A Travellerspoint blog

Let's hear it for da boyz (na nagustuhan ko noon at ngayon)!

all seasons in one day

sketch.jpg

1) Si Prince Chubby: Straight

- Wasn't really my type when I first saw him. But then dinilaan niya ako one day sa office. By dinilaan, I mean nagbelat siya sa akin. For some reason, na-cute-an ako bigla sa kaniya. Kaya bigla akong nagpacute tuloy sa kaniya. I would make sabay sa kaniya during his breaks and lunch. Para akong linta noon. Eh bigla ba namang umentra yung isang ka-opisina kong babae. Eh mas maganda sa akin yun. Tapos, balingkinitan pa. Eh di yun, naging sila.

- Pero over na ako kay Prince Chubby. Pag naaalala ko nga lahat ng pinagagawa ko noon para mapansin lang niya, gusto ko tuloy tumalon sa madugyot na creek sa likod ng building natin. Ngayon, kapatid na lang ang tingin ko kay Chubby; kapatid na masarap kurutin at lambingin paminsan-minsan pag malamig ang gabi. Joke lang, Chubby!

2) Si Marbabes: Straight

- Sobrang straight na guy na di takot makipag-close friends sa badet na tulad ko. May kaangasan ang dating ng isang to, feeling niya siguro ang laki ng katawan niya pero sing-payat naman niya si Gelli de Belen nung panahon ni Gagay, Prinsesa ng Brownout. Pero in fairness, habulin ng mga girls tong si Marbabes.

- Sinuportahan ng buong barkada ang mga company basketball games dahil kasama sa team si Marbabes. Everytime may nakakasakit sa kaniya sa laro, kaming mga girls (?) ang nag-iinarte sa bleachers, kala mo mga dyowa o nanay, "Kawawa naman si Marbabes! Sino ba yung gagong yun na sumiko sa kaniya?! Kurutin ko siya sa balls eh!"

- Sa lahat ng games na sinalihan ni Marbabes, isang beses lang siya naka-shoot. Pero siyempre, todo support kaming barkada niya, kulang na nga lang magdala kami ng banner na may nakalagay na "ULTIMATE FANTASTIC SOLID GOLD FANS OF MARBABES!!!" sa mga games niya eh.

3) Si Bunny: Straight

- Isa siya sa mga managers namin sa floor. Kinasal siya last year, I think. Yung asawa niyang si Jam? Ang ganda! Ang bait! Lahat na nasa kaniya! Kulang na lang pakpak!

- nung naging engaged na si Bunny at si Jam, nilapitan ako ni Jam sa office. Sabi niya, "Buquir, I need to talk to you in private."

Kinabahan naman ako bigla, "Bakit po, Ate?"

She was silent at first, and then she showed me a finger. Akala ko nung una nag-didirty finger lang siya sa akin, yun pala ring finger niya yun, tapos may higanteng diamante sa daliri niya. Napasigaw naman ako sa tuwa.

"Sheeeet! Engaged ka na bakla ka!" ang sobrang straight kong reaksiyon.

"Oo, ok lang ba sa iyo?" Jam asked me, looking worried.

Natawa naman ako dun. Concerned pala siya kasi alam niya na patay na patay ako sa dyowa niya.

"Ano ka ba! I'm so happy for you!" Ang sagot ko naman, habang mentally, iniisip ko na kung paano ako gagawa ng eksena sa kasal nila para matigil ang lahat. Inisip ko na during the wedding, bigla na lang akong maglalabas ng armalite from my Gucci purse at pagbabarilin ko ang lahat ng mga bridesmaid.

- In the end, hindi ako imbitado sa kasal.

4) Si Sunshine: Bading

- Barkada ko na di ko akalaing magugustuhan ko noon. Kasi naman depressed ako noon. Tapos siya lagi kong kasama. Di ko naman talaga siya type noon eh. Eh kasi naman mas badet pa sa akin ang Sunshine. At napakabenta sa mga kalalakihan! Dyosko! Pag kasama ko sa mall to, nagiging invisible na ako.

- Ngayon, over na aketch kay Sunshine. Close na nga kami eh. May dyowa na rin siya na ka-close ko na rin. Ang sweet nila. Parang condensed milk na hinaluan ng tinunaw na asukal na may halong ecstacy. Alam niyo kung anong weird? Anak na raw nila ako. Pamilyang Badet 2008, the family that sucks together, stays together.

5) Si Pumpkin: Bading

- Haaaay. Ang pinakaminahal ko sa lahat. Medyo feelers tong si Pumpkin eh. Feeling artistahin, which is true naman, dahil kamukha niya si Joseph Bitangcol, ang artistang pinakasosyal ang last name.

- Maigsi ang dila ni Pumpkin. May lisp siya. Ang pagsasabi niya ng tsinelas ay "sheenyelasss."

- Maporma rin to. Mga ilang oras nakatapat sa salamin bago lumabas ng bahay para bumili lang ng isang kilong bigas sa may sari-sari store sa tapat lang.

- Nung una, ang sabi ni Pumpkin sa akin, straight siya. So, kahit na anong pilit sa akin ng mga tao sa office na bading siya, di talaga ako maniwala. Andaming eyewitness reports na nakita siya sa Malate at sa Government. Pero di pa rin ako naniwala.

- Saka lang ako naniwala nung sinabi sa akin nung dati kong bestfriend na badet na dyowa na pala niya si Pumpkin at may nangyari na sa kanila. Faaaaksheeeet.

Posted by callboi 10:59 Archived in Philippines Tagged gay_travel

Email this entryFacebookStumbleUpon

Table of contents

Comments

Huh! I simply Lurve ittttt!!! Pero I think there is someone who is not included on the list... Pwede ako na lang ba ang mag-sabi or magsulat!???

Hehehe i LOVE YOU bEKS!!!

by hot-speedo

Panu yan? Eh Nanay ko ang asawa ni Sunshine na dati din niyang anak? Sabi ng Nanay, anak naging anak niya kami sa mga naka-SEB niya.

Kapatid din ba kita?

by krazysoul

Hello... mga friends... may saket po ang ate callboi niyo... lalabas na siya ngayon. Sabi ng Dr. one more day rest daw. Kawawa naman... pray naten siya!!!

PS. Kilala ko na si Sunshine!

by parteeboi

parteeboi..super close kayo ni callboi noh.

by jaga611986

This blog requires you to be a logged in member of Travellerspoint to place comments.

Enter your Travellerspoint login details below

( What's this? )

If you aren't a member of Travellerspoint yet, you can join for free.

Join Travellerspoint