A Travellerspoint blog

Nakanamputsa...

all seasons in one day

humpy-yumpy-yumpkin.jpg

Masaya na ako, eh! Ok na ang lahat sana!

Alam niyo yun? Tahimik na buhay ko eh. Kahit papaano, ok na trabaho ko. Ok na kami ng mga friends ko na ka-EOF ko dati.

Wala nang bumabagabag (naks!) sa aking bayarang puso, kasi wala na akong kinababaliwan ngayong tao.

And then... somebody casually mentioned to me na Pumpkin is back in town.

Si Pumpkin. The cause of all my madness. The former love of my life. The one. Lahat na ng maisip niyo na love cliche, siya na yun. Ang lalaking nakapagpasabi sa akin ng saying "My heart is a wound that can only be healed by the sword that inflicted it" and kung anu-ano pang charmos ng kabaduyan at kabadingan at kahibangan.

Don't get me wrong, ha? Never kaming nagkaroon ng relasyon ni Pumpkin. We were just really close friends. Wish ko lang naging kami, noh? Charing!

Anyway, about a year ago, Pumpkin moved to far far away Bacolod. I told myself then that finally, makaka-move on na ako. Sa wakas, di na ako tatakbong luhaan sa Ayala, whilst screaming his name, black mascara running down my cheeks (Evanescence's "My Immortal" playing in the background).

Pero, eto na naman siya, nasa iisang isla na naman kami. Mas malaki ang probability na magkasalubong kami ng madugyot na hayop na yun.

Anong gagawin ko pag nagkita kami??? Anong gagawin koooh (hithit-buuugaaah)???

Questions: Do I really want to see him?

Over na ba talaga ako? Or overweight lang?

If I do see him, would he want to talk to me?

If he does, what in the world would I say?

Oh my Gaaaaad.

Dear Readers, simula na ito ng PumpkinWatch 2008!!!

Posted by callboi 08:30 Archived in Philippines Tagged gay_travel

Email this entryFacebookStumbleUpon

Table of contents

Comments

CMG.

by krazysoul

You keep on asking me to comment, well...

by parteeboi

like.

by jaga611986

This blog requires you to be a logged in member of Travellerspoint to place comments.

Enter your Travellerspoint login details below

( What's this? )

If you aren't a member of Travellerspoint yet, you can join for free.

Join Travellerspoint