Sunday Night Lunch...
20.03.2008

Ganito ang itsura ng email team pag Sunday night at wala kaming sup or manager. Ang busy namin no? Napagdesisyunan namin last Sunday na kumain naman sa labas.

Sa North Park dapat kami, kaso naalala namin na sweldong agent lang kami so naghanap kami ng iba.

At sa Rufo's kami bumagsak. I like Rufo's. It's always open. Mura siya. Kaso pag-alis mo ng Rufo's amoy-tapa ka na rin. Ok lang, eh sa Shelby's nga sa Burgundy paglabas mo amoy viand ka eh.

Tignan niyo ang Rufo's o! Open sa Holy Week! Mga walang kaluluwa. Mga demonyo. Pero pucha sarap talaga ng tapa nila eh.

Nahirapan kami magdecide kung ano ang kakainin namin. Wala kasing Caesar salad eh. Echos!

Since walang salad, ang uber-healthy na sisig and chicken barbecue ang inorder namin. Pati na rin ang liempo nila na parang binabad muna sa lata ng Minola bago hinain sa akin. Saraaaap!

Habang nandun kami, di namin napansin na may celebrity guest pala sila. Dyahe, sana nakapag-ayos man lang ako.

Pabalik na sana kami ng opisina kaso nakita namin ang sign na to. Patay. Two hours overlunch ang nangyari sa amin. Joke lang, Sir Andrew!
Posted by callboi 13:42 Archived in Gay Travel | Philippines








HAHAHA....
20.03.2008 by abdul_rjan