A Travellerspoint blog

Anal Appraisal...

sunny

scorecards.jpg

I just got my Annual Appraisal today. Ok naman siya. Higher than what I probably truly deserve (thanks, Ms. Wee!). Pero hindi ba parang ang weird isipin na sa mga nakasulat sa ilang pirasong papel ay mababase mo na kung gaano ka-ganda or ka-productive ang isang taong nakaraan sa buhay mo?

According sa appraisal ko, medyo "erratic" ang schedule adherence ko last year. In other words, pangit. Marami kasi akong absent. Pero bihira ako ma-late ha? Mas gugustuhin ko pang ma-absent kesa sa ma-late ako. Marami akong absent kasi, well, nakakatakot mang isipin na mabasa ito ng sup or manager ko, dahil sa marami akong gimik na napilitang samahan.

Nagsisisi ba ako sa dami ng mga absent ko? To be honest, no. Kasi naman, kapag malapit ka nang mamatay, ano ba ang iisipin mo? "Shet, mamamatay na ako pero hayup sa ganda ang sched ad ko! 100%! Diretso langit ako nito, for sure! Am soooo freakin' proud of myself."

Hindi, di ba? At the end of the day, what matters most is how we seized the moment and made the most of what life has to offer. Yun nga lang, since wala na akong Leave Allocations, medyo ambaba ng sinuweldo ko for several months dahil sa dami ng absent. Pero go pa rin ang lolo niyo! Kebs na kung puro sardinas ang ulam.

According rin sa appraisal ko, "Ryan has an excellent command of the English language." Naks! Hindey naman masyadow. Mayabang lang akowng umastah pag-nag-i-ingleys. Feeling coño lang pow.

"Ryan is an exceptional team player." Hmmm... true enough, I guess. Masaya naman kasi team ko eh. Puro karakter. May mga kaunting weirdo, of course, pero uso naman yun nowadays eh. As far as I know, wala namang epal sa team ko. As far as I know, ha? :)

Nakup, may linya pa lang ganito: "There had been instances when Ryan had violated company policies like wearing slippers..."

Eh kasi naman ang cute nung mga havaiannas ko eh! Sayang naman kung hindi ko suotin di ba? Tsaka ang kinis naman ng paa ko. Di tulad nung sa iba na parang bagong-bunot-from-the-lupa-na-luya! Tsaka paa ko ba ang gagamitin ko para i-pang-type sa keyboard? Uy, di ako galit ha? Nagsasabi lang...

According rin sa overall comments sa akin ng aking maganda at balingkinitang sup, "...he can easily get distracted and can easily be bored by routine if not kept at bay; he has a tendency to wander as well."

Sooobrang totoo to! Katulad ngayon, imbes na mag-trabaho ako nagsusulat ako ng lintek na blog entry na to. Tapos, andalas ko pa mamasyal sa floor. Madalas kasi, sa isip ko, isang malaking party lang ang account natin. At ako ang hostess with the mostest! Syempre kelangan ko maki-mingle di ba?

Pero like I said kanina, I got a higher score than what I expected. Was it just dumb luck? Or maybe may silbi rin naman pala ako kahit papaano. Ewan. Basta dito muna ako sa PS. Masaya pa naman eh, di ba?

A_.jpg

Posted by callboi 08:01 Archived in Philippines Tagged gay_travel

Email this entryFacebookStumbleUpon

Table of contents

Comments

Karek Buquir mejo masaya pa nmn hehehehee...Though I have plans of leaving soon :) hihihii well I'm just enjoying each and every moment na nandito ako..Totoo talaga na Some good things never last haaaay :)

by missindia

parami na nang parami ang nagreresign ger... and may narinig pa ako, na nakakagulat... haaay...

by parteeboi

well ang masasabi ko lang ay, despite all of the challenges of 2007, callboi still held his head high. I THINK, HA? basta dito sa PS, matira matibay. who will be the last of the mohicans? para sa akin, ako yun... hahaha!

by zeroid

Why, thank you, zeroid... Although hindi ako mukhang mohican, feeling ko matibay rin ako. ahehehe... :)

by callboi

Parteeboi to set the record straight bulk resignation happens everywhere so this is not soooo alarming mah dahling dito ka dpat malurkey pag naging #1 call center sa pinas ang PS kc xa na lng ang natirang kol cntr nyahahahahaha

by missindia

“It is not the strongest of the species that survives, nor the most intelligent that survives. It is the one that is the most adaptable to change.” - Charles Darwin

hehehe...and knowing that you've been here for 5years and still counting. WOW!

by biatch

wow mukhang good mood ka ngayon biatch huh..
ki-nuote mu pla tlga c charles darwin...
eto nman ang quote ko : the only constant thing in this world is CHANGE, but in every changes, memories are to be cherished.. and time by time reminisce! nyaks..applicable nman ata toh sa mga nag resign nah...ako din tatlo kmi sa team mlapet nah... hehe..xori wla lng ma-comment!

by gilmorgirl

Biatch: Hay naku, sinabi mo pa. Feeling ko nga eh, ako na ang dapat gawing mascot ng PS.

Gilmorgirl: Agreed. :) Nothing is constant but change...

by callboi

Happiness is a decision and leaving is not a sign of defeat nor weakness. Open-mindedness is most of the times incomprehensible when too proud. Sometimes, or oftentimes, passion is being mistaken with arrogance. People should properly and humbly choose their battles all the time. I miss PS, but coping up and acknowledging change is not cowardice either.

by parteeboi

good for you parteeboi.. i envy ur courage! =D

by gilmorgirl

i like this part!

"Di tulad nung sa iba na parang bagong-bunot-from-the-lupa-na-luya!"

hehe...

by etheREAL

well sabi nga ng lola ko..."Goodbye doesn't mean forever...somewhere...somehow we will meet again"
echusa hehehehee :)

by missindia

This blog requires you to be a logged in member of Travellerspoint to place comments.

Enter your Travellerspoint login details below

( What's this? )

If you aren't a member of Travellerspoint yet, you can join for free.

Join Travellerspoint