A Travellerspoint blog

Ten Things That Scare the Hell out of Me...

sunny

scary_arms.jpg

1) Takot akong madulas sa stairs. Feeling ko kasi pag nadulas ako sa hagdanan, dahil sa sobrang bigat ko, pag dating ko sa bottom, durug-durog na ang mga buto ko. Tapos siyempre, dyahe sa mga tao di ba? Wish ko lang, kung madulas nga ako, maging unconscious na lang sana ako para di ko makita ang mga mapanghusgang mata ng mga masa. Pakshit sila.

2) Takot akong makasalubong si Ruffa Guttierrez. Baka kasi di ako makapag-pigil at masigawan ko siya ng "Social climber kaaaaah! Tumigil ako sa pag-gamit ng Pantene dahil sa yooooh!" I swear, that woman bugs the hell out of me. Lalo na pag humirit siya ng "My GOSH!"

ruffa.jpg

3) Takot ako sa buntis. Actually, takot ako na makatabi sila. Kasi takot ako na ma-sagi ko sila or something tapos masaktan yung baby sa tummy nila. Sa laki ba naman ng mga braso ko, mamaya pa matamaan ko yung tiyan nila tapos mag-pop out na lang yung baby.

4) Takot ako sa mga local celebrities na pumapasok sa pulitika. Well, to be honest, imbiyerna lang ako sa kanila. Di na ako magugulat kung si Lolit Solis ay balang araw tumakbong presidente natin, at si Jobert Sucaldito naman ang bise.

lolit_solis.jpg

5) Takot ako sa palaka. They're so kaka. Kakainis. Kakadiri. And kakawalang ganang kumain.

6) Takot ako kay Tim Miller. Anlaki niya eh.

7) Takot ako sa schedule rotation. Paano na kapag di ako naging saturday off? Paano kapag naging Mon-Tue off uli ako?! Di man lang umabot sa Ladies' Night!

8) Takot ako kay Sadako. Ang scary ng puta. Lumalabas sa TV.

9) Takot ako malunod. Mataba na nga ako, tapos pag nalunod ako, mamaga pa ako lalo dahil sa tubig. Abuso na ha?

10) Takot akong bumili ng pantalon. Lagi kasi akong napapahiya pag tinatanong ko yung mga salesperson kung meron silang size ko tapos mabilis silang sasagot ng "Wala po" kahit di man lang nila tsinek.

Posted by callboi 11:31 Archived in Philippines Tagged gay_travel

Email this entryFacebookStumbleUpon

Table of contents

Comments

callboi, re: Fear #3; pwede bang tabihan mo nalang ako para pag nasagi mo ako eh lumabas na tong baby?
At least tipid ako sa ospital diba?

by GingerFerrer

This blog requires you to be a logged in member of Travellerspoint to place comments.

Enter your Travellerspoint login details below

( What's this? )

If you aren't a member of Travellerspoint yet, you can join for free.

Join Travellerspoint