A Travellerspoint blog

Basta Driver...

all seasons in one day

taxi1.jpg

Almost always, laging nakikipagkuwentuhan sa akin ang mga taxi driver na sinasakyan ko.

Ay wait. Let me rephrase that. Ansamang pakinggan.

Almost always, laging nakikipagkuwentuhan sa akin ang mga driver ng taxi na sinasakyan ko.

The taxi driver kanina was no different.

Ugali ko kasi na maupo sa tabi ng driver. Para mas intimate. Joke!

Para mas malapit sa aircon.

Anyway, yung driver kanina, since hindi ko alam ang name niya, tawagin natin siyang Dingdong.

I told him na sa PeopleSupport ang baba ko.

“Call center yun di ba?” Dingdong asked, while wiping his face with his signature Good Morning towel.

“Opo”, ang sagot ko.

Tumahimik siya.

Pagdating naming sa may Buendia, nagtanong siya ulit:

“Eh di may pasok ka ngayon Holy Week?”

Gusto kong itanong, Bakit? Ayain mo akong mag-date kung wala?

Pero ang sinagot ko syempre ay, “Opo. May pasok po.”

“Kawawa naman kayo,” he replied, pero nakangiti ang lolo mo.

Sumabat siya uli, “Pero anlaki ng sweldo mo siguro, no?”

Gusto ko sanang sagutin ng, Ay opo, sobrang laki. Di ko na nga alam gagawin ko eh. Papaayos ba ako ng ilong or papa-lipo na lang? Kayo? Ano sa tingin niyo?

Pero siyempre sumagot ako ng, “Ok naman po, kumpara sa ibang trabaho.”

He nodded. A few minutes of silence.

And then he asked, “Magkano naman inaabot mong sweldo tuwing kinsenas?”

Ay. Scary. Tatanungin ko sana siya ng, Manong, manong, holdaper ka?

Pero siyempre ang sabi ko, “Ok lang po. Sapat naman.”

Di siya tumigil, “Lampas ten thousand?”

Shet. Kainis na tong mokong na to ha, “Umm… parang ganun na rin.”

Medyo kinakabahan na ako. Paano kung holdaper to. Paano kung tutukan niya ako bigla ng baril or patalim? Wala akong matatakbuhan. Di ko naman kayang tumalon mula sa umaandar na sasakyan. Wa poise yun.

Andami kong tanong sa isip, di ko na napansin na nasa tapat na pala ako ng PS.

P67 ang nakalagay sa metro. Binigyan ko siya ng one hundred sabay sabi ng “Pahingi na lang po ng bente.”

Umismid siya at nagsabi ng, “Dapat wala nang sukli. Malaki naman sweldo mo dito.”

Nainis na ako, “Totoo po yun, pero pam-bus ko po yang bente bukas ng umaga.”

Inabot naman niya. Binagsak ko ng malakas yung pinto. Imbiyerna. Ok sana kung cute siya eh.

Posted by callboi 13:04 Archived in Philippines Tagged gay_travel

Email this entryFacebookStumbleUpon

Table of contents

Comments

aus ung moral ng story ah... hehe

by etheREAL

Hay naku kaya ako as much as possible nde ako naki2pag chikahan sa kanila hehehehehee...sayang ang sukli noh hahahahahaaa

by missindia

grabe tlga yang mga taxi driver feeling sobrang yayaman ng mga taga call center hindi nila alam bawat minuto pinaghihirapan yun!!!!

by ashana

This blog requires you to be a logged in member of Travellerspoint to place comments.

Enter your Travellerspoint login details below

( What's this? )

If you aren't a member of Travellerspoint yet, you can join for free.

Join Travellerspoint