismo sa loob ng lobby. Kayabangan talaga ng mga tao oh.

Pagpasok namin sa lobby, nakasalubong namin si Bong Borja, ang COO ng PeopleSupport, na dati kong boyfriend. Echos. Nakaleather jacket ang lolo mo.

Aaaaah, kaya pala. Sino nga ba naman ang magkakaroon ng lakas ng loob na ipaglandakan sa harapan mismo ng kaniyang gusali na meron siyang ubod ng mamahalin na bisikleta.

Pagkakita ng mga guard kay Bong, aba, parang biglang nabuhayan ang mga lolo mo. Dalawa pa silang bumukas ng mga pinto para sa kanya, grand exit ba.

"Buti pa si Bong, pinagbubuksan ng pinto ng mga guard," nabanggit ko bigla.

Kasi naman, pansin ko, kahit na makita ng mga guard na andami dami mong dala, di ka pa rin nila pagbubuksan ng pinto. Bagkus, hihingan ka pa ng ID. Mukha pa silang galit pag pinag-intay mo.

Tapos, di ba nakakainis kapag ininspeksyon nila yung bag mo, parang grabe silang makahalukay ng gamit, pasundut sundot pa nung stick nila na akala mo magic wand ni Voldemort.

Ano naman ang ineexpect nilang dadalhin ko papasok sa office? Bomba? Oo, aaminin ko, there are certain moments in my life that I have entertained the thought of blowing up this building, pero fantasy lang yun. I would never act out on my homicidal tendencies, not yet anyway. :)

Pero alam niyo, di lang kay Bong ang preferential treatment ng mga guards. Pati sa mga Kano na dito nagwowork sa company natin. Kulang na lang magbow down sa pagpapakita ng respeto ang mga guards natin pag Kano ang nakakasalubong nila.

Nasaan na ang pagmamahal sa kapwa Pinoy? Nasaan na ang Proud-to-be-Pinoy na spirit?

Wala nga akong Ducati, pero afford ko namang bumili ng sarili kong pedicab. Hindi ngayon, oo. Siguro pagdating ng susunod na thirteenth month, pwede na.

Posted by callboi 02:28 Archived in Philippines Tagged gay_travel

Email this entryFacebookStumbleUpon

Table of contents

Comments

Hmm korek, nakakainis nga ang ibang guard dyan lalo na yung sa main entrance na maitim na matanda, pati maliit na pouch eh gusto buksan!

ang tagal naman ng hinihintay kong blog!...

by Q_Amidala

caLLBoi..

MgpaRk KA saNa NAn sinSki ktbe nAn DUCaTi nYa.. eheheh..

by PaLaBoi

Same sentiments here :) nakuu yang mga guardia civil na yan kakaimbey grrrrr...kaya pag iniimbey nila ako I always SHOUT BACK (echusa lng hehehhehee) :) tinataasan ko lng sila ng boses pag may mga kakalurkey na ginagawa na nde nmn dapat. Buquir next month pa ba ung susunod sa "Most Bloggable Person"??

by missindia

Hay nako..
kahit ako, masyadong malalim ang aking galit sa mga shaider, except na nga lang kay johnlloyd, kase magkavibes kame...
Hay naku, just so they have the impressionable walkie-talkies and their ever reliable logbook, kelangan guardia sibil ang motif pagdating sa amin.

Pabugbog ko na lang kaya sa higante kong boyfriend?
hahahaha....

by fridaygirl

yung isang guard jan sa 5th... sarcastic mag tanong. Sabi ba naman saken, "Miss, wala ka bang sapatos?" (Naka slippers kase eh..) Sabi ko, "Meron kuya, kaso nagpapagaling pa ko ng sugat sa paa eh." Kahit wala nang sugat. PakS**t sha.

by GingerFerrer

This blog requires you to be a logged in member of Travellerspoint to place comments.

Enter your Travellerspoint login details below

( What's this? )

If you aren't a member of Travellerspoint yet, you can join for free.

Join Travellerspoint