A Travellerspoint blog

Da Best sa Email Team!

snow

team.jpg

Madalas, kapag nakatapat ako sa computer ko at tinatamad ng magtrabaho, pa-sikreto kong pinagmamasdan ang mga ka-team ko. May kaniya-kaniya silang karakter. May mga kakaiba. May mga artista. May mga rare species na epal din. May mga halatang nagkukunyari lang magtrabaho pero naghahanap naman pala ng proxy para makapag-update ng Friendster nila (tangek, i-try mo ang gotlost.com!).

Ngayon, nasa gitna ako ng dalawang kalbong lalake. Yung nasa kaliwa ko, trabaho ng trabaho. Ang tahimik. Parang na-trauma sa buhay. Bihirang makipagusap sa katabi. Inatake na ako sa puso sa tabi niya pero tuloy pa rin sa pagsagot ng email. Pero halata ko sa kaniya na pa-sikreto siyang tumitingin sa monitor ko. Binabantayan siguro kung ano sinusulat ko sa blog. Ayun! Tumingin na naman! Hay.

Yung nasa kanan ko naman, nang-aaway ng ex-bf niya na taga-ibang call center. Ayaw daw isauli yung relo niyang hiniram. Chaka naman ng ex niya. Relo lang kineklepto pa.

May ka-team akong babae, si Luna. Medyo weird to. Pero masayang klase ng weird. Entertaining bagah? Para kang nanunuod ng Ripley's Believe it or Not pag kausap mo siya. Debotong kristiyano ang lola mo. Paminsan, pag naguusap kami ng mga ka-team ko ng kabaklaan, nag-e-eavesdrop siya. Pinagdadasal siguro ang mga makasalanan naming mga kaluluwa. Kulang na lang basbasan ako ng agua bendita.

Tapos, madalas pang late tong si Luna. What's more weird is, saka lang siya magbebeso ng pagbati two or three hours after niyong magkita sa office. Magugulat na lang ako pag katabi ko siya at bigla na lang siyang lalapit sa akin, sabay yakap at beso tapos magsasabi ng "Good morning Buquir!" kahit tatlong oras na kami magkatabi. Entertaining di ba?

Meron pa kaming isang ka-team na di nakikipag-usap sa kahit na sino. Pag pasok niya, upo sa station, trabaho, makalipas ang siyam na oras, uwi. Para siyang espiya ng gobyerno.

Ito naman si Paris. Kakaiba rin. Laging parang wala sa sarili. Pag naglulunch, tatakbo na sa employee lounge para matulog. Lagi tuloy overlunch. Di ko alam kung anong ginagawa niya sa araw pero parang di siya natutulog pag uwi. Baka prostitute siya or something to that effect. :)

Pero alam niyo? Masaya sa team ko. Para kang nanunuod ng sine ni Dolphy araw-araw sa office. Bihira ang boredom basta kumpleto kami. Lalo na pag Sunday. Para kaming nagsusummer class lang. (Sir TM, nagtatrabaho pa rin po kami!).

Kapag Sunday, panay kain kami sa station. Pag may palapit na guard, sumesenyas ako sa mga kateam ko. Sinasabi ko ng malakas na parang ibon, "Krooo! Krooo!" Nagegets naman nila. Pero nagtataka yata yung guard kung bakit may dambuhalang ibon sa floor.

Posted by callboi 8:19 AM Archived in Gay Travel | Philippines

Email this entryFacebookStumbleUponRedditDel.icio.usIloho

Table of Contents

Comments

CHAKA!!!

05.02.2008 by abdul_rjan

ang saya-saya kaya!!! more! more! :-)

05.02.2008 by ST Lauder

si Abdul siguro yung espiya ng gobyerno! hahahaha

p.s. hindi yata ako nabanggit! wala lang narsisa lang ako. gusto ko lang nababasa yung tungkol sa kagagahan ko.

05.02.2008 by MNLChurva

or baka sya yong ex-bf na di nagsoli ng relo! ahahahahaaaaa

chaka nga ang mga klepto! ahahahaha

05.02.2008 by ST Lauder

Luna pansin mo bida ka palagi!

05.02.2008 by MNLChurva

may poot ang abdul. kaya nga siguro ayaw isoli ang relo kay ex-bf.

05.02.2008 by honeybfly

Opo. Isa akong prostitute.

06.02.2008 by krazysoul

kaya pala ang kalat kalat lage. kain kayo ng kain dito sa gy. tirahan nyo naman kame?

06.02.2008 by loraandblu

Krooo Krooo

06.02.2008 by Sitta

hahahaha.. sayang nde ko kYo naaabutaN.. ta2ba ata ako sa gY.. heheheh

09.02.2008 by PaLaBoi

i lurv the email team!!! :) panahon ni marica nauso yang krooo krooo na yan. at yung, "ismybuttshowing?" :)

11.02.2008 by secret

This blog requires you to be a logged in member of Travellerspoint to place comments.

Enter your Travellerspoint login details below

( What's this? )

If you aren't a member of Travellerspoint yet, you can join for free.

Join Travellerspoint