A Travellerspoint blog

Health-conscious...

sunny

amorsolo1.jpg

Dahil sa diabetes ko, concerned ang mga friends ko sa kinakain ko. Actually. mas concerned pa sila kesa sa akin. Ako? Kebs lang.

May nag-pa-LBC ng isang kahon ng pan de coco sa isang friend ko, galing Zamboanga daw. Akala ko naman, pare-pareho lang ang mga pan de coco sa Pinas. Pero in fairness, masarap pala talaga ang pan de coco na galing sa Zamboanga.

Pinatikim ko si Amorsolo nung tinapay. Nasarapan ang lola. Kumuha rin. Ako naman, pinapak ko yung cheese balls na nasa station niya.

"Don' eat that!" Amorsolo shrieked at me nung makita niya na kinakain ko yung junk food.

"Bakit naman?" I asked.

"That's so filled with sodium! Masama sa iyo yan!" he explained, grabbing the snack out of my hands.

"Amorsolo, diabetes ang sakit ko, hindi UTI," I said.

Natigilan siya, at biglang bumawi, "So, hihintayin mo pang mag-ka-UTI ka?"

Puta, wala talaga akong panalo sa baklang to.

Eh kumakain pa siya ng pan de coco noon. Sabi ko, "Pakagat!"

Tumingin siya sa akin, sabay dinilaan ang kabuuan nung tinapay. Sabay abot sa akin.

Pakshit talaga tong baklang to.

Posted by callboi 07:35 Archived in Philippines Tagged gay_travel

Email this entryFacebookStumbleUpon

Table of contents

Comments

hehehe...funny nmn nagyari sau..wel u should be thankful na concerned friends m!in fairness ha...alagaan m kc sarili m, pag mgksakit ka u wont enjoy life dear...mas pakshit ang buhay pag maysakit!hahahaha...imagine m n lng ha.mas marming restrictions at mhrap mging naughty coz u need to cnsider a few things...hahaha... a little sacrifice for your health wont kill you...

by cokefloat

Bawal pla ako sa'yo callboi, sweet ako eh... ;)

by CEBadboy

Talaga lang ha?

by callboi

This blog requires you to be a logged in member of Travellerspoint to place comments.

Enter your Travellerspoint login details below

( What's this? )

If you aren't a member of Travellerspoint yet, you can join for free.

Join Travellerspoint