A Travellerspoint blog

Boy, Girl, Bakla, Tomboy...

sunny

he_ate_me.jpg

Dear Callboi,

Hi, ako si Michelle from Teletech. May boyfriend ako, si Jhun. Tatlong taon na kami. Pero feeling ko bading siya. Mahilig siyang mag-ayos masyado ng sarili. Napaka-vain niya. Lagi siyang may dalang malaking pouch na punung-puno ng kung ano-anong toiletries para sa mukha at body niya.

Tapos ang hilig hilig pa niya bumili ng mga damit na masisikip at mapoporma. Bagay naman sa kanya kasi mahilig siyang maggym kaya ang gara ng katawan niya.

Lahat ng mga kaibigan ko sa office sinasabi sa akin na bading siya. Kasi naman pinagsuspetsahan nila na may relasyon sila nung bestfriend niyang si Ricky. Masyado kasi close yung dalawa. Aaminin ko, paminsan nahuhuli ko silang nagbubulungan na parang may sikreto.

Kinumpronta ko siya minsan tngkol dito pero dinenay niya na merong namamagitan sa kanila.

Naiinis na ako kay Ricky kasi feeling ko nang-aasar siya madalas. Alam mo yun? Yung mga ngiti niya parang nagsasabing may alam siya na di ko alam. Kulang na lang pagtawanan na niya ako sa mukha ko.

Di ko na alam ang gagawin ko. Ang alam ko, di bading si Jhun kasi ginagawa naman naming lahat ng ginagawa ng magdyowa. Alam mo yun?

Paano magagawa ng bading yun?


Michelle

Metrosexual.jpg

Dear Michelle,

In fairness, wala akong kilalang baklang "Jhun"? Well, to be perfectly honest, wala akong kilalang bakla na dinadagdagan ng letrang "H" ang name nila. Ang chaka kaya ng ganun. It's so probinsiyano. Charot! Joke lang!

Baka naman metrosexual lang ang boylet mo. Although, alam mo ateng, bihira ang metrosexual na straight talaga. Madalas, ginagawang euphemism lang ang metrosexual ng mga closet homosexuals.

Sabi mo, lahat ng mga kilala mo sinasabi sayong bakla siya? Well, I really don't know if the saying "Where there's smoke, there's fire" holds true for all cases, pero it does have its merits. Pero you shouldn't rely on what other people say to you too much.

Tell me something: When you asked your boyfriend if he were gay, did you believe his answer? Was there a little voice in your heart screaming doubts? You and you alone will be able to tell if your bf is lying to you about his sexuality.

I don't know if he's gay or not, to be honest with you. Di ko naman siya kilala eh. Pero if ever umamin siya sa iyo na bading siya, bigay mo number ko, ok iha? :)

Echos lang!

Kisses, All over it,

Callboi

Posted by callboi 08:53 Archived in Philippines Tagged gay_travel

Email this entryFacebookStumbleUpon

Table of contents

Be the first to comment on this entry.

This blog requires you to be a logged in member of Travellerspoint to place comments.

Enter your Travellerspoint login details below

( What's this? )

If you aren't a member of Travellerspoint yet, you can join for free.

Join Travellerspoint