A Travellerspoint blog

Bewitched, Bothered, and Bewildered...

rain

red_horse_bottles.jpg

12AM

Sobrang wala sa mga plano ko ang mapunta sa Malate nung Sabado kahapon.

Akala ko, magpapahinga lang ako sa bahay, manunuod ng mga DVD's, matutulog, at kung anu-ano pang mga exciting na gawaing pambahay (tulad ng paglinis ng banyo).

At around midnight, dumating si She-ra sa bahay, kasama si Dookie.

"Bakla, magbihis ka na, Malars tayo!" ang pagbati ng baklang She-ra.

Si Dookie naman, tahimik lang, nakangiti.

"Ummm... wala akong pera panggimik," ang sagot ko naman, which is true, pero totoo rin na parang tinatamad ako lumabas.

"Aysus! Kaya nga andito ang Dookie eh! Para financier natin!" sabi ni She-ra na walang hiya.

Nakangiti pa rin si Dookie, "Ok lang ba sayo lumabas ngayon?"

I smiled. Makakatanggi pa ba ako?

115AM

Top and Bottom Bar:

Nakakadalawang red horse na ako. Si She-ra, apat na. Si Dookie? Tatlo. Tatlong baso ng orange juice.

Di marunong uminom masyado ang lolo mo. Napagalitan tuloy ng She-ra, "Ano ba naman yan? Orang juice? Ano ka? May sakit? Bakit juice iniinom mo dito?"

"Eh ano namang masama dun?" I countered.

"Oo nga..." replied Dookie.

"At isa pa, siya ang magbabayad nitong lahat noh?" I said, poking She-ra on the chest.

"Ay, oo nga pala, ahehehe," She-ra giggled, "Gusto mo pa ng OJ? Or baka naman buko juice? Guava? Guyabano?"

230AM

Marami-rami na kaming naiinom. Ang She-ra, lumalandi na. Si Dookie at ako, natatawa na sa kabastusan niya.

"Kita niyo yung pa-mhin na yun sa may kanto? Naka-sex ko na yun sa gym. Yung isang yun naman na kausap ng waiter? Na-BJ ko na sa kotse. Ay! Ay! Kita niyo yung cute na yun na bumibili ng yosi?"

"Oh ano? Nakasex mo siya sa gubat?" I asked, laughing.

"Hindi. Gusto ko siyang makasex," She-ra said, standing up and heading towards the cute guy, "Sandali lang ha? I'm going fishing."

"Hooist! Mahiya ka nga!" I called after him, pero bingi na sa kalasingan ang lola mo.

"Yaan mo na siya," Dookie said, "Diyan siya masaya eh."

wensha.jpg

400AM

Wensha SPA:

Nagdecide kaming dumiretso sa Wensha sa may Roxas Blvd. At syempre, sagot pa rin ng Dookie ang lahat. Dyahe pero syempre di naman ako tatanggi sa grasya.

Si She-ra, pakitang gilas sa steam room. Panay ang rampa ng hubad na parang nagbebenta ng tuyo sa harap ng mga lalake.

Di ko maintindihan kung bakit siya nagpapapansin eh puro naman mga gurang ang nasa loob ng spa nung gabing yun.

"Marse, nantatakam lang ako. Gusto ko lang ipakita sa kanila ang aking gorgeous physique," ang explanation naman ng She-ra, "They can look, but honey, they can't touch."

"Bakla, ang taray mo," I commented.

"Naman!" She-ra replied, waving the towel around his nude body.

Si Dookie, as usual, tahimik lang sa isang sulok ng jacuzzi, parang nagsesenti.

"Okay ka lang?" I asked him, dipping my feet in the water.

He nodded, "Masaya ka ba?"

Nagulat naman ako sa tanong niya, "What do you mean?"

He got out of the pool, wrapped the towel around his torso, sat down next to me, "Wala. Masaya ka ba ngayon?"

I thought about what he asked, and then answered, "I think I am."

"Pero...?" he followed.

"Ewan. May ewan eh. Di ko ma-explain," sagot ko.

Dookie nodded, as if he expected my answer.

At si She-ra? Ayun, may booking na thundercats. Well, to be honest, di naman ganun katanda. Siguro early forties.

"Daaahlings, maiwan ko muna kayo diyan sa kumunoy na yan..." sabi niya, nakaakbay sa thundercats, naglalakad palayo.

Dookie and I looked at the both of them, walking away from us.

"At least si She-ra mukhang masaya," Dookie said.

"Bakit? Di ba ako mukhang masaya?" I asked him.

He looked at me, "To be honest? Nope. It's like you're not here. Your mind is somewhere else. I guess what I really should be asking you is, who are you thinking of right now?"

Patay. Gago kasi tong si Pumpkin eh.

Posted by callboi 01:29 Archived in Philippines Tagged gay_travel

Email this entryFacebookStumbleUpon

Table of contents

Comments

Mas gagu ka fren, not to offend ha.
peace!

by parteeboi

This blog requires you to be a logged in member of Travellerspoint to place comments.

Enter your Travellerspoint login details below

( What's this? )

If you aren't a member of Travellerspoint yet, you can join for free.

Join Travellerspoint