A Travellerspoint blog

Ms. Talent Portion...

storm

landlady_red.jpg

My Landlady...

"Iho, antagal mong nawala ah..." greeted my landlady, blowing smoke through her nostrils, as I stepped inside the gate.

"Ah opo, isang linggo lang po. Na-ospital ako eh," I replied.

"Ha? Bakit naman?" she asked.

"Gastritis po... atsaka chineck nila yung diabetes ko," I answered, slowly edging away from her and towards my apartment.

But she clearly wanted to talk some more. Bored ang lola niyo siguro.

"May diabetes ka? Naku, anlakas mo kasi kumain siguro," she noted.

"Medyo nga po," I laughingly said.

"Sino nagbantay sa iyo sa ospital? Boyfriend mo?" she asked.

Nagulat naman ako dun. Di ko alam na knows na pala ng lola niyo na bilatsina ako.

"Po? Ummm... hindi po," I answered, "Mga barkada ko lang po."

"Eh nasaan yung boyfriend mo?" she asked.

Medyo nakaka-imbiyerna na ang lola nyo ha! Ms. Talent siya pag dating sa pag-uusyoso.

"Wala po akong boyfriend, tita," I said.

Her eyebrows went up.

"Eh akala ko naman, isa dun sa mga kasama mo laging lalaki eh isa sa boyfriend mo," Ms. Talent noted, "kung sabagay, marami sila kaya di ko naman sure kung sino sa kanila."

Warla!

"Di naman po ako nag-uuwi ng sobrang dami. Puro barkada lang po na ka-opisina ko rin," I said, trying to keep my cool. Sa totoo lang, gusto ko nang kunin yung nakasinding yosi niya at ipasok sa loob ng shorts niya.

Pero di pa rin tapos ang Ms. Talent.

"Naku, pasensya ka na Ryan ha? Akala ko talaga boyfriend mo isa sa kanila," she said, trying to act all innocent, leaning back on her chair, her unshaven armpits staring at me mockingly.

I smiled, "Wag po kayong mag-alala, tita. As soon as magka-boyfriend ako, ipapakilala ko sa inyo."

Tumaas uli ang kilay ni Ms. Talent.

"Sige po, pasok na po ako, papahinga lang ako," I said, walking away, "Kelangan ko ng energy para makahanap ng dyowa."

With that parting shot, I turned my back on her and into my apartment.

Callboi is finally home.

Posted by callboi 12:42 Archived in Philippines Tagged gay_travel

Email this entryFacebookStumbleUpon

Table of contents

Comments

hehehe!!!
funny! di ko pa nakikita yang si Ms. Talent.

by parteeboi

always ka pala sa pad ni callboi. okay!

by jaga611986

This blog requires you to be a logged in member of Travellerspoint to place comments.

Enter your Travellerspoint login details below

( What's this? )

If you aren't a member of Travellerspoint yet, you can join for free.

Join Travellerspoint