A Travellerspoint blog

Zozy Dinner...

all seasons in one day

12.jpg

Last Saturday night, some of my teammates and I had dinner sa Fish Out of Water in Greenbelt 5.

May kamahalan ang place. Kung ako ang nagbayad ng kinain ko, malamang sardinas na lang at bromate-filled pandesal na lang kainin ko hanggang sa susunod na sweldo. Buti na lang nilibre ako.

22.jpg

I was the one who made reservations for eight people. I called them up and spoke to an Albert. I told him to give us a good table. So, binigyan niya kami ng table sa harap mismo ng resto. Kamusta naman. Naka-display ang katakawan ko sa mga sosy people ng Greenbelt.

31.jpg

When I made the reservations, they asked for my name. I said, "Put the reservation under Ryan Buquir."

"Ryan Boker po?" he asked.

"Ryan Buquir. B-U-Q-U-I-R."

It turns out di nila kelangan ang last name ko. At iniba pa nila ang first name ko. Shet. Wa poise sa mga sosy friends ko. Bryan Buquir? Ang yaman sa B.

41.jpg

Gian: "Ang ganda pala dito sa Maynila no?"

51.jpg

May kamahalan talaga ang mga presyo na nakalista sa menu. Di bagay sa akin. Tignan niyo nga phone ko sa pic, isang naka-scotch tape lang na 8210. May tunaw na casing pa yan sa likod. In fairness, walang magbabalak na magnakaw niyan sa akin.

71.jpg

Ang ganda ng interior ng place noh? Parang spa. Parang ang sarap magpapedicure habang kumakain ka ng Crabmeat Mac and Cheese with a side of Shrimp Tempura.

91.jpg

Ito yung kisame ng Fish Out of Water. Ang wavy noh?

nose.jpg

Ito naman ang close up shot ko. Tignan niyo ilong ko. Ang wavy rin noh?

111.jpg

Ito kaming dalawa ni Gian na nagkukunyaring parte ng alta society. Mga posers. Wala akong load nun pero ang taray ng dating ko dito no?

121.jpg

Gian: Anong oorderin natin?

Callboi: Syempre yung pinakamahal!

Gian: O sige, dalawang order of each dish para sosyal!

Callboi: Go girl! Flex! Have a happy period!

13.jpg

Ito naman ang itsura namin nung dumating yung bill. Dyahe.

14.jpg

Kita niyo yung plate na may laman na maliliit na fetus? Crispy Baby Squid yun. Sarap siya. Lasang minatamis na dilis.

15.jpg

Ito naman ang akin sosyal na Dalandan Shake. Katabi niya ang aking sosyal na 8210.

16.jpg

Ito yung inorder ni Gian na Shrimp Penne Pasta. Anlaki ng order na to. Malaki pa sa ulo ni Gian. Di niya nga naubos eh. Sayang naman. Lampas P300 pa naman to. Pa-sosyal kasi eh.

17.jpg

Ito yung inorder ko. Saranghamida something. Ay wait. Saranggani Milkfish Belly pala. Sobrang sarap. Totoo. Lasang taba ng daing.

18.jpg

Ito naman yung Mediterranean Skewers. Mas masarap yung inihaw na longganisa sa may kanto namin, pero keri na rin.

19.jpg

Ito yung Butterfly Bangus yata, or baka Bangus Butterfly. Basta may butterfly na kasama. Sarap din siya. Dami nga lang tinik. Sana puro butterfly na lang.

20.jpg

Ito yung pa-sikreto kong inorder na Barakoand Tablea Mousse. Nagpanic ang lahat nung dumating ito sa table namin. Bawal daw sa akin. Pero dahil di sila makakilos sa kabusugan, di nila ako napigilan makain ito, mga lintek sila.

Posted by callboi 11:06 Archived in Philippines Tagged gay_travel

Email this entryFacebookStumbleUpon

Table of contents

Comments

wow ang sosy naman ng dinner na'to. next time callboi sa john and yoko naman tayo. ang posers:)

by hush hush

B. Eto ba yong Saturday na inuman? Na di mo ako sinama? Well, kasi naman di pwede magsama...

by parteeboi

Eh alam mo naman pala eh, S... :)

by callboi

coz you informed me...

by parteeboi

This blog requires you to be a logged in member of Travellerspoint to place comments.

Enter your Travellerspoint login details below

( What's this? )

If you aren't a member of Travellerspoint yet, you can join for free.

Join Travellerspoint